9

2 0 0
                                    

It has been days nung araw ng graduation party ni Mika at hanggang ngayon sobrang naweirduhan pa din ako kay Thomas. Babaero kaya yun? Siya? Magseseryoso?


Pero sobra kasing genuine nung sinabi niya sakin habang nakatingin kay Irish. Totoo ba?


Haynako, di ko alam. Let people enjoy things and don't give a damn about their business.


Papalapit na yung week na pupunta kami ng beach nila Jacque. Kailangan ko ng magayos ng mga gagamitin ko.


It's a Wednesday today at wala akong ginawa buong week. Nagstay lang ako sa bahay at nanuod ng T.V. Minsan naman nagsscroll sa facebook o kaya naman titingin tingin ng mga university around Manila.


Wala pa din saking tumatatak na passion. Ang weird naman sa feeling. Walang passion. Walang dream. Ang abnormal ko naman ata?


Ayokong sinestress ang sarili ko kaya naman naisipan ko nalang na mag mall.


Naligo na ako at nag patuyo ng buhok at nagbihis. I'm just wearing a shirt and shorts kasi mainit sa labas at summer na. Bibili nalang ako ng  mga susuotin ko sa beach.


It might feel weird pero lahat naman kami pinayagan na pumunta dun without any parent. Pinapasama nga lang si Kuya Erick at yung driver nila Jacque. May van kasi sila at yun nalang daw yung gagamitin naming sasakyan para mas may space saamin.


Nagchat ako sa groupchat namin sa messenger para magaya kung may gustong sumama sakin sa mall.


To: my luvs

punta ako ng mall, sino sasama?

Mika: pwede naman. anong oras?

Irish: Anong gagawin?

Jacque: finally! Milktea tayo mga sis.

Me: Well, nakapag bihis na ko at ready ng umalis kaya ngayon na Mika.

Me: Magmamall lang, Irish. Bibili ng bikini at summer outfits.

Me: Tara! Ang init init, ang sarap mag milktea.


Pagkatapos ng mga reply ko, nag paalam na sila para magayos. Habang naghihintay, alam kong matagal magayos yung mga yun, nanuod naman ako ng movie.


Isa nanaman siyang romcom. Napaisip tuloy ako, magcocollege na kami. Meron na kaya kaming magiging boyfriend? Manliligaw? Madami kaya sila? Charot. Ang assuming lang.


Hindi naman ako sanay na may classmates na lalaki kapag nag college na kasi nga sa all girls school kami nagdalaga. Except nung nag 4th year na at nag open na ang doors ng school namin for boys. Still weird pa din. Malayo pa din naman ang building nila and we don't really interact. Syempre, weird talaga saming makakita ng mga lalake, no. Para kaming nakakita ng alien.


Kinibit-balikat ko nalang yung naisip ko at nagpatuloy sa panunuod.


I fell in love with a fuck boyWhere stories live. Discover now