Chapter 3 : The Truth

33 2 0
                                    

IS THIS REAL? NOW I'M VERY CURIOUS. WHAT DO HE WANT TO SAY!?

Ngayon problema ko kung anong susuotin ko. Hays. Kahit anong dami ng damit mo wala ka pa ring mapili. Pero yung susuotin mo yung paborito mo. Ganyan tayo.

After kong maligo nag-ayos na ako nang gamit na dadalhin para sa reporting, mga props at iba pa. Excited ako dahil makikita ko sya kahit weekends at higit pa, makakasama ko sya. Kahit sa ganitong paraan lang. Kahit 'di kami close. Hindi ako masasamahan nila Shane at Rica. Gagawa din daw sila ng project/presentation. Pero may tagpuan kami pagkatapos ng gawain sa project.

*Cellphone Vibrates*

New number??

"Asan ka na? By the way si Vin to."

Ha? Pano nya nakuha cellphone number ko?

"Papunta na, teka pano mo nakuha number ko?"

"I just asked Shane"

Ano?! Pumayag pa yung baliw na yun? Shane lagot ka sa 'kin mamaya! Nakoooo!

"Okay, sige malapit na ako."

Malapit na ako, papalabas palang ng pintuan namin. Haha!

********

Delsin's P.O.V

Naging classmate ako ni Maeve since 1st year. To be true may gusto na ako sa kanya that time. Days are passing at lalo akong nahuhulog sa kanya.

I think she's so different from the other girls. That time din nangyari ang pag-amin ko sa kanya, but she rejected me. That's fine for me dahil hindi naman 'sya nagbago ng trato sakin bilang isang kaibigan. Tanggap ko lahat. She's still there for me and I will do the same for her.

"Delsin dito ka." sabi nung isa kong classmate.

"Mag-hawak kamay kayo ni Shane." dagdag pa nya.

Habang inaayos pa nung isa kong kaklase ang position nang iba. May itinanong naman ako kay Shane.

"Asan si Maeve?"

"Nasa ibang group 'sya, nabanggit na gagawa sila ni Vin magkapartner kasi. Oh my gawd kinikilig ako!" paliwanag ni Shane habang nakabungisngis.

"Teka ikaw! Bakit ka nandito? Akala ko kila Maeve ka?" tanong naman ni Shane.

"Ewan ko nga, kulang daw kayo so para mabalance kinausap ako ni Ma'am kahapon at talagang ako pa yun pinalipat. Bwiset!" napabuntong hininga na lang ako.

~~~~~~~

And back to. . .

Maeve's P.O.V

Nakarating na ako sa bahay nila Vin. Tapat pa lang ng pinto masasabi mong magara ang pamumuhay nila. Buti naisipan nyang sabihin address, I never knew na malapit lang sila sa akin so I just walk.

Pinindot ko na yung doorbell. Susyal.

*ding dong*

Walang nagbubukas ng pinto.

Chasing One StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon