Chapter 14

165 7 0
                                    

Reaching, Mr. Zyair Alleres ; chapter 14

  Averraine.

   “sure ako magiging maganda 'yang kalalabasan niyan," umikot ikot pa 'ko sa loob ng kwarto ni River habang tinitignan ang iginuhit naming dalawa.

  Iron man ang gusto niya sa wall niya kaya tinulungan ko nalang din siya.

  “Nasaan na pala ang kapatid mo?" tanong ko habang nagpapahinga, kanina pa kasi ako nagpunta dito pero hindi ko pa nakikita kung nasaan ang kapatid niya pati ang parents niya, pero sa bahay pa lang halata nang mayaman si River kasi mayaman naman talaga siya, pangalawa ata sila sa mayaman sa buong Laguna.

  "Mall with Mom. Si Daddy naman nasa company, mamayang madaling araw pa ang uwi," sabi niya habang patuloy na nagpipinta ng kulay red.

  "ang galing mo magdrawing," sambit ko, natawa naman siya at inilapag na sa table ang paintbrush niya

  "sakto lang,"

Lumapit naman si River sakin at nagulat nalang ako nang lagyan niya ng pintura ang mukha ko.

  "shet ka!!!"

  "shet ka din!" sagot niya, natawa naman ako at nilagyan rin siya ng pintura sa mukha, hindi ko na nga din napansin na nagkakasatan na kaming dalawa at puro pintura na ang katawan.

  "uuwi ata 'kong may pintura," bulong ko.

  "hindi naman kita pauuuwiin"

ha.

ano daw?

  "ha?" tanong ko.

  "wala."

Naupo naman ako ng maayos malapit sa bintana niya kaya sumunod siya sa pwesto ko at sabay naming tinitigan ang mga ulap na nakikita lang din sa pwesto.

“Thank you sa pagpunta, naappreciate ko" sabi niya, tumingin naman ako sakanya at nginitian siya.

 
"simpleng bagay lang naman 'to tsaka kaibigan naman kita,"

"Ave.."

  "Hmm?"

  "Si Zyair Alleres ba talaga ang gusto mo?" tanong niya kaya kumunot naman ang noo ko, Tagal ko nang sinasabi sakanya.

"parang hindi mo naman alam ang sagot"

"what if, di ka niya mapansin? What if 'di mo siya maabot?" kitang kita ko kung paano naging seryoso ang itsura niya habang nakatitig lang sakin.

  
"huh? sabi mo ihehelp mo 'ko mareach siya.."

  "what if 'di siya magpaabot sa'yo? What if mahirapan ka, what if"

  "What if maaabot ko na siya pero sumuko pa 'ko, diba. I'm going to reach him kahit mahirap, kasi dito ako nagiging masaya"

"masaya kang fan girl ka lang niya?" tanong niya.

"Oo naman, ikaw din naman diba masaya ka na fanboy ka." sambit ko

 
"This is reality, Ave. Hindi ako masaya na fanboy lang ako, nasasaktan ako."

"kung fan ka, you'll accept everything, matatanggap mo kahit masakit. Kung halimbawa nagkaroon ng girlfriend si Zyair, kahit masakit susuportahan ko siya."

"hindi ka titingin sa ibang tao na magpaparamdam din ng happiness sa'yo?"

"bakit, sino pa ba magpaparamdam ng happiness sakin?" tanong ko

Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now