02 | Lily

144 30 60
                                    

❤︎

NAPAHAWAK AKO sa baba ko at ilang beses na pinikit at ibinuka ang mata ko kung totoo talaga.

Wala akong maalalang kinuha ko ito. Hindi ko rin alam kung paano 'to nalagay sa bag ko. The last time I saw this heart shaped necklace ay nasa loob pa ito ng bulletproof glass box.

T-teka? P-paano kung sabihin nilang ninakaw ko 'to? Paano kung may cctv doon at nakita nilang nandoon ako sa floor na iyon kasama si Ate Melisa?!

Wait.

Ate Melisa.

Paano kung siya yung naglagay ng necklace dito sa bag ko?! I'm so frustrated and confused!

Nakakapagtaka rin ang biglang paglaho niya sa museum noong liningon ko siya bago pumasok sa bus. In fact saglit lang kami nagstay doon tsaka sa pagkakaalam ko mahirap buksan ang isang bulletproof glass.


 In fact saglit lang kami nagstay doon tsaka sa pagkakaalam ko mahirap buksan ang isang bulletproof glass

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[The Necklace❥]

Tiningnan ko ulit ng maigi ang kwintas. It is very classy and sophisticated. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at isinuot ko ito sa leeg ko. Nabigla ako ng bigla na lang itong umilaw, the light covered all the corners in my room leaving me slightly blind sighted, agad kong kinapa ito at mabilis na tinanggal mula sa leeg.

"Hayyy...."

Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ang boses ng isang babae. Napanga-nga naman ako nang makita ang babaeng nasa 20s niya, naghuhunat ng katawan na parang bagong gising lang.

"Ahhh!!! S-sino ka?!? P-paano ka nakapasok dito?!"

"H-huh??" Turo niya sa sarili niya. "Ahh, Hi!" binigyan niya ako ng malawak na ngiti

Nakita ko rin ang kabuuan niya, nakasuot siya ng fluffy white dress na hanggang tuhod ang haba. A big shaped heart-mole is perfectly carved on her forehead. Her scarlet hair was tightly tied above her head, and it almost felt like I'm watching a cartoon character and for some reasons, naku-cute-an ako sa outfit niya.

May Costume party ba? Mukhang naligaw 'ata si Ate.

"Ahh Oo nga pala..." nagsalita siya "First of all, I would like to say thank you... kind young lady dahil napalabas mo rin ako sa masikip na kwintas na 'yan."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano raw? Ako ang nagpalabas sa kaniya sa kwintas na ito?

"A-anong ibig mong sabihin? Wala naman akong ginawa sa kwintas na ito, bigla na nga lang 'tong sumulpot sa bag ko eh"

"Huh? Ganon ba? pero kahit na... Thank you parin." Lumapit siya sa akin at hinablot ang kamay ko para makipagshake-hands. "Anyway, magpapakilala muna ako sa'yo.." umayos siya ng tayo "Ako si Lily, isang goddess of matchmaking at iyang kwintas na dala mo ay pag-aari ko."

The Sweet Matchmaker ❤︎ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon