VI

123 4 0
                                    

Hindi ko alam kung anong nakasulat sa rule ng universe tungkol sa length ng honeymoon stage. Ang alam ko lang, yung sa amin, nagtagal ng eight months.

Lagi lang kaming masaya. Dinner dates aka pancit canton nights. Tambay sa computer shops para sa online quizzes. Stargazing sa rooftop ng isang department sa campus. Pa-libreng wifi sa Cafe Magdalena. Absent sa klase para lang manood ng sine.

Mahaba kasi ang pasensya ni Katarina. Kahit isang beses, hindi siya napikon sakin. Gaano man ako ka-late magreply. Gaano man ako ka-late dumating sa cafe. Mabait siya. Mabilis umintindi. Mag-explain lang ako at mag-sorry, yayakap na agad siya.

"Mahalaga nandito ka." lagi niya sa aking sinasabi sa tuwing nale-late ako sa mga date namin.

Wala rin naman akong maisip na dahilan para mainis o awayin siya. Masayahin siya. Lahat ng bagay tinatawanan. Marami siyang kaibigan, lalo na mga lalaki, pero hindi niya ako binigyan kahit kelan nang dahilan para magselos.

Hindi kami nag-away sa loob ng walong buwan.

Naka-ilang kdramas kaming napanood. Dalawang hellweeks na ang pinagsamahan namin. Sandamakmak na requirements na ang magkasama naming ginawa at pinasa. Akala ko hindi na kami mayayanig nang kung anumang issue.

Kaso nung 9th monthsary namin, nag-decide akong dalhin siya sa bahay. Ipakilala sa mga magulang ko. Pumayag naman siya. Friday, bumyahe ako pauwi samin mag-isa. Nauna ako kasi may klase pa siya. Sabi niya, magkita na lang kami sa may 7/11, kinabukasan. Malapit na yun sa barangay namin. Pumayag ako.

Sabado, 9 am pa lang nasa 7/11 na ako. 10 am ang usapan namin. Ayaw kong ma-late kasi ako na nga ang malapit. Hinintay ko siya. Hindi siya nag-text. Hindi ko rin siya matawagan.

Alas-diyes na, wala pa siya. Hindi siya nale-late. Ayaw niyang nale-late. Sa lahat, Filipino time daw ang pinaka-ayaw niya sa kultura. Tinawagan ko siya. Nakapatay ang cellphone niya. Hinintay ko pa siya. Alas-dos. Gutom na ako. Gusto ko na siyang puntahan sa apartment. Pero mas nauna yung inis ko.

Alas-tres, umalis na ako sa 7/11. Kumain sa malapit na fast food. Tumambay hanggang alas sais. Naghintay ako ng text niya. Kaso wala.

Alas-otso ng gabi ako umuwi sa amin. Hinanap ng magulang ko kung nasan siya, sabi ko pumunta kami sa kanila. Ginabi na. Sa susunod ko na lang siya ipapakilala.

Galit ako noon. Naka-247 missed calls ata ako hanggang bago matulog pero wala man lang siyang kahit isang letrang pasabi. Alas-tres nang madaling araw nung
nagising ako sa tawag niya. Sino ba namang hindi mababadtrip, diba?

Padabog akong nag-hello. Hindi ko pinansin na umiiyak siya habang nagso-sorry. Hinintay ko ang paliwanag niya. Hagulgol niya lang ang naririnig ko. Alas-tres nang madaling araw ‘yon, bagong gising ako, galit. Nakaramdam ako ng pagod.

“Alam mo, tawagan mo na lang ulit ako kapag hindi ka na umiiyak”, sabi ko sabay baba ng telepono. Hindi pa ako nakuntento at tinext ko siya ng Happy monthsary.

Hindi na siya tumawag ulit. Hindi na ako nakatulog pagkatapos noon.

***

Kinabukasan, nag-sorry ako sa kanya. Nag-usap kaming magkita sa Cafe Magdalena. Pagpunta ko, nakaupo na siya. Hindi sa favorite spot namin.

Pugto ang mata niya. Bakasyon pero parang hell week sa kanya. Mata niya agad yung una kong nakita. Hindi ko na makita yung kislap. Hindi ko na makita yung ganda. May sumaksak sa puso ko.

Ilang minuto rin kaming tahimik bago siya nagsalita.

“Sorry” bulong niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Ayaw ko na iyong bitawan.

Consuela. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon