10 | Actions of Fate

74 17 3
                                    



❤︎

"Time's up! Pass your papers to the front."

Napatingin ako kay Celine habang hinahawakan ang tiyan niya. Its Friday and already 12:30. Kakatapos lang namin sa tatlong sunod-sunod na test. Pagod na rin ang brain cells namin. Higit sa lahat, gutom na kami, nakaka-gutom rin gamitin ang utak.

Mabuti na lang at hindi siya nagpa-epekto sa sinabi ni Margaux kahapon dahil bumalik na siya sa pagiging maingay niya. Dumiretso na kami sa  Cafeteria para kumain.

"Uy? hindi mo ginagalaw 'yang Pasta mo.. 'bigay mo na lang 'yan sa'kin..." Sabi niya habang tinuturo ang pasta sa plato ko.

"Ba't ang baboy mo ngayon?" Natawa ako at nilapit sa kaniya ang plato ko, agad niya namang kinuha ang pasta.

"Stress ako ngayon, okay? Sure akong madami akong mali sa Math... Nalimutan ko pang sagotin ang mga nilagpasan kong questions dahil sa bilis ng oras! Ugh!" Sabi niya at isinubo ang pagkain.

"Huwag kang mag-alala. Sure akong malaki pa rin ang score mo." I cheered her up.

"Sinasabi mo lang 'yan 'no! Hindi naman ako kagaya mo na sobrang talino!" singhal niya sa'kin at isinubo ang kanin.

Natawa ako sa mukha niya ngayon, halos hindi siya makapag-salita ng maayos dahil sa rami ng pagkain sa loob ng bibig niya.

"Dumagdag pa 'yung Margaux sa problema ko! Nakaka-inis!" dagdag niya at ininom ang tubig.

"Kalimutan mo na 'yun. Dag-dag stress lang 'yun sa bangs mo." sabi ko at nagpatuloy ng kumain.

Naging busy kami sa mga dumaang oras ng hapon dahil sa paper works at pagde-desenyo namin sa Gymnasium. Busy rin ang mga teachers dahil sa up coming event ng school namin next week which is the Acquaintance Party. Excited ang lahat sa event na 'yun maliban kay Celine. Alam niya kasi na ang magiging partner ni Tobby ay si Margaux.

Ako naman ay makiki-join na lang sa backround effects and designs. Pa-extra extra na lang ako d'on sa party next week, kain-kain lang ng buffet sa gilid. Gan'on naman talaga 'yung ginagawa ko every may Party sa school.

May mga nag-iimbita naman sa akin pero mga gay classmates ko lang. Ewan ko ba, siguro takot ang mga lalaking makipag-sayaw sa akin. Sabi nila, dahil daw sa high IQ ko. Anong konek ng IQ ko sa sayaw!?

"Una na ako sa'yo! Bye, ingat!" sigaw ni Celine sa corridor habang kinukuha ko ang libro ko sa locker.

Kumaway lang ako sa kaniya. At naglakad na sa library pagkatapos. It's already 4:30 PM at alam kong late na ako sa session namin ni Mr. Masungit. Natagalan kasi kami sa paglilinis ng Gym para sa gaganaping Acquaintance Party next week.

"You're ten minutes late." Bungad ni Kenji sa akin nang makalapit na ako sa kaniya, naka-upo siya sa chair. He was crossing his arms in front of his chest.

"Alam ko kaya bilisan na natin 'to." sabi ko at umupo narin at dali-daling kinuha ang mga gagamitin namin sa pag-aaral.

Physics lang 'yung inaral namin ngayon dahil 'yun lang daw ang subject na nahihirapan siya. As usual, masungit pa rin siya at mayabang.

"May notes ka sa Biology sa past school mo?" Tanong ko sa kaniya. Transferee kasi siya kaya tinatanong ko lang kung may kopya s'ya sa past school niya.

The Sweet Matchmaker ❤︎ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon