Chapter 6

172 7 0
                                    


Reaching, Mr. Zyair Alleres; chapter 6


    “Chloe, so siya yung girl na ship nila kay Zyair?" kakapasok ko palang ng room pero about kay Zyair na agad ang topic ng mga kaklase ko, gamit gamit pa nila ang mga items na nabili nila nung may event ang BP20 at 'di manlang ako nakapunta noon dahil nagkasakit ako.


  “Deal with Chloe, as if namang papatol si Zyair sakanya,"

"Charlotte, 'di rin natin masasabi. Sikat na vlogger din 'yang si Chloe! what if gawin niyang guest ang Bien Parecido sa youtube channel niya tapos ma-fall sakanya si Wren, Keint, Si Vester, si Jam at lalo na si Zyair." nakikinig lang ako ng usapan nila.

Napa-isip nanaman tuloy ako. What if nga ganoon ang mangyari! No.

Hindi pwede.


Ako lang dapat ang magiging babae ni Zyair! huhu! kasi hindi ko kakayanin na makitang may jowa siya habang ako nasa ledgi umiiyak habang nakatitig sa picture nilang dalawa na kakalat sa social media!



  "Ave, bakit nga pala umalis si Larkin?" napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Danielle. isa sa babaeng kaklase ko na kausap lang din nila Charlotte na bet na bet din ang BP20.


  "hindi ko rin alam e," bulong ko

Tumalikod naman siya sakin at nakipagkwentuhan na ulit, tungkol sa malltour bukas. Kahit ako excited na! Gusto ko na makitang sumayaw ang Bien Parecido! At gusto ko na makita si Zyair Alleres my love.


   “Wala daw si ma'am pero may ipapauwing gagawin sa bahay." sabi nung pres namin, sinabi niya naman na ise-send niya lang ang activity sa gc kaya kinuha ko na ang bag ko at tumayo na, napatigil pa ko nang makita si River na naghihintay sa pintuan.


"R-River" bulong nung kaklase ko, halos lahat sila gulat at bumati ng magandang hapon.


"Tara." sambit ni River habang diretsong nakatingin sakin, napa-tango naman ako at lumakad na papalapit sakanya, dama ko pa rin ang titig nung mga kaklase ko.



Sino ba talaga ang River na 'to, bakit feeling ko ako lang ang walang alam kung sino siya



  "I'll take you home."


  "hindi naman na kailangan, kaya ko naman umuwi." sambit ko, pinakitaan niya lang ako ng ngiti at tumakbo na sa parking lot sa labas ng academy



  "Uuwi kana?" tanong ni manong guard, close kami ng konti ni manong dahil kapag inaatake ako ng pagtatae, siya ang nagpapalabas sakin, charot!


  "Yes po."


"Sobrang close mo kay Sir River huh. Bago iyan." sabi niya kaya kumunot naman ang noo ko, itatanong ko sana ang ibig niyang sabihin pero bigla nalang huminto sa harap ko ang mamahaling kotse ni River.



"manong, mauna na po ako ha! ingat kayo sa pag-uwi!"



Pumasok naman na 'ko sa loob at nagmaneho na din si River, tahimik lang ang buong biyahe namin dahil wala rin ako sa mood para magsalita, puno ng Zyair Alleres ang utak ko at hindi na 'ko makapaghintay na makita ko siya.


 
"Excited ka ba bukas?" tanong ni River, nasa gasoline station kami ngayon.


"Oo, e." sagot ko

  "Namimiss mo na ba si Larkin?" tanong niya kaya napa-buntong hininga ako



Kada lugar ata na mapupuntahan o madadaanan ko namimiss ko si Larkin, sobrang tagal na naming magkaibigan. Sobrang dami na naming napagdaanan kaya hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na siya at kung kelan niya 'ko babalikan. Hindi naman porket may River na nandyan para saakin e makakalimutan ko kaagad ang pinagsamahan namin ni Larkin, si Larkin lang ang bestfriend ko at walang papalit sa pwesto niya.




Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now