Prologue
May mga taong nangangarap magkaroon nung pang-malakasang lovelife, may humihiling na sana katulad ng mga napapanood natin sa mga korean drama ganoon din ang mismong mangyari sa 'tin sa totoong buhay.
Sana may taong hahawak sa kamay mo sa gitna ng lungkot, sana may taong magpapayong sa'yo sa oras na lumakas ang ulan at sana may taong kakanta sa harap mo sa oras na kailanganin mo.
Mataas ang standards ko. Kung hindi ka si Zyair Alleres, hindi ka papasa.
Naabot ko na siya e. Naabot ko na.
"Vei," napa-sapo nalang ako sa noo ko habang 'di makapaniwala sa nalaman ko.
"All this time?"
"Hindi ko lang nasabi kasi natatakot akong magalit ka, natatakot ako."
"Bullshit! Kahit anong rason pa 'yan kung sinabi mo ng maaga, maiintindihan ko!" sigaw ko, napatingin ako sakanya at ang nakakatawa pa doon imbis na maisigaw ko ang galit ko, naunahan pa 'ko ng ulan at malakas itong pumatak sa katawan ko.
Tulad ng palabas na napapanood ko. Tulad ng mga pangyayaring hindi ko akalaing mangyayari sakin. Sa gitna ng ulan, bumuhos lahat ng katotohanan.
" I'm always here reaching you kasi sobrang layo mo sa akin, hindi kita maabot abot kasi naiisip ko na bituin ka, na ikaw si Zyair Alleres pero putangina naman e." bulong ko, lumapit naman siya sakin at niyakap ako sa gitna ng ulanan.
"Matagal mo na 'kong hawak, Averraine. sobrang tagal na."
____________________________________________________________________________________________________________
Hi kabananaers. Nagtry ako mag SHARTIN story ;) sobrang daming maling words dito, wag nyo nalang pansinin. ;( tamad ako mag -edit heheh!!! read at your own risk labyu!
for more seryes ; @jhiabanana
YOU ARE READING
Reaching, Mr. Zyair Alleres [Shartin]
Romancea Sharlene San Pedro and SB19 Justin De Dios story.