Lunes ngayon at nandito ako sa BulSU. Hindi kami pinapasok ngayon ng Head Nurse dahil magpapasa ka ng Case Presentation sa adviser namin na revised na dahil sa Saturday na ang defense non.
Kasama ko pala si Neal ngayon dahil may aattendan siyang klase dito sa BulSU. Sabay din kaming uuwi sa Meycauayan mamaya dahil dala naman daw niya yung kotse ng papa niya.
Nagulat pa ako ng sabihin niyang may lisensya na siya. 22 years old na pala siya at late na siya nag college dahil hindi niya feel mag- aral noon.
"Balikan mo dito ng 3 yung portfolio mo. After non basahin mo ulit para hindi ka mangapa sa defense." Nakangiting aabi sakin ng adviser ko.
"Wala naman na pong kailangang baguhin or what?" Tanong ko dahil ibang klase talaga ang impact ng Case Pres sa grades namin.
"Titignan ko kung may kailangan ba akong idagdag. Sa ngayon pupunta muna ako sa klase ko." Tumayo na siya at lumabas ng faculty. Ako naman ay agad na ring tumayo at lumabas.
Wala naman na akong ibang gagawin ngayon kaya pupunta na lang siguro ako sa building ng College of Engineering at hintayin si Neal. Hindi ko naman alam ang labas niya dahil hindi niya nabanggit.
Nakakahiya naman kung itetext ko siya ngayon dahil baka may klase siya kaya pupuntahan ko na lang. Intayin ko na lang siya sa labas.
Wala din si Nethneth dahil OJT niya, si Ali hindi ko alam, baka may klase.
Nandito na ako ngayon sa harap ng College of Engineering. Hindi ko alam kung saang room si Neal baka ikutin ko na lang siguro yung buong building.
Habang nasa hagdan papuntang 2nd floor ay nakasalubong ko na agad si Neal.
"Babe!" Tawag sakin ni Neal at agad na bumababa para magpantay kami.
Inakbayan niya ako agad at bumaba na.
"Tapos na? Or may klase ka pa?" Tanong ko sa kanha habang naglalakad palabas ng building.
"Wala na. San tayo lunch?" Sabi niya saka nilingon ako. Kinuha na niya rin ang dala kong backpack at siya at nagsuot noon.
"Kahit saan wag lang sa Mcdo." Sabi ko saka tumawa.
Nakitawa na lang din siya at saka nagsalita. "Balik muna tayo sa dorm ko. Kunin natin yung kotse." Sabi niya na kaya biglang may pumasok na idea sa isip ko.
"What if doon na lang tayo kumain? Bili tayo isawww!?"
Tumango siya saka tinawanan ako dahil tumalon talon pa ako hawak ang braso niya na parang bata.
Ginulo niya pa ang buhok ko bago kami naglakad ulit.
"You're so cute." Bigla niyang sabi habang naglalakad kami.
"Ako pa ba." Mayabang kong sabi saka nagpacute sa harap niya.
Tumawa lang siya at wala ng sinabi. "Pwedeng magtanong?" Nakanguso kong sabi sa kanga ng maalalabko nanaman ang pagmumukha ni Madie.
"Spill." Sabi niya lang.
"Ano ba talaga kayo ni Madie?"
Naramdaman kong humigpit ang pagkaka akbay niya sa akin pero tinanggal niya din agad ang braso niya at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap ako sa kanya.
"Friends. Yan lang kami. Okay?" Sabi niya saka ako nginitian ng matamis.
Tumango lang ako sa kanya ng nakanguso kaya tinawanan niya nanaman ako.
"Tapos na ba yung ginagawa mo?" Biglang tanong niya sa akin.
"Babalikan ko mamaya sa BulSU." Sabi ko lang sakanya.