𑁍A/N: Hello po! May mga nagtatanong kung ano daw ang pronunciations ng ibang pangalan ng mga Characters. Ito po ang pronunciations nila. Hehehe :)𑁍Loharriette Dizon- (Lo-har-yet)
Celine Mandalia- (Se-lin)
Margaux Sandoval- (Mar-gow)Readable naman ang iba hehe... Thank you for reading pooo!! God Bless! :)
❤︎
IT WAS lunchbreak at papunta na kami ni Celine sa Cafeteria. Nang maka-upo na kami sa table namin ay nagsimula na kaming kumain.
Napansin ko namang matamlay si Celine, actually kanina pa siyang umaga hindi kumikibo.
"Celine.. okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong
Pero hindi siya umimik at patuloy paring nilalaro ang pagkain niya.
"Celine?" tawag ko ulit, this time nilakasan ko na ang boses ko.
"H-huh?"
"Kanina ka pa hindi kumikibo d'yan, may problema ba?"
"Uhm.. Wala naman.."
"Sigurado ka ba? Kanina ka pang umaga matamlay eh.."
"It's just... hayss wag nalang.." umiwas siya ng tingin sa akin.
"It's okay, pwede mong sabihin sa akin."
"Si T-tobby kasi..." panimula niya.
"Ouh? Gumwapo na naman bah?" pilit kong pinapagaan ang mood niya
"No.. Si Tobby m-may girlfriend na.." diretsong sabi niya, nabigla naman ako.
"Sino?" takang tanong ko.
Akala ko ba sila ang magkakatuluyan sa future, bakit nagkaroon ng girlfriend si Tobby at ang mas ipinagtataka ko ay hindi si Celine.
"Si Margaux, yung sikat na cheerleader sa Class 12-B" malungkot niyang sabi.
Si Margaux? Yung sikat na cheerleader at kilala rin bilang isa sa mga campus bitch? Siya yung naging girlfriend ni Tobby? Napakalayo naman ng personality nila.
Gusto kong sabihin kay Celine na kahit na may girlfriend na si Tobby, sila rin naman ang nagkakatuluyan sa huli, hindi ko nga lang alam kung ano ang magiging daloy ng istorya nila.
Tumayo ako at nilapitan siya, binigyan ko siya ng mainit na yakap.
"Okay lang 'yan Celine... hindi pa naman sila mag-asawa eh kaya may chance ka pa.."
Tumawa naman siya. "King-ina, naiisip ko tuloy paano kung magkakatuluyan sila sa huli.. Paano na lang kung isang araw bigla na lang silang magpapakasal dalawa tapos ako mag-isang naka-tunganga huhuhu..."
"Ano ka ba? Hahhaha For Heaven's sake, highschool pa tayo, kasal-kasalan agad? Don't worry hindi sila magkakatuluyan."
"Paano ka naman nakakasiguro don? Ha? Nakikita mo ba yung future? HAHAHA"
Bumitaw ako sa pagkakayakap at seryoso siyang tiningnan."Paano kung sabihin ko sa 'yong, Oo nakikita ko yung future?"
"Wag ka ngang magbiro d'yan. Ang kailangan mong gawin yakapin ako at sabayan 'no.. nag-e-emote ako eh.."
Natawa ako at muli siyang niyakap.
Kung alam mo lang Celine...
𑁍𑁍𑁍
It's now 5 PM nang matapos kami sa afternoon classes namin, malungkot parin si Celine kahit anong pilit kong magpatawa sa kaniya, hindi naman kasi ako joker o yung always positive type na person, so nahihirapan talaga ako kapag buma-bad mood si Celine.
BINABASA MO ANG
The Sweet Matchmaker ❤︎ (ONGOING)
عاطفيةLoharriette Dizon was an 18 years old highschool student with simple life and excellent grades. She was also a very lucky girl. Loharriette never thought that her life would change after she instantly turned into a matchmaker by a magical necklace...