VII

116 4 0
                                    


Siyam na buwan at ngayon ko lang naintindihan kung bakit ni-isang beses hindi kami nag-away. Dahil ilang beses naming tinakasan 'yon.

Takot siyang pagsabihan ako sa tuwing nale-late ako sa mga date namin dahil ayaw niyang pagsimulan ng diskusyon. Hindi ko siya pinipilit magkwento sakin tungkol sa mga dahilan ng pag-iyak niya dahil ayaw kong maramdaman niyang nakikialam ako.

Mga saradong garapong ayaw naming buksan.

Umiwas kami sa away. Pikit-mata kami sa mga problema. Ang mahalaga, masaya.

Pero ano pa't naging magkakampi kami kung hindi ko naman alam paano siya ipaglalaban? Ano pa't tinawag niya akong katuwang kung hindi ko alam paano siya tutulungan?

"We have to talk about this." mariin kong sabi. Hindi na kami pwede magtago. Hindi na kami pwede umiwas. Binubuhat lahat ng bigat, hindi tinataguan. Hinaharap lahat ng kalaban, hindi tinatakbuhan.

Hinatid ko siya pauwi sa apartment. Sa tapat ng apartment ko siya unang nakitang umiyak.

Sa tapat ng apartment, tinanong ko siya kung bakit. Bakit siya umiyak noong unang beses? Bakit siya umiiyak kagabi? Bakit hindi siya nagpakita o nagtext o tumawag man lang?

Umiyak siya. Tsaka niya sinabi sakin lahat.

"Anak ako ng kabit. Iniwan ako ng nanay ko sa tatay ko nung 10 years old ako at sumama sa asawa niyang kano. Hindi naman ako maalagaan ng tatay ko kasi sino ba naman ako diba? Para sa asawa niya, reminder ako ng kasalanang nagawa niya. Hindi niya rin alam paano ipapaliwanag sa mga kapatid ko na anak ako sa labas, anak ng muntikan ng sumira ng pamilya nila. Dinala niya ako sa apartment. Binigyan ng yaya. Inalagaan niya naman ako na para talagang anak. Pero I hated myself. I hated my life. I hate it to the point I wanted to change my name. Nakatatak na sa utak ko na gawa ako sa kasalanan. Na hindi ako kamahal-mahal...

16 years old nang umalis yung yaya ko. Natuto ako mabuhay mag-isa. Dinadalaw ako ng tatay ko pero mas madalas na nagpapadala lang siya. Yung nanay ko? Wala na akong contact. That night, kinausap ako ng asawa ng tatay ko. Tinawagan. Tinawag nang kung anu-ano. Na kahit kailan daw hindi ako pipiliin ng tatay ko. Na hanggang sustento lang ako. Hindi ko alam paano mamahalin sarili ko. Gusto kong mag-rebelde. Gusto ko sirain buhay ko. Pero hindi ko kaya. All I have is... me. At gusto ko, kapag binalikan ako ng mga taong hindi ako pinili, makita nila na maayos ako. Hindi okay pero maayos. Mabuting tao. Akala ko allowing other people to call me other names is the start. Hanggang dumating ka... I still hate myself pero atleast. I have you.

I am sorry. Kahapon, kahapon, kinontak ako ng nanay ko. Kinamusta. Tinanong kung college na ba ako. Nakipagkita siya sakin. I can't tell you kasi hindi ko alam paano ipapaliwanag. Nalaman ko na may sarili na siyang pamilya. Nagbabakasyon lang. Na babalik ulit sila sa Canada bukas. Na hindi niya na naman ako pinili. Ang hirap mahalin ng sarili. Lukas, pagod na ako."

Niyakap ko siya. Pinapatahan. Sinusuklay ang buhok. Niyayakap nang mas mahigpit. Humagulgol pa siya. Thirty minutes? Twenty? Forty? Hindi ko alam gaano katagal.

Niyakap ko pa siya nang mas mahigpit. "Tahan na. Hindi ka mag-isa, Consuela. Hindi na. At ako... pinipili kita. Pipiliin kita." Niyakap niya rin ako. Mas mahigpit. Sa dibdib ko, tulo-uhog siyang umiyak.

***
Nung unang beses pa lang na umiyak si Consuela, alam kong meron na agad siyang bagaheng bitbit. Nung sinabi niya sa aking selfish decision ang pag-oo niya sakin, alam ko na agad na hindi 'to magiging madali. Marami akong chances para umalis. Para hindi na magpatuloy. Hindi na manligaw.

Maraming klase ng pag-ibig. Pero yung klase ng pag-ibig na alam ko... hindi nang-iiwan.

Consuela. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon