Chapter 15

23 3 1
                                    

"We met."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay isinandal ko ang noo ko sa balikat niya.

"Susugal ako, babe." Bulong ko sa kanya sa ganoon pa ring posisyon.

Sinubukan niyang halikan ako ulit pero biglang tumunog ang bell ng school kaya bigla kaming naglayong dalawa. Nagkatingin kami at biglang tumawa sakto naman at lumabas na ang mga studyante ng night shift.

Hinawakan na niya ang kamay ko at nag- aya ng lumabas kaya sumunod na ako.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Bakit naman hindi?" Balik na tanong ko sa kanya. Huminto siya ng marinig iyon at hinarap ako.

Kinunutan niya ako at itinabingi pa ang ulo na parang ineexamine ang mukha ko at biglang pinitik ang noo ko.

"Bakit ka namimitik!?" Sigaw ko at inagaw ang kamay sa kanya. Hinipo ko ang noo ko dahil masakit talaga ang pagkakapitik niya.

"Lakas mo uminom!" Sabi niya at ang ilong ko naman ang pinitik dahil nakatakip ang palad ko sa noo ko.

"Oh talaga?" Sabi ko lang at inirapan siya. Naglakad na rin at ako iniwan siya.

"Hoy saan ka pupunta?" Tanong niya at sumunod na sa akin.

"Kila Ali." Sabi ko lang at hindi pa rin siya nililingon.

"Iinom nanaman tsk." Hinawakan niya ang kamay ko at pinasok sa bulsa ng hoodie niya. Napangiti ako roon at sumagot sa kanya.

"Birthday naman ni Ali, pleaseeee..." Humarap ako sa kanya at nagpuppy eyes. Ngumiwi lang siya at nagiwas ng tingin.

Maya maya lang ay nagsalita na siya. "Wala ka bang pasok bukas?"

"Wala kaming duty ngayon kase last day ng pasahan ng case presentation tas bukas naman hindi ako pinapapasok ng Mama mo kase mag- aassist daw ako sa isang araw ng mahigit dalawang operation sa delivery room." Mahaba kong sabi habang naglalakad pa rin papuntang kila Ali.

"Sino sino kayo doon?" Tanong niya sa akin at naramdaman kong mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"Barkada lang namin tas ibang classmate ni Ali."

Tumikhim siya at nilingon niya ako sa saglit pero bumalik din sa harap ang tingin. "May lalake?"

Napatawa ako sa tanong niya. "Hindi ako alam. Hindi naman ako ang nag- invite."

Hindi na niya dinugtungan ang usapan at naglakad nalang ulit, maya- maya ay naririnig ko na siyang bumubulong- bulong.

"Alas 10 na iinom pa, tsk." Pagpaparinig niya habang umiiling iling pa.

"Kesa naman nag- ano sa sala." Pagpaparinig ko rin sa kanya bigla akong nagsisi dahil ako lang din ang nasaktan. Tsk.

"I can explain that." Simpleng sabi niya lang ng hindi ako nililingon.

"Tss." Iyan na lang ang naidugtong ko at nanahimik na. Bakit ba ang daldal ko, amp.

Tahimik lang kaming naglalakad at walang nagsasalita ni isa sa amin.

Nang makarating kami sa harap ng gate nila Ali at hinarap niya ako at nagsalita.

"Lasing ako non." Sabi niya na nakaharap pa rin sa akin at hindi binibitawan ang kamay ko.

"So paglasing exempted na sa mga ganong kasalanan?" Sabi ko dahil wala akong ibang salita na maisip.

"Hindi naman ganoon." Malambing niyang sabi na parang nagpapaliwanag.

MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now