Chapter 28

150 9 0
                                    


Zyair

"Di ka mapakali" bulong ni Pinuno sakin, napangiti nalang ako sakanya habang nakatitig sa cellphone ko. Kakatapos lang nung shooting at pauwi na rin kami.

  From: Vei ♥

Nagtext si River, pupuntahan ko lang siya saglit, ha? babalik din ako agad.

   Napa-buntong hininga nalang ako at itinago ang phone sa bulsa ko. Kailan pa nakauwi si mokong sa Pilipinas at bakit hindi ko alam?

  Katabi ko ngayon si Keint at napapansin ko pa rin na umiiwas siya sakin, hindi ko na rin siya masyadong kinukulit dahil alam kong mapipikon lang ang isang 'to

  "Maayos na lahat, tahimik na" si Vester na ang nagsalita, tahimik na nga naman ang lahat. Hindi na rin nag iingay sa social media si Lily kaya mukhang magiging maayos na ang lahat. Si Keint nalang talaga ang problema ko

  "Huwag ka nga tumitig sakin" napakurap pa 'ko nang marinig na nagsalita si Keint habang nakalingon sakin, napatitig pala ako sakanya ng ilang minuto

 
  "alam niyo kayong dalawa! kayo na nga lang shini-ship nung iba, nag aaway pa kayo!" si Jam ang nagsalita, natawa naman sila Wren at Vester. Nagmake face pa talaga ang lokong si Keint at isinalpak nalang ang earphone sa tenga niya

  Hindi ako sanay na ganito siya at nakakatawa lang dahil si Averraine pa ang pinag aagawan naming dalawa!

  "Zing" halos mapatalon ako nang magsalita yung katabi ko, napansin ko si Keint na iniaabot pala sa akin ang kaliwang bahagi nung earphone niya, agad ko naman itong tinanggap at isinalpak nalang sa tenga ko pero wala akong naririnig na sounds

  "Anong trip mo?" usal ko

  "Sorry" bulong nito sakin, tinignan ko pa sila Vester pero mukhang mga tulog na kaya kami nalang ang nagkakarinigan

"for?"

"Hindi ko sinasadyang mahulog." bulong nito sakin, napangiti naman ako at tinapik siya sa balikat

 
  "Alam ko"

  "Ititigil ko na 'to, ayoko naman na mag away tayo tsaka alam kong matagal mo na rin hinintay na makasama at makaamin kay Averraine."

  "nung una ayaw mo kay Averraine tapos ngayon gusto mo pala siya" pang aasar ko

  "The more you hate, the more you love. Ulupong ka!" natatawang sabi nito sakin, tinapik tapik ko naman siya sa balikat

"thank you sa pag-intindi"

"mas mahal kita kesa sa ibang bagay! Mas gusto ko rin sumaya ka. Sobrang laki na natin para mag away pa. Huwag mo nalang muna ipagsabi kela Leader na bati na tayo, pag-tripan nalang natin sila" suhestyon nito, napangiti naman ako at nag-thumbs up pa. Sa huli ganito parin naman ang mangyayari, kahit dumating ang araw na magtatalo kayo o 'di magkakasundo, gigising nalang kayo bigla at maiisip yung kahibangan niyo. Hindi ko kayang magalit sa mga kapatid ko, hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob lalo na sakanilang apat. Sila at sila pa rin ang uuwian ko.

  "ZYAIR SI AVERRAINE NAWAWALA!!!!" halos magpantig ang tenga ko nang maibaba ang gamit namin sa van. Alam kong kasama niya si River pero alas dyis na ng hating gabi pero wala pa siya!

  Binuksan ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si River. Di ko macontact ang number nito at sakto namang online siya sa messenger.

  "Par? napatawag ka? nagkaproblema ba kayo ni Ave?" panimula niya pagkasagot nung tawag, napakunot ang noo ko

  "pre ang sabi niya sakin pupuntahan ka niya! ikaw daw ang kasama niya!"

  "paano ako uuwi diyan? Nasa L.A ako pre"

  "the fudge!"

  "pre cross my heart, hindi ko kino-contact si Ave dahil busy ako dito. Nagulat nalang ako na tumatawag kana sakin, kung 'di pa sasabihin nung secretary ni daddy, hindi ko pa malalaman"

  "sige pre, salamat sa pagtawag at pasensya sa istorbo"

  Halos maibato ko pa sa sofa ang cellphone ko, inabutan naman ako ni Pinuno nung tubig at pinakalma. Halos hindi ko alam ang gagawin ko.

"Malakas ang kutob ko! Kagagawan nanaman nung baliw mong ex ang lahat ng 'to!" sigaw ni Jam, napakamot pa ko sa ulo ko habang pinapakalma ang sarili ko

The fudge, Lily! Gaano ka ba kabaliw.

  "Wait tatawagan ko si Tito!" sabi ni Vester, may tito rin siyang pulis na alam kong makakatulong sa amin.

"Alas dyis na ng gabi, putik! mahihirapan tayong mahanap siya" si Leader na ang nagsalita. Nagsimula akong mag-dial sa phone ko at napansin nalang ang sarili na tinatawagan si Alina, ang kapatid ni Lily

  "What" bungad nito

  "Nasan si Averraine? Nasan yung ate mo? Saan niya dinala si Ave"

"Chill, Zyair! Wala akong kinalaman doon. Business ni Ate 'yon. Aware naman ako sa mind your own fucking business non 'no!" sigaw nito

  "Kapag may nangyaring masama kay Ave, mananagot kayo sakin" madiin na sabi ko at saka pinatay ang call. Napasabunot pa 'ko sa sarili ko.

Bwisit. San ko naman hahanapin si Ave ngayon!

  "Trace her," utos ni Keint, binuksan ko ang phone ko at pinilit na i-trace ang phone niya, agad na inagaw ni Keint ang phone at nakita nalang namin na tumapat ang red light sa isang white building, malapit lang sa village namin.

"Margarita compound" usal ni Keint, kinuha ko agad ang susi nung motor at hinatak naman ako ni Keint, "sasama ako"

  "Bat kayo lang? Tara na kaya lahat" si Jam na ang nagsalita, hinatak naman ni Leader si Jam at ganon na rin si Vester.

  "Tingin nyo ba kasya kayo sa motor" tanong ni leader. Sabay na napaupo ang dalawa sa sofa at sinenyasan lang kami na umalis na, natawa pa ko dahil sa ikinilos nila

  "Kenzyair is real" sigaw pa ni Jam. Lumabas na kami ni Keint at ako na mismo ang nag-drive. Dumating kami agad sa compound at tinungo ang puting building.

  May dalawang lalaking nakatalikod na nagbabantay sakanya, tanging si Ave lang ang nakakaalam na nandito na kami ngayon. Namumula ang gilid ng noo nito at may ducktape sa bibig.

  "Kaya na 'to" usal ni Keint kaya napatango ako. Agad naming sinugod ang dalawang lalaki at sabay na sinipa at sinuntok, nagtatawanan pa kami ni Keint habang tinatapos ang laro, nadaplisan pa 'ko ng isa kaya ramdam kong nag iinit na ang pisngi ko, mukhang magkakaroon ako ng gasgas.

  "Ave" bulong ko, tinanggal ko ang tali sa kamay niya at ang ducktape na nasa bibig niya, tumayo ito at agad na kumapit sakin

  "Pre naka-video" bulong ni Keint, nakita ko ang isang cctv camera na nakatapat lang sa pwesto ko. matalino talaga si Lily hangga't di ako nasisira, hindi titigil.

  "Kaya ko na 'to, dalhin mo na si Ave" utos ko kay Keint. Hinawakan pa 'ko ni Ave sa kamay pero agad ko itong inalis at inutusan si Keint na isama na paalis si Ave

Pang samin na 'to ni Lily. Usapang matino kapag hindi siya tumigil, pipilitin ko siyang patigilin kahit ano pa ang mangyari.

Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now