Sam's POV
Kinabukasan, the day has come. Tangina naman kahit natulog nako't lahat-lahat hindi parin nawawala yung kabog ng dibdib ko. Hindi pa nga kami nagkikita ganito na naging reaksyon ng puso ko. Paano pa kapag nagkita na kami mamaya? Mahihimatay na ako? Teka nga, bakit ba ako naaapektuhan? Naka move-on na ako. Wala na yun, matagal na yun at okay na ako ngayon. Business nalang yung pag-uusapan namin mamaya.
Right. Business.
Mamayang 10:00 pa naman kami magkita edi mamayang 9:00 nalang ako aalis dito sa bahay. Bumaba ako at pumunta sa dining table para kumain. Wala akong gana pero kailangan kung kumain at baka talaga mahimatay ako mamaya dahil hindi ako kumain. Hawak-hawak ko ang phone ko ng biglang nag-vibrate ito.
*beep*
From Kent:
Goodmorning! Sorry I can't pick you up. I still need to do some things. I'm sorry, I'll make up to you next time!
Bahagya akong nalungkot sa sinabi niya. Pero I understand rin naman dahil hindi lang naman ako ang kailangan niyang asikasuhin. Alam ko namang may priorities parin siyang kailangang gawin.
To Kent:
Goodmoring din! It's okay. Magpapahitd nalang ako kay Manong ngayon. I still have a meeting with the engineer for our hotel.
From Kent:
That's good! Take care. I love you!
To Kent:
I will, you too. I love you too!
Hindi na ulit nagreply si Kent sa text ko at ako naman ay nagsimula ng kumain. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. It's already 8:00 o'clock at pagkatapos kung kumain ay aakyat ulit ako sa taas para maghanda. I need to be professional it's not about us anymore. It's about business.
"Hija! Heto na ang note na binilin ng Mommy mo." Sabi ni Manang at binigay sakin ang isang kulay green na sticky note at binasa ko yun.
Goodmorning hija! Maaga kaming umalis ng Daddy mo at baka ma-late kami sa flight namin. Eat your breakfast well anak! Take care of yourself. We love you!
—Mommy Bianca
Napangiti ako sa note ni Mommy even though na may pagka strict siya but I know she just love me. Hindi rin naman siya yung ganong strict sa lahat ng gagawin ko. She already know that I'm in the right age to think of my own. I'm not a kid anymore, I'm already 21. But I know being a Mom nagiging strict rin siya minsan. And I understand that.
Habang kumakain ako ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mommy. After ilang ring ay sinagot naman kaagad niya. I thought busy na sila sa ginagawa nila. I don't know anong pinapatulong ni Tita Grace sa kanila, Tita Grace is my Mom's younger sister kaya silang magkakapatid ay sino-spoiled si Tita pero nung nagka-pamilya na. As long as makakaya nila tutulongan talaga nila si Tita.
"Hey, Mom! Goodmorning. Nakarating na kayo?" Tanong ko pagkasagot pa lang. I heard some sound in the background. Baka nandun na sila sa bahay ni Tita.
"Yes anak, at nandito na kami sa bahay ng Tita mo. Nandito rin ang mga pinsan mo." I know ang ingay nga ng background niya e. Nasa highschool at first year college palang ang mga pinsan ko na nasa cebu. Late kasing nag-asawa si Tita dahil nag-aaral siya ng Law ng ilang years.
Minsan nung bumisita ako sa cebu ay nakita ko yung makakapal na libro niya sa pagla-law niya. Matalino naman si Tita pero grabe parin yung pag-aaral niya. Naging topnotcher pa nga yan sa buong Law students. Kahit malaki yung gastos worth it naman kaya nasa 30 na siya ng nagpakasal sila ng long time boyfriend niya. Buti nga at naiintindihan ng boyfriend niya ang pagla-law niya. Supportive naman kaya infairness kasal na sila ngayon. Bata pa lang talaga si Tita gusto na niyang mag Law para raw makatulong siya sa mga mahihirap.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Paglabas ko ay dumiritso agad ako sa walk-in closet ko at naghanap ng damit. Hindi ako makapag decide kung anong damit ang susuotin ko. Parang gusto ko maging formal na nakikipag-usap sa harap niya kahit hindi naman talaga kailangan.
Kaya nakapag decision narin akong isang simpleng floral dress lang ang susuotin ko at flat shoes na bumagay sa dress ko. Pagkatapos kung magbihis ay naglagay lang ako ng konting blush-on at liptint sa labi ko at nagsuklay. Hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa make-up. Tsaka lang ako nagma-make-up kapag shoot ko nung nagmodel pa ako.
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko na si Manong na naghihintay sakin sa harap ng pintuan. Sinabihan ko na siya kanina bago pa lang ako umakyat na siya na yung maghahatid sakin. Nasa labas narin naman ang sasakyan at nahanda na niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan palabas tsaka ako naglakad palabas ng gate. Binuksan ko ang sasakyan at pumasok na ako sa backseat. Next time, I'll gonna use my car para hindi na ako ihahatid ni Manong. Marunong narin naman akong magdrive wala lang tiwala si Daddy sa driving skills ko.
Nang tahimik na nagmamaneho si Manong ay biglang nagvibrate ang phone ko. Nagmadali akong kinuha yung phone dahil akala ko si Kent but I was shock when he's not. It's from unknown number but I know who really is.
Unknown:
I'm on my way, see you. :)
Seriously? Where did he get my number?
Me:
Where did you get my number?
Unknown:
To your Mom!
Me:
And why did you get my number?
Lucas:
To update you? And to tell you that I'm coming.
Seryoso ba siya? Ano nga bang mali Sam? Kinuha lang naman niya ang number mo para ma update ka sa ano ng takbo ng construction ng hotel niyo. Wag ka ngang nag-iisip ng kung ano-ano. Masyado kang overthinker!
Hindi ko nalang siya nireplyan at pinasok ko nalang ulit sa bag ko yung cellphone. Inabala ko nalang yung sarili ko sa labas ng sasakyan. Binibilang ko nalang kung ilang sasakyan ang nakikita ko sa daan.
Stupid!
I know it's kinda stupid but atleast to ease the tense that I'd feel. Habang palapit kasi ng palapit ay nararamdaman ko na yung kaba. Ewan ko hindi ko mapigilang wag kabahan. It's just a meeting about business, so what? It's all about business.
Yeah right!
Paliko na si Manong papunta sa entrance ng building namin. Pagstop palang ng sasakyan ay pinagbuksan na ako ng guard ng pintuan. I just smiled to him and bumaba na ako. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na ang sekretarya ko na mukhang kabado.
"What's with your face?" Nagtatakang bungad ko sa kaniya. Ba't biglang kinabahan to?
"E-Eh kasi Ma'am e. Nasa conference room na si Engr. Saavedra!" Sabi niya. At ako naman ay lumalakas narin ang kabog sa dibdib. Alam kasi niya na may meeting ako with Engr. Sinabihan ko lang rin siya kanina habang paakyat ako. Nasa second floor pa yung conference room pero parang nanghihina na yung tuhod ko. He has this intimedating eyes when he look into someone. Para bang tinutunaw ka sa paraan pa lang ng pagtitig niya.
Sabay na kaming naglakad at sumakay sa elevator papunta sa second floor. Pareho kaming kabado habang paakyat. Because he's the top 1 bachelor in the philippines. At idagdag pa na ex ko siya. Pero hindi alam ni Alexa yun.
Kaya mo yan Sam!
YOU ARE READING
When a playboy fall inlove
Ficção AdolescenteSamantha Martinez is a girl you could ask for. She is every man's dream. She got everything, the looks, the attitude, etc. She is an international model but she stop it temporarily because she was focus on their company. But... An accident happened...