Chapter 18

24 1 0
                                    

Nakarinig ako nang nag- uusap kaya idinilat ko ang mata ko pero agad ko ding ipinikit.

"Paano nga nangyari yon?" Inis na tanong ni Peter sa kausap niya.


"Trust me, bro. Nasa linya kami." Narinig ko ang boses ni Neal na nagpapaliwanag.

"So sino ang may kasalanan?" Inis na tono pa rin ni Peter na pilit hinihinaan ang boses.

"Pinaliwanag ko na sayo diba?" Medyo pasigaw na sabi ni Neal kay Peter kaya nagulat ako.

Hindi na nakasagot si Peter dahil may pumasok na doktor at pinatigil sila.

Pagkalabas ng doktor ay narinig kong lumabas na din si Peter at umupo sa tabi ko si Neal.

Idinilat ko ang mata ko at saktong nakatingin siya sa akin kaya napatayo siya.

Hinila ko lang ang kamay niya para mapa upo na ulit siya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako at pumikit na ulit.

Pero nang maalala ko kung anong nangyare bago ako mawalan ng malay ay biglanh nanghina ang kamay ko at bumitaw sa pagkakakapit kay Neal.

Naramdaman ko ang pagluha ng mata ko na huli na para pigilan dahil nakita na niya ang pagtulo nito.

"Why are you crying? Okay ka lang ba talaga? May masakit ba sayo?" Hindi ko siya sinagot at nanatiling tikom ang aking bibig. Ang daming tanong sa isip ko.

Bakit si Madie agad ang pinuntahan samantalang ako ay katabi niya lang? May tagas din ako ng dugo pero bakit siya agad? Siya nanaman?

Hanggang sa pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Neal kay Gwyneth noon. Na kailangan siya ni Madie.

Siguro dapat na intindihin ko na lang?

"Why are you crying? Babe?"

Pinunasan niya ang takas na luha sa gulid ng mata ko.

"Babe? You're the only one I want. My heart wants you. Only you." Bulong niya habang nakayuko at hawak ang kamay ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maging marupok at matunog na napangiti. Tangina...

Nag- angat siya ng tingin at hinaplos ang aking pisngi.

"Im going to explain. Everything." Mahinang sabi niya at saka hinalikan ang kamay kong hawak niya.

Umiling lang ako sa kanya at saka itinuro ang pagkain na nasa lamaesa, katabi ko. Agad siyang tumayo at kumuha ng mansanas at kutsilyo para hiwain pero agad ko siyang pinigilan dahil bakit hihiwain pa mansanas kapag nasa hospital? Nasa teleserye ka sister?

"Wala na bang masakit sayo?" Tanong niya sa akin habang kumakain ako ng mansanas na naagad agad dahil maasim.

Inangat ko ang kamay ko na may swero at kinaway sa kanya. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin.

Tahimik niya lang akong pinapanood ng bigla siyang magsalita.

"Kulang ka sa tulog at lagi kang nalilipasan kaya ka nahimatay, idagdag mo pa yung gulat noong nangyari yon." Sabi niya at yumuko.

Pakiramdam ko ay super sorry siya sa nangyari kaya ganon ang kilos niya. Kaya inabot ko ang isa pang mansanas na naka patong sa kama at binato sa kanya.

"What the fuck!? Bakit ka nananakit?" Inda ni Neal habang sapo ang parte ng ulo niya na tinamaan ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita sa may pintuan.

MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now