Chapter 22

11 2 0
                                    

"Masaya ka ba?" Tanong sa akin ni NEal habang kumakain kami.

"Super." Natatawa kong sabi at nagpatuloy na sa pagkain.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong niya ulit. Siguro isama ko siya kila Mama.

"Puntahan ko sila Mama." Sabi ko saka turo sa bulaklak na nasa may lababo.

"Puntahan natin sila Mama?" Nang- aasar  niyang tono. Agad naman akong napangiti sa sinabi niya at sigurado akong namumula na ako ngayon.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto para magbihis. "Ya, where are you going?" Tanong niya.

"Magbibihis!" Sigaw ko sa kanya at naghaluglog ng damit sa kabinet.

Nagsuot lang ako ng mom jeans at white shirt. Naglagay ng konting liptint at kinuha ang favorite kong sling bag.

Ng makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Neal na nakakunot ang noo sa kanyang cellphone. "Problem, babe?" Usisa ko sa kanya at tumungo sa kusina.

"Nothing." Tanging sabi niya lang at lumapit sa akin.

Saglit pa kaming nanatili sa apartment ko at lumabas na rin kami. May dala pala siyang sasakyan kaya doon na lang kami sumakay.

Nagkukwentuhan lang kami ng mga bagay bagay habang nasa byahe.

Nabanggit niya rin na hindi alam ng relatives niya sa Korea na uuwi siya ng Pinas na biglaan. Ang tanging may alam lang ay si Tita at Si Gwyneth.

Pagkarating namin sa sementeryo ay dumiretso agad ako kila Mama. 5 years na rin na hindi ko sila kasama tuwing Pasko at ibang okasyon pero hindi pa rin ako sanay. Nakakapanibago.

Nilingon ko si Neal na panay ang tingin sa cellphone at mukhang uneasy. Kanina pa siya ganyan kahit noong nagkukwentuhan kami sa kotse. Kahit nagdadrive siya.

"Hey? May problema ba?" Tanong ko at umusog kaunti sa tabi niya.

Lumingon siya sa akin pero iniiwas niya agad ang kanyang tingin. Kaya ang ginawa ko ay hinuli ko ang tingin niya kaya wala ng siyang nagawa.

Pinakita  niya sa akin ang cellphone niya at convo nila ni Madie yon.

"Go." Tanging nasabi ko na lang at tinanggal ang tingin sa kaniya.

Ngumiti lang siya ng kaunti at patakbong umalis papunta sa kotse niya at iniwan ako.

Iniintay ko siyang lumingon pabalik pero wala. Hindi niya ginawa.

Napabuntong hininga na lang ako. Siguro ganto talaga ang set up namin.

Saglit pa kong nanatili doon at umuwi na sa apartment. Hihintayin ko na lang siguro si Gwyneth bukas.

- - - - -

Nakalipas ang Bagong Taon ay hindi namin napag usapan ni Neal ang ganap nung Pasko. Hindi ko na rin sinubukang magtanong kung anong ginawa nila dahil baka masira lang ang mood.

Busy din kami parehas pero may oras pa rin naman para magkita. February 14 na ngayon at may event kami sa school. Mini concert lang pero hindi ako aattend dahil magkikita kami ni Neal.

Wait mo ko beybe, char. HAHAHAH.

Paalis na ko ngayon sa bahay at papunta na ng Malolos Capitol. Uuwi kami ng Meycauayan ngayon at tatambay lang kami sa kanila.

"Babe?" Tawag sa akin ni Neal sa telepono. Nandito na ko sa Capitol ngayon at hinihintay siya.

"Nandito na ko." Malambing na sabi noiya kaya hinanap ko siya. Paglingon ko sa likod ko ay nandon asiya at may hawak na bulaklak.

MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now