Chapter 12

144 7 0
                                    

Reaching, Mr. Zyair Alleres; chapter 12

   Dilat.

Kinusot kusot ko pa ang mata ko at nanlaki nalang ang mata nang makita sa tabi ko si Zyair na nakapikit pa habang mahimbing na natutulog

ma---

Hindi naman kami tabi nito, ah!

Tinitigan ko naman ang mukha niya at napangiti nalang.

Shocks, ini-imagine ko lang 'to, e!!!

“Buzingzing!!!!"

halos ma-hulog ako sa kama nang marinig ang katok sa pintuan, punyeta.

  “ZYAIR!!! gago anong oras na, hinayupak ka,"

Agad kong inalog alog si Zyair pero ang gago hinatak pa 'ko palapit sakanya at niyakap.

  "mom." bulong niya.

gago, mom daw! mukha ba 'kong nanay!

sige nanay,

nanay ng magiging anak natin.

;)

“zing... h-hutangena"

nanlaki ang mata ko lalo nang makita si Keint na hawak hawak na ang doorknob at susi sa kamay nito.

nakatitig siya samin at nagmadaling pumasok at gisingin si Zyair

"anong ginagawa mo dito? magnanakaw!!! VESTER!!!! JAM!!! WREN!!!!!!!" sigaw niya, nagising naman si Zyair at napabitaw sakin, halos mahulog pa 'ko sa kama, nagsipasukan naman sila Vester habang 'di makapaniwalang nakatingin samin ni Zyair

"what's the meaning of this.." bulong ni Wren.

Napa-lunok nalang ako habang pinipilit pakalmahin ang nanginginig kong kamay, nakita ko sila ng malapitan, ma!!!!

"Zing!!!!" sigaw ni Wren, nagising naman ang diwa ni Zyair at napatayo

"s-si Ave.." sabi nya ipinapakilala pa 'ko.

"Shit! Ikaw yung.. matapang!" sabi naman ni Jam.

napakunot nalang ang noo ko at nakita pang tumawa si Jam habang nakaturo sakin

"ikaw dahilan bat nagagalit pinsan ko," sabi niya kaya napatingin sakin si Wren at Vester.

"Bakit mo siya katabi?" parang bata na tanong ni Keint habang nakakapit sa braso ni Zyair.

"Kahapon dinala ko siya dito, hindi siya makaalis kasi nandito si Chloe, gets nyo" sabi lang ni Zyair, hinawakan niya naman ako at isinama na pababa. Kita ko pa kung paano magsipagsunuran ang apat.

Nag cr muna ako bago humarap sakanila, nakita ko pang luto na ang pagkain at nakahanda na ito sa lamesa.

"kumain kana," aya lang ni Wren, dumating naman si Zyair na may towel pa sa balikat

"Wag nyo masyadong titigan, fan natin 'yan" sabi pa ni Zyair. napatango naman silang tatlo samantalang si Keint nakatitig pa rin ng matalim sa akin, kala mo ang laki ng kasalanan ko! huhu!

"wala namang nangyari 'no?" tanong naman ni Wren kaya sabay kaming napalingon ni Zyair sakanya.

in my dreams :3

"WALA!" sabay na sigaw namin, natawa naman si Wren at ganoon na din sila Jam at Vester

"bat ang sama ng tingin mo?" si Zyair na ang nagtanong kay Keint

"pinagpapalit mo na 'ko.."

tinawanan ko naman siya kaya mas lalo niya kong tinitigan ng masama

Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now