JEREMIAH GARCIA
Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.Napapikit ako ng marining ko ang ringtone ni Abi. Ganda ng kanta ee. Kanina pa may natawag sa cellphone niya ang kaso nasa banyo ang babaita. Kinain na ata ng inodoro. Hindi naman ako naririndi kaya hindi ko sinasabi sa kanya na may natawag. HAHA bat ba! Atleast soundtrip diba.
Napatingin ako kay Abi na kalalabas lang ng banyo at dali daling kinuha ang cellphone niya. Lumabas naman siya para siguro magkausap sila ng maayos.
Napahinga ako ng malalim. Anong oras na ba? Wala naman kasi kaming pasok ngayon dahil Foundation Day ng school. May kung ano anong kaek-ekan ang school ngayon. Nagkaroon kanina ng mass pero dahil mabait akong nilalang hindi ako umattend. Nagtulog lang ako dito. Pero mamaya lalabas ako, may live band kasing magaganap at binigyan kaming estudyante ng kalayaan para gawin namin lahat ng gusto naming gawin. Oh diba saya! Sarap pasabugin ang school para automatic graduate na ko!
"Psst. Hindi ka pa lalabas?"
Napatingin ako sa kanya. Tapos na pala siya makipag-usap sa cellphone. Hindi ko 'man lang namalayang nakapasok siya.
"Mamaya na siguro. Hanggang 11:00 pa naman ang event ee."
"Pero ayaw mo ngayon?" tanong niya pa
Tumango na lang ako.
Nakakatamad kumilos ee. Tsaka nakakapagod ang ginawa namin last week. Subsob na subsob kami last week sa mga projects and quiz. Sa bawat subject nga araw-araw long quiz. Sinong hindi mapapagod dun?
"Mukhang na-advance ang hell week niyo ah. HAHA." natatawang saad niya
Napabuntong hininga ako. "Sinabi mo pa."
"Nga pala, maiba tayo. Alam mo bang usap-usapan ka sa school."
Isa pa 'yan. Mula ng maging kaibigan ko sina lila naging famous na din ako sa school. Ang dami kong fans na gustong gusto ako tirisin. Tss.
Ang bababaw ng mga estudyante ngayon. Masama bang dumikit kina lila? Ee sa girlfriend ko 'yung tao ee.
Ay shocks!
Girlfriend daw. Yiiee. Kilig pepe ko.
Gago. Wala pala ko nun.
Pakiramdam ko, sobrang pula ko na.
Naalala ko na naman 'yung nangyari sa talon. Gosh! Hindi na 'ko virgin.
Hindi ko akalain na magagawa ko ang bagay na 'yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at talagang ako pa ang kumalabit sa kanya para gawin namin. At doon pa talaga.
Ang inam mo Jeremiah! Hindi ka 'man lang namili ng maayos na lugar.
"Hoy! Ngiting ngiti ka na naman dyan! Para ka na talagang nag aadik."
Agad kong binato ng unan sa mukha ang bruha. Tangina. Nagaadik agad? Hindi ba pwedeng, reminiscing the memories lang? Sa ganda kong 'to? Adik? Bwisit talaga.
YOU ARE READING
Craving You
RomanceHistoria #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finished: June 1, 2020