"What are you doing?" Natatawang tanong ni Neal pagkababa niya.
"Stretching..."
"For what?"
"Bike tayo!" Nakangiti kong lingon sa kanya.
Sinalubong ko siya at saka hinatak palabas ng bahay nila. Naka attire naman siyang pang exercise kaya ayos na yan.
Pagkalabas ay napansin kong matagal na pagtitig niya sa akin at sa buo kong katawan.
Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari or sasabihin niya kaya kusa na kong pumasok ulit sa loob para magbihis.
"Hey! Leggins!" Rinig kong sigaw niya sa labas.
Ang suot ko kaninang shorts ay pinalitan ko ng leggings. Sa pangtaas ay ayos naman dahil nakatshirt ako.
"Seryoso kang magbabike tayo?"
"Yes. Tara!" Aya ko sa kanya at inakay ang bike na gagamitin ko. Sa totoo lang kay Gwyneth to HAHAHAH.
Pahiram muna sissy.
"Sanay ka ba magbike?"
"Oo. Dalawang beses pa lang naman ako nabubundol." Wala sa sarili kong sagot sa kanya habang tinutuloy ang stretching sa labas.
"What!? Wag na nating ituloy to, sa gym na lang tayo!" Inis niyang sabi at saka ipinasok ang bike niya sa loob.
Bago pa ko naka angal ay nakuha na din niya ang bike ni Nethneth at kinadena sa katabi ng kanya.
"Hala baket?"
"Paano kung mabundol ka ulit? Tanga ka pa naman minsan." Sabi niya sa akin.
Gago ata to!
"Magpahinga ka na lang, pasukan na next week."
Tinignan ko lang siya ng masama dahil ayaw niya kong payagan.
Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari sa akin ng highschool ako.
Grade 7 ako nung una akong nabangga. Nakahinto ako sa gilid non the boom! Tanggal side mirror nung kotse na nakabangga sakin dahil tumama sa balikat ko.
Nasisi pa ko non e nakahinto nga lang ako sa gilid at naghahantay para makatawid. Gago lang.
Tas yung sumunod is grade 9 ako, pupuntahan ko kaklase ko non para maningil para sa cooking ata then nabigla ko ng liko yung bike tas may motor pala sa likod ko HAHAHAHA pakshet. Tanga ampota HAHAHAH.
Ayaw ko naman sumama sa gym dahil may hindi ako magandang experience doon at baka mapa away nanaman si Neal.
May pangyayari kasing inaassist ako nung trainer at hinipuan ako, bago ko pa masapak ay nahalikan na niya ang kamao ni Neal.
After non di na ko pumunta gym, kasama man siya or hinde.
Tatambay na lang ako dito sa bahay nila, pasukan na rin next week at 3rd year na kame.
Normal naman ang relasyon namin ni Neal pero minsan ay may lakad siyang biglaan tuwing magkasama kami or minsan baka magkasama sila ni Madie.
Hindi ko alam, ayaw ko rin maki chika dahil kaibigan pa rin naman niya yon after all.
Ang tanging problema ko lang ngayon ay ang shop, mas lalo akong nabusy nitong bakasyon dahil may part time job akong pinasukan at busy rin si Ika sa hindi ko alam.
Ilang buwan kaming hindi nagbukas ng shop pero may kita kami online. Madalas kami pa ang nagdedeliver ni Neal ng orders.
Gusto ko man tanungin si Ika kung anong problema pero nung sinubukan ko ay hindi niya sinabi at sumagot lang na okay lang ang lahat 'daw'.
Pero hindi niya alam napapansin ko na tuwing susubukan niya akong kausapin at tila may sasabihin ay ibubukas niya ang bibig at isasara din ng walang sinasabi, tatawanan lang at tatalikod na or kung sa tawag man yon ay sasabihin niyang wala lang.
Legit nakakastress ang ginagawa niya kaya inaya ko si Neal noong nakaraang buwan na pumunta sa bahay nila Ika.
Laking gulat ko ng madatnan ko sa kanila ang dating malakas na nanay niya ay parang lantang gulay na nakaratay sa bahay nila.
Hindi ko naabutan si Ika sa kanila non kaya hindi ko siya nakausap at kapitbahay lang nila ang nakausap ko.
Hindi ko pa nga nakausap ng maayos yon dahil ang sama ng tingin ni Neal sa kanya kaya ayon. HAHAHAHA parang tanga.
Balik kay Ika, nakakastress ang ginagawa kong paghihintay na sa sabihin niya sakin ang problema niya. Parang kapatid ko na yon at handa naman akong tumulong anytime.
Nabawasan lang ang stress ko ng nagdate kami ni Neal nung nakaraan. Pero nadagdagan ng maalala kong ilang araw na lang ay pasukan na.
Wala pa kong notebook ket isa, beybe.
"Babeeeeeee!" Sigaw ko sa sala dahil alam ko nasa kusina si Neal.
"Yess?!" Mas malakas na sigaw niya pabalik. Hanep, di talaga papatalo.
"Parang ayaw ko na mag aral. Mag stop ako isang taon." Seryoso kong sabi na alam kong narinig niya.
Lakas daw talaga ng boses ko ket normal lang ako na nagsasalita. Madami nagsasabi lalo na mga kaibigan ko.
Minsan pa nga nung highschool ako nakapagmura ako sa harap ng teacher ko. Inaasar kase ako ng katabi ko then nainis ko, namura ko siya ket medyo maingay sa classroom non narinig nila yung mura kong akala ko mahina ko lang nasabi.
Nakakahiya, officer pa naman ako ng student council non HSHSHAHA. Nagsorry naman agad ako kaya ayos na HAHAHAHA.
"Wth! Gago ka ba?" Inis na sabi niya. Ayaw niyang nakakarinig ng ganon abt school stuff HAHAHA. Naiinis siya lagi kase wala naman akong rason para gawin yon.
"Chararat lang!" Sigaw ko ulet saka siya tinawanan. Napansin ko na lang nasa tabi ko na siya at may dalang kape at toast.
kopiko blanca bEybe!
"May extra filler ka? Bilin ko na lang, tinatamad ako bumili." Sana meron siya HAHSHSHA.
"Wala pa kong gamit ket ano, babe." Sabi niya sa tumawa. Nahawa ka na sa katamaran ko? HAHAHAH.
"Hanep HAHAHA."
Tumayo siya at "Lets go...'
"Where?" Taka kong tanong sa kanya.
"To heaven." Pabulong niyang sabi at saka ako kinindatan. Lee Jung Suk mylabs HAHAHAH.
"Joke, let's have a date to Intramuros." Bawi niyang sabe na ikinagulat ko. That's my dreeaaaammmm.
Agad akong tumakbo pataas na ikinatawa niya saka siya umakyat na rin para magbihis sa kwarto niya.
Habang nasa byahe kame ay naalala ko ang sinabi niya weeks ago.
"Babawi ako."
To be continued HAHSHSHA.
: Bet ko lang isama dito mga katangahan ko dati HSHSHSH. More tanga moments to come HSHSSHS. Labyu ol.