Prologue

290 16 6
                                    

"Josh, Sorry pero ayoko na."

Mga salitang sumampal sa'kin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. After many years, yung mga salitang akala ko di ko maririnig sakanya ay narinig ko na.

"Lizzy bakit? May kasalanan ba ko? By sorry kahit di ko alam.."

"Wala kang kasalanan, Josh! Desisyon ko 'to! Choice ko!"

"Pero Lizzy sobra nang dami na nating pangarap. Diba sabay pa tayo magco-computer after every class natin, sabay pa tayong sasali sa mga contest. Sabi mo den na sabay tayong mananalo at sabay tayong makikilala ng buong pagdating sa computer games. Lizzy wag naman ganon"

"Josh buo na ang desisyon ko! Lahat nang yan? Kalimutan mo na yan! Di na tayo sabay mangangarap! May sarili akong pangarap at may sarili kang pangarap. Gusto ko munang unahin pag aaral ko pero sa tingin ko yang mga computer games na yan ang hahadlang don!"

"Sige, di na kita aayain mag computer games after every class. Instead punta nalang tayo sa library para mag-aral. Lizzy alam mo naman na supportado ako sa gusto mo. Please Lizzy wag naman yung ganto"


Sa limang taon na pagsasama namin ni Lizzy, madalang kaming mag away. Dahil para samin ang pag aaway ay para sa mga bata lang yun at pang ubos lang ng oras namin. Madalas kaming nasa computer shop ni Lizzy dahil don ko siya nakilala. Gamer siya at gamer din ako, madalas ko siyang napapansin na naglalaro ng sa computer shop na pinaglalaruan ko din.

Since high school , madalas kaming magkasama ni Lizzy para maglaro. Hanggang sa mas tumibay ang pagkakaibigan namin hanggang sa nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya. 2nd year high school pa lang nung naging kame.  Kaya sobrang laking kawalan para sakin si Lizzy ngayon.

"Josh please tama na"

"Pero bakit Lizzy? Lumaban naman ako ah? Nilaban naman kita ah? Kulang pa ba?"

"Pero di dapat sa lahat ng oras nalaban ka! Di sa lahat ng oras may ipaglalaban ka! Matutong kang sumuko para sa mga bagay na di para sayo! Mahirap sayo Josh puro ka lang saya, ayaw mong maranasan ng sarili mo yung sakit at hirap! Kung kaya mong lumaban pwes ako hindi na! Matuto kang mamili Josh, wag puro saya ang dapat mong iparamdam sa sarili mo dahil hindi habang buhay magiging masaya ka! Di lahat ng taong ipinaglalaban mo e pinaglalaban ka din! Matutong kang sumuko sa mga bagay na hindi makakatulong sayo! Lalo na kung laban yan ng Pangarap at Pag ibig"

Battle (SB19 JoKen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon