IX

153 4 0
                                    

Sabay kaming nag-suot ng toga. Sabay kumuha ng diploma.

Inimbitahan ni Consuela ang tatay niya sa graduation. Pasasalamat na rin sa mga naitulong nito sa kanya. Sinendan niya naman ng grad picture ang nanay niya. Hindi niya pinilit ang sarili magpatawad, pinili niya lang ang magmahal.

After graduation, nag-decide kami ni Consuela mag-celebrate sa isang hotel & resort. Kaming dalawa lang. Overnight swimming. Staycation. Pinag-usapan kung paano kami nagsimula.

Naging magka-klase kami sa isang subject. Nakilala ko agad siya kasi mukha siyang masayahin. Yun bang walang problema at nakakatulog ng 8-10 hours sa hell week. Pala-kaibigan din siya. Sa katunayan, siya ang tumabi sakin tapos tinanong ako kung anong pangalan ko, anong course, batch, at kung kumusta ako. Alam mo yung three minutes pa lang kaming nagkikita pero parang two months na? Marami siyang kinukwento, eh. Mula sa mga korean dramas na pinapanood niya hanggang sa mga luma at dumadagdag na isyu ng lipunan. Doon kami nagsimula.

Habang naglalangoy at nag-uusap (at naglalaro sa tubig), nalaman namin na first founding anniversary ng resort kaya may pa-bonfire sa lahat at fireworks.

Nagmadali kaming magbihis ni Consuela. Meron akong bagong nalaman sa kanya. Mahilig si Consuela sa fireworks. Nakita ko kaagad kung paano kuminang ang mata niya nang marinig ito. Sobrang saya niya, hindi niya pa nakikita. Sobrang saya ko, kasi masaya siya.

"Everytime I see fireworks, I feel powerful. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam mo 'yun? Pakiramdam ko kaya ko lahat." sabi niya.

"Kaya mo naman lahat, ah."

"Mas kinaya ko kasi kasama kita."

Sa terrace ng hotel namin kami tumambay, kitang-kita raw dun ang fireworks. Saktong labas namin nung nagsimula ito. Kita ko kaagad yung mga mata niya. Walang sinasabi pero alam mong masaya. Nakangiti siya buong palabas. Hindi ko alam kung maganda ba o hindi. Ang alam ko lang, maganda siya. Mas masarap siya titigan. Mas masarap siya panoorin. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan niya rin ang akin.

Pagtapos ng fireworks, nakangiti niya akong tiningnan. Kinikilig siya. Tumatalon sa saya. Niyakap niya ako na parang excited na bata.

"Consuela" sabi ko habang nakayakap.

"Hmmm?" tiningnan niya ako. Nagtatanong.

"Dito. Dito tayo magsisimula."




----------
Author's note:

To be honest, I don't know how to end this story. Pero ayan, tapos na. Kung alam niyo lang, I can share a ted talk about this pero iiwan ko na lang sainyo 'to.

Basta remind ko lang, do not hate yourself dahil sa mga bagay na hindi mo kontrolado. Consuela, kamahal-mahal ka. ✨

Consuela. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon