Chapter 1

32.9K 518 141
                                    

Kristina, Age Fifteen
The Past
---
"My God, Roger. Anong ginawa mo?"

Kunot-noong napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang naghihisterikal na boses ni mama. Wala sa loob na sinundan ko ang boses nya sa maliit na terrace.

"Huminahon ka nga, Kate. Wala tayong choice," may bahid ng inis na sagot ng tatay ko.

Naisip ko kaagad na may problema sa pera. Bihirang mag-away ang mga magulang ko at 'pag nangyari 'yon ay iisa lang ang dahilan, pera. Napadalas  lang netong mga huling dalawang taon ang pag-aaway nila simula 'nong magkasakit si Karina.

"Wala na bang ibang paraan? Wala na ba tayong pwede gaw-"

"Tangina, Kate," galit na putol ng tatay ko. "Sa tingin mo ba sasang-ayon ako kung may iba pang paraan? Wala ng natira sa ipon natin. Wala ng may gustong magpa-utang sa akin. Halos nawala na ang kredibilidad ko sa opisina dahil sa pangungutang ko. Wala tayong choice, naiintindihan mo ba? O gusto mong hayaang mamatay si Karina?"

Hagulhol ang sumagot sa sinabi ni papa. Hindi ko namalayan na tumulo na 'rin ang luha ko.

Our life had been difficult the past couple of years. Isang civil engineer ang papa ko at mayroong maliit na construction firm, habang ER nurse naman si mama.  Kung dati ay komportable kami, ngayon ni hindi na namin magamit ang aircon sa bahay para makatipid ng kuryente. Kung anu-ano na rin ang tinitinda ng mga magulang ko sa mga ka trabaho nila para magkaroon ng extra.

Stage 2 Lymphoma. Treatable and curable ayon sa mga doktor kaya ginagawa ng mga magulang namin ang lahat para matustusan ang pagpapagamot. Nasa final stages na si Karina at malapit ng gumaling. Thank God.

Bakit nag-aaway si mama at papa? Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko.

Lumala ba ang sakit ni Karina? That's the worst-case scenario. My heart squeezed painfully. I can't. I can't even think about it. Not my sweet sister.

Tumalikod ako bago nila mapansin ang pakikinig ko.

"Paano ang buhay ni Tin? My God, Roger-"

Agad na napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. What about me? Ano'ng ibig-sabihin ni mama?

"Calm down, Kate. Magiging okay ang lahat. Gagaling na si Karina, di'ba 'yon naman ang pinaka-importante sa ngayon? Mababayaran natin ang lahat ng utang natin. Wala na tayong dapat alalahanin."

"Pero-"

"For Pete's sake, Kate! This is for the best! Everything will be okay."

At the time, I agreed. Nothing was more important than my sister's life. Nothing could have been worse than her death. I was willing to do what it took for my sister to improve.

Only, I didn't know what it would cost me.

-------------------------------

PRESENT

"Please, will you be my girlfriend?"

Natatawang tumango ako. Aiden has been courting me for a year. He also has been extremely patient, too. It is the perfect time to say 'yes' to him.

He is a basketball varsity player and many girls wanted to be with him. Madalas pa namin siyang tinutukso ni Sonia pagtungtong namin ng college. Aiden was sickly thin in high school so imagine our shock when he showed up looking like an adonis on our first day in college. He claimed to work his ass off in the gym when he was in the US for a vacation after graduating from high school.

He was my friend and classmate before I had to transfer to an all-girls high school where I met Sonia. Aiden and I kept in touch and met from time to time. Pagkalaunan ay naging close na rin silang dalawa ni Sonia.

Forcedly Yours [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon