Chapter 27

11.3K 339 82
                                    


"Once someone's hurt you, it's harder to relax around them, harder to think of them as safe to love. But it doesn't stop you from wanting them"

--Holly Black



JEREMIAH GARCIA




Kasalukuyan akong nandito sa talon. Mag-isa. Nagiisip.





Simula ng mangyari ang kahindik-hindik na balitang 'yun, dito ko naisipang pumunta. Umuwi ako sa bahay. Laking pagtataka nga ni Nanay at Genesis kung bakit ako umuwi agad at walang pasabi 'man lang. Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit ako nandito. Hindi pa ko handa. Sobra akong nadurog ng malamang, wala na siya.






Na wala na ang anak ko.








Tangina! Napakasakit. Bakit naman kasi ako pa? Bakit kami pa? Bakit ang anak ko pa? Ang daming taong masasama ang ugali dyan sa tabi-tabi. Ang daming kriminal na pakalat kalat saan 'mang sulok ng mundo. Bakit ang anak ko pa? Bakit hindi na lang sila? Bakit ang magiging pamilya ko pa?







Bwisit! Ang dami kong bakit pero ni isa walang nasagot! Ilang araw na ba kong ganito? Tatlo? Apat? Isang linggo? Pero hanggang ngayon, napaka sakit parin.







At nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba ko nagpadala sa galit ko. Hindi ko 'man lang hinayaan na magpaliwanag sakin si lila. Basta ko na lang siya sinumbatan at hinusgahan. Anong klaseng tao ako? Anong klaseng girlfriend ako? Imbes na ako ang karamay niya ngayon, mas dinagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman niya. Hindi lang ako ang nawalan, pati din siya. Pero kung sumbatan ko siya, parang ako ang mas nasasaktan sa'ming dalawa. Tangina mo Jeremiah. Wala kang kwenta! Wala!








Wala kong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko, napaka hina ko. Napaka walang kwenta kong tao. Bakit? Bakit ko hinayaang mangyari ang bagay na 'to sa'min? Sana.. Sana ako nalang ang sumama kay Dike.. Para hindi naaksidente si lila. Edi sana, buhay pa ang anak namin. Maayos pa sana kami.







Wala kong nagawa 'man lang kundi ang isisi sa kanya ang lahat.







"Sabi na nga ba, nandito ka lang."






Agad akong napatunghay at lumingon sa kapatid kong matamang nakatingin sa'kin. Agad siyang lumapit sa'kin at umupo katabi ko. Napaka yuko ako. Hindi ko kayang labanan ang tinging pinupukol niya sakin.





"Alam ko na ang nangyari Ate." saad niya dahilan para mabilis akong mapatingin sakanya.







Alam niya? Teka.. pano? Wala kong sinabi sa kanila na dahilan kung bakit ako nagkakaganito.






"Ate Ianthe is always calling me. Lagi niyang tinatanong kung kamusta kana. At sa tuwing tumatawag siya, wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak." saad niya "Noong unang beses na tumawag siya. Sobrang saya ko. Kasi akalain mo 'yun. Tumawag si Ate Ianthe. Ang kaso lang, sobrang lungkot niya. Ikaw agad ang hinanap niya sa'kin ." dagdag niya







Natigilan ako.






Lila... I'm really sorry.







"Alam ko na ang lahat ate." pakiramdam ko nahigit ko ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. "Alam na din ni Nanay ang lahat." dagdag niya pa







Craving YouWhere stories live. Discover now