Sam's POV
Nakarating na ako sa bahay at nakita ko si Mommy at Daddy na nakaupo sa couch habang nanonood ng palabas.
"Hi Mom! Hey Dad!" Sabi ko at sabay beso sa kanilang dalawa. Ngumiti naman sila sa akin at pumagitna ako sa dalawa. I miss this scene of my childhood. Ganito ako lage noon, kapag nakikita ko sila dito na nanonood ng tv at pababa ako ng hagdan. Kaagad akong tatakbo at gigitna sa kanilang dalawa.
"Wala ba kayong work today?" Takang tanong ko sa kanila. These past few days kasi mukhang naging busy sila sa company namin. Minsan past midnight na sila kung makakauwi. "Wala naman so far, pero kanina may nilakad lang kami sandali! Oh? How's the shopping with Adrielle?" Tanong ni Mommy sakin.
"Ayun! Andami niyang napamili, mukhang sabik na sabik sa laruan. Bakit ba hindi sinospoiled ni Kuya ng mga laruan si Adrielle Mom? He's still a kid naman, for sure when he grow up. He can learn naman siguro diba?" Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi sinospoiled ni Kuya si Adrielle ng mga laruan. He's still young and he deserve the toys he want. Wala naman atang masama dun right? Mabait na bata naman si Adrielle.
"I don't know with your kuya, he always say na baka raw maging spoiled brat paglaki, baka raw ganiyan ganito. Siguro over-protective lang yung kuya mo sa kaniya." Sabi ni Mommy.
"Yun na nga eh? Anong connect naman ang pagiging over-protective ni Kuya sa pagspoil niya ng laruan sa bata? I can't understand his reason, naiinis rin ako sa kaniya." Sabi ko at pinagcross ang mga braso. "Mabuti pa. Umakyat kana sa taas at magpahinga. It's already 8:30" sabi ni daddy sakin at ngumiti. Tumayo naman kaagad ako at umakyat na sa taas at pumasok sa kwarto. May gala pa pala kami bukas ng gabi ni Amanda. Bukas nalang rin siguro ako magpapaalam kina Mommy.
NEXT DAAAAY.
*kkrriinngg*
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko and it's already 8:00am in the morning. Wala naman akong lakad ngayong umaga. Mamaya pa naman kami pupunta sa TOPVIEW RESTO BAR hindi ako familiar sa bar na yan. Bagong bukas pa kasi talaga daw yan. Tinext lang sakin ni Amanda yan kanina dahil magkikita nalang daw kami sa parking lot.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba hindi ko nakita si Mommy at Daddy sa Dining table. Sakto namang pagpasok ko sa Dining ay nakita ko ng lumabas si Manang galing kusina.
"Manang? Where's Mommy and Daddy?" Sabi ko kay Manang at umupo na at kaagad naman akong binigyan ng baso ng maid at sinalinan ng Juice.
"May conference meeting sila dun sa Davao. Tatawag nalang daw sila mamaya sayo. Hindi ka na nila ginising kasi mahimbing daw ang tulog mo." Paliwanag ni Manang habang tumabi sakin. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Mommy.
*rrriiinnnggg*
"Hello, Anak?" Sabi ni Mommy at may naririnig akong mga nagsasalita sa paligid. Nasa conference nga ata sila.
"Is there something wrong? We're in a meeting. Can you hurry?""Uh.. Sorry Mom! Please call me nalang if you're done in that conference." Sabi ko at binaba na ang tawag. Pagbaba ko palang ng tawag ay tumawag na naman si Amanda.
"Hello?" Bungad ko sa kaniya.
"Where the hell are you?! Ba't ngayon lang kita na contact? Sino ba ang tumatawag sayo?" Sunod-sunod na sabi niya. Napahinto naman ako sa pagkain dahil sa sunod-sunod na tanong niya at napainom ng juice.
"Tinawagan ko si Mommy. Bakit ba?" Sabi ko.
"Dun tayo magkita sa Pelaez Sport Center mamaya. At dun ka nalang din malapit magpark. Okay?" Aniya.
"Okaaay, I'll hang up na! Kakain lang ako."
"Okaaaay! Bye! Love you!" Aniya.
"Love you too! Bye!" Sabi ko at binaba na ang tawag.
I was continuing my food when my phone suddenly ring. I was about to say amanda but mom's voice filled my ear.
"Yeah? Done?" Bungad ko kaagad sa kaniya. "So? Why did you call me earlier?" Tanong niya sa akin.
"I just wanted to tell you that I'm gonna go out later with Amanda. And maybe, I'll be home midnight." I heard her sigh. I know you can't do anything about it Mom hehe. She gave me weeks before I can start my job as a CEO in our company.
"Okay. I can't do anything about it right? So.. why bothered to call me?"
"Just to inform you, You don't want to know na nagbar ako ng hindi nagpaalam right?" Sabi ko sa kaniya. "Yeah! Okay. Take care loveyou!" Sabi niya at binabaan na ako ng tawag. Tapos na akong kumain at pumunta nalang ulit ako sa kwarto dahil wala naman akong gagawin ngayon.
Nanonood nalang muna akong netflix at medyo nabobored narin ako dito sa kwarto kahit kakapasok ko pa lang. Kakastart palang ng movie ay nagring na ulit ang phone ko. Seriously? Ba't busy yung line ko ngayon? Hmm.
*Ashton Calling..*
"Hello?" Husky pa yung boses niya. Kakagising pa siguro nito.
"Yes? How may I help you?" Natatawang sabi ko.
"Are you free later? Magba-bar kami kasama ng grupo mamaya." Sabi niya. Kaagad namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Usually kasi kapag grupo matik na talaga na kompleto. Especially, him. And I don't want to see him yet.
"Uh.. I'm sorry Ash! But I can't eh. May lakad kasi kami ni Amanda later eh!" Nagaalinlangan kung sinabi. Totoo naman kasi talagang may lakad kami ni Amanda mamaya. Magba-bar nga lang pero lakad parin naman yun. Why I feel guilty for rejecting him? Tsk. I heard him sigh.
"I'm sorry Ash! I can't make it today talaga eh! Maybe, next time?" Nakangiting sabi ko kahit hindi niya naman nakikita. Natahimik siya saglit.
"O-Okay. Next time then." Sabi niya.
"Okay! See you! Byeeee!" Sabi ko at hindi na siya hinayaan na makapagpaalam. Mean ko ba? Pero bahala na. Ayaw ko muna kasi talaga pag-usapan yung tungkol sa amin noon. I still feel anger but not too much. I'm sure kung sasama ako mamaya. I'm sure he's with Astrid again and I don't want to face her yet at baka masampal ko siya ng wala sa oras.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa panonood at nagising nalang ako dahil nagring yung phone ko. I'm sure si Amanda nato it's already 6:00am at yung usap namin. Magkikita kami hindi pa magse-seven. At dahil nga nakatulog ako hindi ko na namalayan ang oras at hindi pa ako nakapag-alarm.
"Hello?" Medyo napaos pa yunv boses ko at dahil kakagising ko lang.
"Hello? Where are you?!" Sigaw niya. Alam mo lately napapansin ko palage nalang nakasigaw ang babaeng to.
"Nasa bahay pa, I just woke up. Nakatulog ako sa panonood ng netflix and I didn't set my alarm." Paliwanag ko sakaniya.
"Oh siya! What did you wait? Dress up already!!" Makapag utos naman ang isang to.
"Okay. Bye!" Sabi ko at binabaan siya ng tawag at pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo ay naglagay lang ako ng matte liptint at blush on sa mukha. Hindi na ako nagkilay dahil natural na namang makapal ang kilay ko. And I wear Bodycon dress and a sandal. I'm using a chanel shoulder bag yung maliit dahil cellphone, wallet, keys, powder, liptint, lang naman ang dala ko. Pagkatapos kung mag-ayos ay kaagad na akong bumaba at nakita ko si Manang na naglilinis.
"Manang! I'll go ahead. I'll be going out with Amanda. And I already tell Mom that I'll be home late." Ngumiti ako at ngumiti nalang siyang tumango sakin. Ngumiti naman ako pabalik at lumabas ng pinto. Binuksan ko na ang kotse ko at mabilis pumasok sa loob at tatawagan ko muna si Amanda bago ako lumabas ng gate.
"Hello? I'm on my way! Bye!" Yun lang ang sabi ko at hindi na siya pinasagot haha. Binuksan na ng guard yung gate at umatras na ako para lumabas. Paglabas ko ng gate ay pinaharurot ko na kaagad ang sasakyan ko.
YOU ARE READING
When a playboy fall inlove
Novela JuvenilSamantha Martinez is a girl you could ask for. She is every man's dream. She got everything, the looks, the attitude, etc. She is an international model but she stop it temporarily because she was focus on their company. But... An accident happened...