Chapter 5

22 2 0
                                    

Isang linggo na simula ng magising ako sa hospital. Pagkadilat ng mata ko, si Gwyneth na agad ang nakita ko. Hinanap ko pa sa Neal dahil siya ang huling nakita ko bago ako nahimatay pero ang sabi ni Gwyneth tinawagan lang daw siya ng kuya niya at mag- isa na lang niya akong naabutan dito sa hospital. At isang linggo na rin ang huling paguusap namin ni Neal.

Nakabalik na rin ako sa duty after kong ma-admit. Hindi na lang ako pinapayagan ni Ate Dori na dagdagan ang working hours ko dahil baka daw mahimatay ulit ako, parang ate ko na siya talaga dito sa hospital.

May duty ako mamaya kaya maaga akong pumunta sa school para kausapin si Dean Castañarez, pinasabi niya lang kay Gwyneth na anak niya.

Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero may sasabihin daw siya.

Tinignan ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.

"Dean."

"Ipapasok kita sa hospital namin sa Meycauayan. Ayos lang ba sayo?" She said while smiling at me.

"P-po?"

"7-10 lang ang duty ng nursing student don. Nabalitaan ko ang nangyari sayo, studyante pa din naman kita." Sabi niya pero wala ng ngiti sa labi.

"Paano po iyong papers Maam?"

"Nailipat ko na papers mo actually nung isang araw pa. Last day mo na bukas sa BMC."

"Thank you po."

"Okay, you may leave." She said as she pointed the door.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako pinagpawisan kahit aircon ang faculty office dahil pagkabukas ko ng pinto, mukha ng Neal Carreon ang bumungad sakin. Para akong kakapusin ng hininga sa sobrang lapit ng mukha namin.

"Adi, nice to meet you." He's smiling. Ang pogi niyang ngumitiiii.

"Magkakilala kayo ni Neal, hija?" Singit ni din Dean Castañarez.

Bigla akong inakbayan ni Neal at hinapit papalapit sa kanya.

"She's my girlfriend, Tita." Neal said while grinning.

"H-ha?" Gulat na tanong ni Dean.

Lintek lang. Imbis na mainis sa ginawa ni Neal na pagsisinungaling na damay ako, natuwa pa lola mo. Rupoksss.

"Sumabay ka na lang." He whispered.

Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil kinikilig pa din ako sa nangyayari.

"Kailan pa? Kaya ba madalas ka dito sa BulSU?" Dean eyed Neal.

"Tita naman!" Sigaw ni Neal na nakapagpabalik sakin sa reyalidad. "Inaayos ko papers ko, may aattendan akong klase dito." Dugtong niya pa.

"Akala ko dahil kay Adi." Sabi ni Dean tsaka tumawa. Ang bata batang niyang tignan kapag tumatawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Ang cute niyo po pag tumatawa."  I commented dahilan para bumaling sakin ang tingin niga kaya napayuko ako sa hiya.

"I know." She chuckled. "Start ka na sa Meycauayan sa Friday, Adi." Dugtong niya tsaka lumabas.

"Bye, Tita!" Neal shouted.

"Huwag kayo diyan sa office maglandian ha." Dean laughed.

Nagkitinginan lang kami ni Neal sa sinabi ni Dean na nakalimutan kong step- mom niya pala. Ng makaliko na si Dean sa hallway, ako na mismo ang nagtanggal sa braso ni Neal na naka akbay pa din sakin.

"Oh bat mo tinanggal?"

"Mabigat." Sabi ko at nauna ng maglakad sa kaya.

"Nasiyahan ka naman, inakbayan ka ng crush mo." Tinignan ko lang siya ng masama. "Ay ng boyfriend mo pala."

MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now