Chapter 12

12K 468 66
                                    

JEREMIAH GARCIA

"You and me together.. Through the days and nights.. I don't worry 'cause .. Everything's gonna be alright.." kanta ni Jaz

Napahalumbaba na lang ako.

Oo na Jaz! Oo na! Tama na. Kanina ka pa kanta ng kanta. Alam ko namang maganda ang boses niya, pero hindi naman kailangan ipamukha sa'kin. Maganda din naman boses ko ee. Pangit lang pandinig nila. Hay

Nandito kami ngayon sa gym. Pinuntahan namin si Laurena na nagpapratice ng Volleyball. Syempre, makikitambay na din kami. Mamaya pa sunod na klase namin ee.

"No one, no one, no one.. Can get in the way of what I feel for you, you, you.. Can get in the way of what I feel for you." pagpapatuloy niya

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.


Si Lila...


Napahinga ako ng malalim.

Naguguluhan ako. Sobra. Gulong-gulo na ko.


Hindi ko alam kung ano paba ang tama sa mali.


Hindi ko alam kung dapat pabang ipagpatuloy o hindi.


Hindi ko na alam. Nababaliw na siguro ko.

"Lalim ng iniisip natin ah. Abot hanggang impyerno." pansin ni Jaz

Napatuwid na lang ako ng upo.

Wala ako sa mood makipag-asaran. Feeling ko, nanghihina ako sa kakaiisip.

Argh!

"Anong problema?" dagdag niya

Umiling lang ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong problema. Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o siya.

Hindi ko na alam!


"Miah, kaibigan mo ko, kami. Kilala na kita. Alam kong may problema ka." matamang nakatingin siya sakin

Napayuko ako.

Tama siya, kaibigan ko sila kaya alam na alam nila kung anong bumabagabag sakin ngayon.


Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya diba. Isa pa, kaibigan ko siya, maiintindihan niya ko. Alam ko.

"Do you think.. ahm.. I'm crazy?" nahihirapang tanong ko

"Woah! Hutaena! English 'yun ah!" singit ni Laurena

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Napaka epal talaga ng babaeng 'to!

"Ssh! Quiet Rodriguez, Now Miah spill it."

Napairap naman si Laurena. Nako! Kay Jaz lang kasi siya hindi uubra. Ewan ko ba dyan kay Lau, takot na takot siya kay Jaz.

"Hoy! Graciana! Ano na?" inip na tanong ni Lau

"Eto na! Eto na! Atat ee." irap kong sagot

Di makapag hintay? May lakad? May lakad? Tsk.

"Tingin ko kasi, mukhang mababaliw na ko." nakangusong sumbong ko

"Matagal ka ng baliw Graciana, ngayon mo lang nalaman?"

Sa sobrang inis ko, naibato ko sa kanya 'yung ballpen na nasa polo shirt pocket ko. Tanginang panira ng momentum! Ang gaga! Tinawanan lang ako.

Craving YouWhere stories live. Discover now