III

179 3 0
                                    

Pagkatapos nang nangyaring yun, naging mailap siya. Matatapos na ang sem at hindi na siya madalas nagpapakita sa cafe. Hindi na siya nagku-kwento sa klase. Ramdam kong iniiwasan niya ako. Hindi nire-replyan ang mga texts ko. Gusto ko siyang araw-araw bulabugin. Paulit-ulit tanungin kung bakit hanggang sumagot siya. Sabihing nag-aalala ako. Pero di ko ginawa. Gusto kong i-respeto ang personal space niya.

Last day ng finals week ko siya ulit tinext. Kinamusta. Tinanong kung nasa campus pa ba siya at hindi pa nauwi sa kanila. Nagreply siya. Nasa Cafe Magdalena raw siya.

Nag-sorry agad siya hindi pa ako nakakaupo sa favorite spot namin. Bukod sa hellweek noon at sobrang busy siya, nahihiya rin daw siya sakin. Na baka layuan ko raw siya dahil nakita kong tumutulo ang uhog niya. Tumawa ako. Ganun din ako umiyak, sabi ko.

Buong maghapon kaming nag-kwentuhan. Pinag-usapan namin ang tungkol sa sem. Kung anong mga nangyari. Kung kumusta ang bawat subjects namin. Tinanong ko rin kung kumusta ang mga final exams na tinake niya. Hindi ko na sinubukang tanungin kung anong nangyari nung gabing 'yon. Kung bakit. Tinanong ko pa siya kung kailan siya uuwi. Kung magmi-midyear class ba siya. Tinanong ko siya kung anong gagawin niya sa bakasyon. Hindi ko tinanong kung anong nangyari nung gabing 'yon. Kung bakit. Mukhang ayaw niyang pag-usapan. Hinayaan ko na lang siyang sagutin ang mga tanong ko. Hinayaan ko siyang mag-kwento. Hanggang napunta ulit sa mga korean dramas. Hanggang nakita ko ulit siya kiligin kay Ji Chang Wook.

***

Bakasyon noon pero nag-mid year ako. Siya, hindi. Magpapahinga raw muna siya. Dun ako may bagong nalaman tungkol sa kanya. Yung apartment na yun pala talaga ang bahay niya. Wala siyang probinsyang inuuwian. Regalo raw yun sa kanya ng tatay niya.

Kaya madalas pa rin kaming magkita. Madalas siyang tumambay sa Cafe Magdalena. Nanonood siya ng kdrama. Habang ako, nag-aaral. Minsan, nililibre niya ako, pambayad daw sa pangi-inggit niya sa akin.

Natapos ang mid-year na lagi kaming magkasama. Nung naipasa ko lahat ng subjects ko, nag-celebrate kami. Kumain kami sa fast food (dahil yun lang ang afford naming dalawa). Hinatid ko ulit siya pauwi sa apartment niya. Habang tumatawid sa pedestrian lane, hindi ko napigilang hawakan ang kamay niya. Tumigil siya saglit. Tiningnan ako nang nagtatanong. Ngumiti ako. Wala siyang sinasabi.

"Pwede ba akong manligaw?" tanong ko.

Consuela. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon