Chapter 20

134 8 0
                                    

Reaching, Mr. Zyair Alleres ; 20

   Keint

Hindi ako mapalagay, may gusto talaga akong malaman. Ano bang tinatago ni Zyair sa amin. Aish! Ayoko naman sana manghimasok pero hindi na 'ko pinapatulog ng curiosity.

  "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Ave nang makita siyang nasa rooftop, mag- isa at tinitignan ang ibang mga gusali na makikita sa malayo.

"Ikaw ano ginagawa mo dito?" balik na tanong niya, napatingin ako sa cellphone niyang nakailaw at nakita ang isang litrato nung lalaki, agad kong kinuha yon at pinakatitigan.

"Sino ang isang 'to?" tanong ko, kahawig nito si Zyair. Mata at ang buhok lang ang pinagkaiba, pati ang mole nito sa gilid ng mata. Itim ang mata nitong nasa picture, samantalang si Zyair iba ang kulay ng mata. Gray din ang kulay ng buhok ni Zyair.

"That's Larkin, he's my bestfriend," tipid na sagot niya. Hindi manlang ako nilingon.

"Nasan na siya?"

"Nasa ibang bansa. Nami-miss ko na siya. siya kasi ang takbuhan ko tuwing dumarating yung time na pakiramdam ko mag-isa ako. Siya yung nakakausap ko. Pero ayun nga nagpunta siya ng ibang bansa, kahit naguguluhan ako, pinipilit ko nalang intindihin."

"Babalik pa siya?" tanong ko, tumingin ito sakin at tipid na ngumiti.

"Mukhang hindi na. Sinabi ko kasi sakanya nung huling pagkikita namin na kung aalis siya, huwag nalang siyang bumalik. Sinabi niya din sakin na hindi na talaga siya babalik" kitang kita ko sa mga mata ni Averraine na nasasaktan siya. Madali lang siyang mabasa. Mapapansin mo agad sa emosyon niya kung anong nararamdaman niya. Pinakatitigan ko naman ang larawan at napabuntong hininga.

Duda na talaga ako.

"Pumasok kana sa loob." bulong ko kaya tumango nalang siya, Bumaba na din ako at dumiretso sa kwarto ko. Nakaupo lang ako at pinapanood ang pag-takbo ng kamay ng orasan.

Napa-tayo ako at nilakasan ang loob ko. Kailangan ko nang malaman lahat, Zyair.

  Wala sila Zyair at Wren ngayon, sila ang naka-toka na bumili nung mga pagkain namin. Maggo-grocery sila. Kaya ako, si Ave, Jam at Vester lang ang naiwan sa bahay.

  Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang nakaupo sa kama ni Zyair. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto na 'to na palagi naming tinatambayan. May isang cabinet na hindi pinapagalaw si Zyair sa amin at ito ang kaharap ko ngayon. Kung ano man ang malalaman ko ngayon, alam kong mabubuo na nito ang mga tanong sa utak ko

  Tumayo na 'ko at sinimulang buksan ang cabinet niya, bumungad sa akin ang isang ID na nakasabit lang. Agad ko itong tinitigan at halos magulat sa nabasa ko

Larkin. Larkin Cervantes.

He's fucking Larkin Cervantes.

Inihagis ko sa kama niya ang Id at dumiretso sa pinto upang i-lock ito. Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga gamit niya at nakita ang iba't ibang pangkulay ng buhok na ginagamit niya, ang mga contact lenses na nakatabi din pati na ang mga tshirts na black at ang mga uniforms.

He's freaking Larkin Cervantes, siya yung bestfriend ni Averraine. Kaya ganoon nalang ang pagtatago niya sa amin, kaya ganoon nalang din niya papasukin si Ave sa bahay na 'to, malaki ang tiwala niya kay Ave Dahil si Averraine ang bestfriend niya.


"Hoy po!" nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan, isinarado ko ang cabinet niya at iniwan ang id sa higaan niya. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan 'yon. Tumambad sskin si Zyair na nakangiti pa pero napadako ang atensyon niya sa ID na nasa kama niya kaya agad na nagbago ang expression niya at agad na isinarado ang pinto

"K-Keint"

"Explain everything, dude. I'm willing to listen and don't try to hide everything pa kasi alam ko na lahat," diin na sabi ko

Nakatingin lang ito sa akin, walang salitang lumalabas sa bibig niya. Tinititigan ko lang siya at hinihintay ang anumang salitang bibitawan niya.

  "H-Huwag mong sasabihin kay Ave." pagmamakaawa nito sa akin.

"Why would I? Wala naman akong reason para sabihin sakanya ang matagal mo nang itinatago Zyair. Handa kitang sabayan sa mga trip mo sa buhay pero sabihin mo na sakin ang rason mo kung bakit mo ginagawa 'to, bakit ka nagsi-sikreto sa amin? Bakit nagsisinungaling ka kay Ave." sunod sunod na usal ko

"tingin mo kung 'di ako magsisinungaling sakanya, maiintindihan niya ang kababawan ko? Mahirap maging sikat, Keint. Si Ave malaki ang tiwala niya kay Larkin, malaki ang tiwala niya sa akin mismo, alam niyang never siyang iiwan ni Larkin. Kung 'di ko ginawa ang mga bagay na kagaya niyan, tingin mo ba nandito ako sa mansion natin, tingin mo ba kasama niyo 'kong nagpe-perform sa stage ngayon? Mahirap mapunta sa sitwasyon ko, ayokong iwan si Ave mag-isa pero mas lalong 'di ko kayang bitawan kayong mga kagrupo ko, hindi ko kayang iwan ang career ko. Kung ipagpapatuloy ko lang na maging si Larkin, hindi makakabuti 'yon sa akin. Ang layo na nang narating natin at kahit anong mangyari alam kong sa huli career at career lang ang pipiliin ko,"

He's right. Nakakainis na tama siya.

"Walang sikretong hindi nabubunyag." usal ko

"Alam ko. Kayanga ginagawa ko na ang lahat para magalit siya sa akin. Para layuan niya na 'ko at hindi na kausapin kasi ganoon lang din ang mangyayari sa mga susunod na araw pag nalaman niya na."


"Wala akong masabi." bulong ko, naguguluhan ako sa nangyayari.

"bakit sinikreto mo samin 'to?" huling hirit ko, napasapo naman siya sa noo niya.

"alam kong pag nalaman niyo ang lahat, hindi papayag si Leader na magtrabaho si Ave sa atin, hindi 'yon pabor sa mga desisyon kong mag-sinungaling. Gusto kong makasama si Ave, kahit nung una hindi ako sure na makakabuti 'to sakin. Wala, e! Gusto kong makita ang mga ginagawa ni Ave, si Larkin nalang ang pamilya niya kaya hangga't nandito si Ave satin mapapanatag ang loob ko."


Tama si Vester, iba na si Buzing ngayon. Marunong na 'to mag isip ng tama. Hindi pang sariling desisyon ang ginagawa.


"You know what, Zyair. You make me proud right now." usal ko, nakita ko pang tumaas ang kilay niya at unti-unting napangiti.

"Nagegets mo 'ko?" tanong niya, tumayo naman ako at tinapik siya sa balikat.

"You're good enough to handle your situations, Zyair. Hindi ko naman sinabing tama ang mag-sinungaling pero naiintindihan ko ang mga bagay na gusto mong mangyari. You're Zyair Alleres, ikaw pa rin talaga ang isang 'yan, natuto at nag-matured." usal ko kaya lumapit ito sa akin at yumakap. "Thank you, kuya."

 

Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now