❤︎
"Kamusta ang Party?"
TANONG NI Tita nang makauwi na ako, It's already 10 PM nang matapos ang Party. Inihatid ako ni Celine dahil may kotse 'yung pinsan niya sa College.
"Naku! Nakakaloka Tita Martha, itong pamangkin niyo, isinayaw ng isa sa mga gwapong student sa school namin!" malakas na tinig ni Celine. Tiningnan ko naman siya ng masama at tsaka tumawa na lang ng pilit.
"Talaga? Aba'y magandang balita iyon." 'eto namang si Tita, tuwang-tuwa pa. "Mabuti at may lalaki na talagang nakipag-sayaw sa'yo."
"Uhm... hehehe, wala 'yun Tita..." nahihiyang sabi ko.
"Ikaw naman Celine? May naisayaw ka rin ba?" tanong ni Tita kay Celine.
"Oo po, si JB lang po, 'yung classmate naming bakla. Nalulungkot nga po ako eh dahil hindi nagpakita 'yung crush ko sa party kanina."
Tumawa lang si Tita. "Kayo talaga, gusto niyong kumain muna sa loob."
"H-hindi na po Tita, tapos na po kaming kumain doon. Busog na busog nga po eh."
"Gan'on ba... oh sya mas mabuti ng umuwi ka na sa bahay niyo Celine dahil masyadong gabi narin. Mag-ingat ka. May kasama ka ba, pauwi?"
"Oo po, may kotse po 'yung pinsan ko."
"Oh sya sige..."
Nagpaalam na kami ni Tita kay Celine at isinerado na rin ang pintuan. Dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis at maligo. Hindi na ako nakapag-open sa website ko dahil pagod na pagod na ang katawan ko. Matagal pa bago ako nakatulog dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina, talagang isinayaw talaga ako ni Kenji, tapos ang awkward pa... Pati sa panag-inip ko nandoon siya.... Pucha, Ba't hindi siya mawala sa isip ko?
KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Naligo at nagbihis na ako ng uniform tapos dumiretso na ring bumaba para kumain at pumunta na sa eskwelahan.
"Sana all, nakasayaw si Kenji!"
"Ang feeling niya, akala mo naman maganda!"
"Are they dating?"
Lahat ng atensyon ng mga tao ngayon ay nasa sa akin, ang weird sa feeling. Dahil ba 'to kagabi?
Hindi ko na sila tiningnan pa at dumiretso na ako sa classroom, binalewala ko na lang ang mga sinasabi nila.
Pagkapasok ko ng classroom ay nadatnan ko si Celine na may tinitingnan sa cellphone niya. Napansin niya ang presensya ko kaya tumayo siya para salubungin ako.
"Loharriette, tingnan mo 'to!" sabi niya at ipinakita sa akin ang phone niya. "Isang Matchmaking Website! Ang galing 'di ba?"
Natigilan naman ako nang makita ang matchmaking website. Napalunok ako nang ma-realize na sa akin ang website na'to.
"Gusto kong malaman kung sino ang future husband ko, pati mga classmates natin nagtanong na rin. Ikaw, gusto mo rin bang malaman yung future husband mo? Try nating magtanong."
"A-ah... e-eh hehehe... mamaya na lang kasi malapit na ang time oh baka maabutan pa tayo ni Miss Dee..."
"Maaga pa naman ah? Tsaka hindi ka ba excited! Talagang hinintay pa kita para sabay tayong magtanong, tapos sasabihin mong mamaya na lang? Sige na..."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala namang problema kung magtatanong siya sa website dahil naka-airplane mode naman at naka- silent yung phone ko. Ang problema eh, kung mag-sasabay kami ay sure na sure akong titignan ni Celine yung phone ko tapos pag nag-online ako eh bubungad sa akin ang napaka-raming notifications from my website kaya mahirap na, baka mabisto pa ako. Hindi pa naman ako ready dito.
BINABASA MO ANG
The Sweet Matchmaker ❤︎ (ONGOING)
RomansaLoharriette Dizon was an 18 years old highschool student with simple life and excellent grades. She was also a very lucky girl. Loharriette never thought that her life would change after she instantly turned into a matchmaker by a magical necklace...