Chapter 22

12.7K 430 29
                                    


"To fall in love and to commit yourself to love means you should make your loved one the one thing you cherish the most."

― Kou Yoneda, "No Touching At All"



JEREMIAH GARCIA





"And here we f-cking go again!"






"I mean... Good Morning Philippines!"







Argh! Napataklob ako ng unan sa mukha ko dahil sa kaingayan nitong kasama ko.




Hindi ba siya aware na natutulog pa ko? Kung makasigaw siya, grabe. Kala naman niya may sunog.




"Hey Jeremiah my friend. Gising na. Tutulog na tayo. Charot! HAHA"




Juskopo! Parang awa niyo na ilayo niyo po sa'kin ang babaeng ito at baka bigla ko nalang siya sampalin pakaliwa't kanan.









"Jeremiah. Anak ni Magdalena, kapatid ni Genesis. Wakey Wake-.."




"Manahimik ka. Ang ingay mo." pagputol ko sa sasabihin niya




Ang gaga, tinawanan lang ako. Nakakabwisit talaga.





"Bumangon kana dyan. Baka malate ka. Sige ka, malalagot ka kay lila mo."




Wala sa sariling napabalikwas ako ng bangon.



Shet! Monday na nga pala ngayon. At isa sa patakaran ni lila ay bawal malate pag Monday. Anak ng tokwa. Sarap sarap matulog ee.




Tuluyan na 'kong bumangon at dumeretso sa banyo. Narinig ko pang humagalpak ng tawa si Abingot. Hmp! Masamid ka sana.




Mabilis ang pagkilos na ginawa ko. Mahirap na at baka mayari pa ko sa babaeng pinaglihi sa sama ng loob.




Nang matapos ako sa cheche buretche ko agad na kong lumabas ng dorm at mabilis na paglakad ang ginawa para makarating agad sa room ko. Napatingin pa ko sa relos ko at halos manlaki ang magaganda kong mata ng makitang limang minuto na kong late. Yari ka talaga Jeremiah na anak ni Magdalena.




Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa pupuntahan ko. At halos malagutan ako ng hininga ng matanaw ko ang pinto ng classroom namin. Juskopo! Napagod ako.



Mabilis ang paghakbang na ginawa ko para tuluyang makapasok sa loob.



I sighed in relief ng makitang wala pang prof sa loob. Ang kaso mo, ang sama ng tingin sakin ni lila my labs.




Napangiwi pa ko ng irapan niya ko.



Yari ka talaga Jeremiah. Magnilay-nilay kana.



Umupo na lang ako sa tabi ni Jaz na busy sa cellphone niya. Napatingin ako sa right side ko. Wala na naman si Laurena. Tssk.




"Psst." tawag ko sa katabi ko




"Hmm?"




"Wala parin si Lau? Nasan ba siya?" tanong ko



Natigilan siya bago humarap sa'kin .



"I don't know." mahinang sagot niya sapat lang para marinig ko.





I sighed. Ano bang nangyayari sa kaibigan kong iyon? Ano? Tinamad na pumasok? Ngayon pa siya tatamarin kung ilang kembot na lang makakaraos na kaming lahat.





Craving YouWhere stories live. Discover now