❤︎Year 2012
NASA LOOB ako ng School bus kasama ang mga kaklase ko at papunta sa sinasabing sikat na National Museum of the Philippines for our field trip.
On our way there, wala akong ibang marinig kundi ang pabalik-balik na topic ng aming History teacher.
Nababadtrip na rin ako dahil besides sa umuulan at patuloy parin ang klase kahit nasa b'yahe, hindi ko rin kasama ang best friend kong si Celine. Ewan ko ba kung anong nangyari d'on at hindi nakasama sa field trip na'to.
Honestly, hindi ko naman talaga gustong pumunta sa trip na ito. May prinovide na excuse letter ang school para sa parents at guardians namin, may rights rin ang parents na wag payagan ang mga anak nilang pumunta for some valid reasons.
I personally talked to Tita Martha that I don't want to go, but then she insisted. Kailangan daw, dahil wala naman raw akong sakit or what para hindi pumunta sa field trip. Ilang beses ko rin siyang sinabihan na ayaw ko pero sa huli napapayag rin niya akong pumunta sa trip. Sabi niya kasi na babawiin niya ang binigay niyang pocket books sa akin kung hindi ako pupunta kaya I had no choice.
Bored na bored akong nakatingin sa bintana ng sinasakyang bus, tinitingnan ang bawat pagpatak ng ulan. I sighed and pulled out my pocket book. Nagbasa nalang ako at hindi na pinapakinggan ang mga pinagsasabi ng History teacher.
Ilang minuto pa ang lumipas at napahinto ako sa pagbabasa nang marating na namin ang destination. Sa wakas makakatayo narin ako, kanina pa kasi ako nakaupo at nakayuko sa pagbabasa. I streched my arms and body at isa-isa na rin kaming bumaba pagkatapos.
"Class, welcome to the National Museum of the Philippines!" pagwe-welcome nila sa amin.
Pumasok kami at nagsimula ng i-tour ng mga teachers at tour guides, the class was divided by three groups.
Lima kami sa isang grupo kasama ang adviser namin, we were toured by the genuine Tour guide Ate Melisa. She was nice and friendly kaya madali lang sa amin na maintindihan ang mga backround history talk niya.
Nag-ikot ikot kami sa iba't-ibang parte ng museum, hindi ko mapigilang humanga sa mga gamit at artifacts dito. Kung kanina sa bus ay bored na bored ako, ngayon naman ay nae-excite pa akong malaman ang iba pang gamit dito.
Halos isang oras narin ang nakalipas at patuloy parin kaming paikot-ikot dito, sa tingin ko rin ay nalibot na namin ang buong first floor ng museum. Hindi nagtagal ay nag-break muna kami sa kaka-tour, bigla namang dumating ang isang faculty member sa school dala-dala ang nag-aalalang itsura.
"Class, lumalakas na ang ulan sa labas. For now, wait lang muna tayo dito hanggang sa humina ang ulan." sabi ng teacher.
Napatingin ako sa mga classmates kong natatakot na at nag-aalala sa mangyayari. Nag-usap naman ang mga teachers at tour guides na kasama namin.
Ako naman ay balak ko munang mag-cr dahil naiihi narin ako, lumapit ako sa mga tour guides at saktong nakita ko naman ang nag-tour sa amin kanina na si ate Melisa. Tinanong ko siya kung nasaaan ang restroom, sinamahan niya naman ako roon. Matapos kong umihi ay naka-abang na siya sa labas.
"Tapos ka na ba?" tanong niya sa akin
"Opo" tumango ako at pabalik na kami ng main hall kung saan nandoon ang mga classmates at teachers ko.
Pero nabigla ako ng mapansing lumiko kami ng dinadaanan. Nagtaka ako at tiningnan si Ate Melisa, somehow nakaramdam ako ng kaba.
"U-uhm A-ate saan po tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya
"Basta, sumama ka nalang sa akin.." mabilis lang siyang tumingin sa akin at bahagyang ngumiti, bumalik rin naman ang paningin niya sa dinadaanan namin.
Nagtaka ako at umaapaw narin ang kaba sa dibdib ko, pumunta kami sa kabilang side ng museum at doon ko nakita ang malaking hagdanan papuntang second floor, hindi ko rin alam kung bakit patuloy parin akong sumusunod sa kaniya, naku-curios kasi ako kung asan ang punta namin.
Umakyat kami sa second floor, which is hindi part ng tour namin kanina. Nakita ko naman lahat ng artifacts. Halos lahat ay mga alahas at rare jewels. Napanga-nga ako sa nakita ko.
"Wow!" namamanghang ani ko, nilapitan ko ang mga ito sa large glass wall at tiningnan ng malapitan.
Nakakuha ng interes ko ang heart shaped necklace na kulay Indigo. Nakikita ko ring gawa ito sa pure diamond.
"Maganda 'di ba?" tanong niya, tumango naman ako "Alam mo bang yang heart shaped necklace ay isa sa pinakamatagal na object dito sa museum.." pagbibigay kaalaman ni Ate Melisa sa akin. Tutok parin ako sa kwintas. "It is made out of a rare piece of diamond at walang maski-sino ang pa nakakahawak ng necklace na'yan simula ng mapunta dito, it's been years mula ng huling mabuksan ang glass box..."
"Cool..." tumingin naman ako sa kaniya "Ate Melisa, bakit niyo po pala ako dinala rito? Hindi po ba kayo mapapagalitan na ako lang mag-isa ang dinala niyo rito?"
"Ang totoo... off limits sa mga young guests ang floor na ito... pero I guess trip ko lang na isama ka dito. Anyway mabilis lang naman tayo dito eh, bababa narin tayo pagkatapos." nginitian niya ako
"Gan'on po ba? Thank you po dahil dinala niyo ako rito, it's an honor na makapasok sa off limits na lugar."
"Sige na, halika na bumalik na tayo, baka naiwan ka na ng school bus niyo." iginaya niya ako pababa at agad ko namang nakita ang classmates ko na nagli-line na, mukhang aalis narin kami dito.
Sumama narin ako sa linya, liningon ko naman si Ate Melisa para kumaway. Pero nang lumingon ako, nagtaka akong wala na si Ate Melisa at mga ibang tour guides na lamang ang nakita ko.
Oh well, baka may pinuntahan lang.
Pumasok narin kami kaagad sa School bus namin. Mahina lang ang daloy ng aming byahe dahil batid kong nag-iingat rin ang mga teachers at faculty members para sa kaligtasan namin.
Medyo madulas kasi ang kalsada dulot ng ulan.
Masaya naman akong safe kaming nakabalik sa mga bahay namin, sa wakas ay makakapag-pahinga narin ako.𑁍𑁍𑁍
I'm now wearing my thick pajamas and black hoodie, at dumiretso na sa higaan ko. Napatingin ako sa labas ng bintana, umuulan parin ng malakas.
Ichinarge ko na ang flashlight at cellphone ko sakaling mag brown-out. Tiningnan ko naman ang bag ko kanina sa field trip at kinuha ang binasang libro para ibalik sa mini library ko, natigilan ako nang mapansin ang kumikinang na bagay sa loob.
Nagtaka ako. Kinapa ko ito at hinawakan nang ma-realize ko kung ano iyon. Napalunok ako. Inilabas ko ito sa bag ko. Nanginig ang kamay ko nang makita ang kabuuan nito.
"P-paano t-to napunta d-dito...!?!"
Napalunok ulit ako bago nabitawan ang heart shaped necklace na nakita ko lang kanina sa Museum!
♡
BINABASA MO ANG
The Sweet Matchmaker ❤︎ (ONGOING)
RomanceLoharriette Dizon was an 18 years old highschool student with simple life and excellent grades. She was also a very lucky girl. Loharriette never thought that her life would change after she instantly turned into a matchmaker by a magical necklace...