A/N: Filler lang HAHAHAHA. Labyu all.
Limang oras na ang nakalipas simula ng pinatay ni Neal ang kanyang cellphone.
Hindi ko siya matawagan. Si Gwyneth naman ay hindi sinasagot ang tawag ko pati na ang Mama niya. Wala naman akong number ng iba nilang kamag anak kaya nagsisimula na akong kabahan.
Pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga kaya tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina.
Habang umiinom ay biglang may nagdoorbell ng sunod sunod kaya nagulat ako at nabitawan ang baso.
Agad akong pumunta doon upang buksan ang pinto at laking gulat ko sa nakita ko.
Isang lalaking may bitbit na malaking box at nakangiti sa harap ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatulala lang ako sa kanya habang pinipigilan ang luha ko.
"I love you." Sabi niya sa harap ko saka ngumiti kaya hindi ko na nahawakan ang mga kanina ko pang pinipigilang luha at nag unahan sila sa pagbagsak.
Hindi dahil sa sama ng loob, o kaya sa lungkot. Kundi dahil sa saya.