06 | Jerk

89 26 6
                                    



❤︎

DUMAAN ANG ilang araw at wala pa rin akong makitang bagong student na matuturuan. Nasanay na rin akong tuwing gabi, nago-open sa page ko at sinasagot ang mga tanong ng mga tao tungkol sa marital status nila. Gabi-gabi ko ginagawa yun.

Kung sa umaga ay isa lang akong normal na estudyante, sa gabi naman ay isa akong matchmaker.

I decided to keep my matchmaking service and my student life separately. Hindi ko rin naman gustong malaman ng ibang tao ang kakayahan ko sa pagma-matchmaking at baka ma bisto pa nila ang tungkol sa kwintas.

Naisip ko rin kung paano kaya kung bigla nilang malaman na ako pala ang nasa likod ng page na ito? Na ako ang matchmaker na nakakakita ng future sa pamamagitan lang ng picture? Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

"Ang sarap ng banana pie nila dito."

Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Celine.

"Talaga? Patikim nga.." agad akong kumuha ng maliit na bahagi ng banana pie niya at tsaka kinain.

It's Sunday at nandito kami ngayon sa loob ng isang Coffee shop, naisipan naming mag-break mula sa school works ngayong weekend. Sakto pa dahil may fiesta. Maingay ang paligid at maraming mga nagtitinda sa labas.

Matapos ang ilang minuto naming stay doon ay umalis narin kami at pumunta sa park. Medyo maraming tao ang nandito ngayon kaya siksikan kami ni Celine sa mga dumadaan.

Nahihirapan na rin akong makalusot sa dami ng tao. Bakit nga ba namin naisipang pumarito sa park? Ahh.. oo nga pala para makapag-relax.
Eh paano naman kami makapag-relax sa dami ng tao dito?

Nasa unahan na si Celine kaya hindi ko na siya masyadong nakikita. Sobrang lakas na ng tinig ko kaka-excuse. Halos lumuwa na rin ang esophagus ko ka-kasigaw. I did my very best getting myself out of the crowd. Nang makawala ako, ay madali kong inayos ang gusot sa damit at humigop ng malalim na hangin. Para 'ata akong nalunod sa pugad ng mga tao doon.

Agad namang nag-ikot ang paningin ko para hanapin si Celine pero bigo ako. Nagsimula akong maglakad-lakad at nagtingin-tingin kahit saan. Para akong nawawalang bata na hinahahanap ang nanay ko. Kinapa ko naman ang cellphone ko para tawagan siya.

Saktong iniligay ko na ito sa tenga ko nang mabunggo ako ng isang lalaki. Sa isang iglap, tumilapon ang cellphone ko sa maduming putikan!

Kinuha ko agad ang cellphone at agad itong pinunasan. I cursed when I saw the broken screen. Sinubukan ko itong i-on ulit pero nang bumukas na ito ay bigla na lang nag-glitch at nag-off ng kusa.

"Hoy!"

Sumigaw ako sa lalaking bumunggo sa akin. Hindi siya nakinig at patuloy paring naglakad, mukhang nagmamadali siya. Agad ko naman siyang hinabol at hinila ang manggas ng shirt niya.

"Walang hiya ka! Tingnan mo ang ginawa mo!" galit na ani ko. Nang makaharap na ako ng tuluyan sa kaniya ay napatigil ako.

I was starstruck. He was a very attractive guy, tall, lean with beautiful physique. His jet-black hair was almost covering his lackluster eyes. I felt like fainting, staring at him.

He briefly stared at my broken phone for a moment then to me. He let out a big sigh first then leaned closer. Bahagya naman akong umatras.

"Excuse me?"

Napa-awang ang baba ko sa reaksyon niya, tumaas ang kilay ko. Yung magandang first reaction ko sa kaniya ay napalitan ng bago, nabalik ako sa realidad na ang lalaking 'to pala ang sumira sa cellphone ko.

"Anong excuse me? Excuse me ka dyan? Binangga mo ako kaya tumilapon yung cellphone ko sa putikan, nabasag pa at ngayon ayaw ng gumana!" singhal ko sa kaniya

The Sweet Matchmaker ❤︎ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon