II

249 6 0
                                    

Naging solid kaming mag-kaibigan. Matatapos na ang sem noon at ilang beses kaming magkasamang nag-aral sa Cafe Magdalena. Inaabot kami ng gabi, madalas. Hinahatid ko siya sa apartment niya kapag ganun. Magkakatabi lang naman ang mga apartments sa campus. Kaya hindi ako nag-aalinlangan. Pumapayag naman siya.

Isang gabi, di ko siya nakita sa cafe. Solo akong nag-aral. Bigla siyang nag-text. Kung pwede ko raw siya puntahan. Kailangan niya lang ng kausap. Hell week non. May exam ako sa major kinabukasan. May paper na sinusulat. Alas-diyes na, wala pa akong naaaral. Sa totoo lang, nainis ako sa kanya noon. Alam niyang meron akong exam. Alam niyang may requirements ako. Bakit ngayon niya pa kailangan ng kausap? Hindi ako nag-reply. Umuwi ako sa apartment non. Dun nag-aral. Tapos nag-text ulit siya. Nagso-sorry. Hindi niya raw sinasadya. Sorry daw sa istorbo. Doon ako muntik maniwala na may kakaiba sa kanya.

Hindi ako nag-reply. Pero habang nagre-review ako noon, mata niya lang ang nakikita ko. Alas-onse, lumabas ako ng apartment. Tinatawagan ko siya, hindi sumasagot. Siguro tulog na. Pero nagbaka-sakali pa rin akong pumunta sa apartment niya. Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto ko lang siyang makita. Gusto ko lang din mag-sorry na pinaramdam kong istorbo siya.

Lumabas siya ng apartment pagkatapos ng 24 missed calls. Umiiyak. Parang tatlong linggong walang tulog. Parang nag-movie marathon ng dalawang araw. First time kong makita siyang ganon. Lagi kasi siyang masaya lalo na kapag kinikilig kay Ji Chang Wook. Paglabas niya, niyakap niya agad ako. Wala akong ibang narinig kung hindi atungal at ayoko na. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Niyakap ko lang siya. Hinintay matapos umiyak. Sa totoo lang, yung isang oras na yakap ko lang siya, paulit-ulit na sinusuklay ang buhok niya, nakatayo sa harapan ng apartment nila, alam ko na nung mga oras na 'yon, na hindi siya kakaiba. Pare-parehas kaming may bitbit, iba-iba lang ng bigat.

Sinabayan ko noon ang hagulgol niya nang paulit-ulit na bulong sa langit na sana sapat na ang mga yakap para maghilom ang mga sugat, para mawala ang bigat. Sa pagtahan niya, nginitian niya ako. Sabi niya, okay na, na okay lang siya, na masyado lang daw talagang mabigat ang hell week para sa kanya. Niyakap ko ulit siya. Hinalikan sa noo. Madaling araw na pero gusto ko pa siyang makasama.

Consuela. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon