CHAPTER 34

256 7 0
                                        


"ATE SI VON!!!!!"

~~~~~~~~~



Isang malakas na sigaw ng isang tao sa kabilang linya ng tawag ni Ice,na naging dahilan upang magulat silang lahat.


~~~~~~~~~~~~~

Ice:Bakit anong nangyari??!?!?*nagaalala

Josh(kasambahay):Pumunta na kayo dito dali!!!!!

Ice:Ok sige hintayin mo Kami

~~~~~end of conversation.~~~~~~


Binaba na ni Ice ang tawag at agad na tumayo na naging dahilan upang magtanong si Annie..


"Oh sis ano daw nangyari"-nalilitong tanong ni Annie

"Sis si Von!!!!!!!"-nagmamadaling sabi ni Ice

"bakit daw?"-Annie

"Ano sasama ka ba bilis!!!!!"-Pagmamadali ni Ice


Agad naman na tumayo na sila Annie at Macy at sumunod kay Ice,Sumakay na silang tatlo at nagsimula nang magmaneho si Ice papuntang PasayGen.


Mga ilang minutong nakalipas ay nakarating na sila sa Hospital kung nasaan si Von,Agad na pumasok sa Hospital ang tatlo at agad na sumakay sa elevator.


"teka sis bakit nga ba tayo nagmamadali?"-nalilitong tanong ni Annie habang nasa elevator

"Sabi ni Josh may nangyari daw kay Von."

"Hindi ba niya sin----"hindi natuloy na sabi ni Annie dahil bumukas na ang elevator


Pagkabukas ng pinto ng elevator ay agad na hinatak siya ni Ice at agad agad na nagtungo sa kwarto kung saan nandoon si Von,hindi na kumatok at agad na dumeretso sa kwarto.


Pagkabukas ni Ice ng pinto ay bigla siyang nagulat sa nakita....


ICE'S P.O.V

-Asan si Von??

-bakit si josh lang nandito?

-asan yung boyfriend ko??

~~~end of P.O.V~~~~


Natahimik naman si Ice at sandaling nilibot ang kanyang paningin sa kwarto sa pagaakalng makikita niya ang nobyo dito,ngunit ang nakita niya lamang ay si Josh na nakaupo sa sofa...


"Josh asan si Von?"-nagaalalang tanong ni Ice

"oh bat ka umiiyak?"-pahabol pa nitong tanong


Hindi na nakasagot si Josh na naging dahilan upang mas lalong magalala si Ice.


"Huy Josh sumagot ka! asan si Von"-Pasigaw na tanong ni Ice







GGG:Girl,Gay,GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon