"How are you, Vicky? Irish?"
Si Tita Niña yung nag greet samin pakababa namin ng kotse. Sobrang naiilang pa din akong makipag small talk kahit best friend ko naman si Irish. Bat ganon? Parang hindi genuine yung smile niya kanina?
Nakipagkwentuhan naman si Irish kay Tita Niña habang ako tahimik. Nagcecellphone kunware. I badly want to talk to Mika with this kaso busy naman yun sa party.
Asan kaya si Jacque?
"Vicky!" She yelled while walking towards me. She was wearing a baby pink satin dress and a silver heels. She just let her short black hair fal with soft curls.
Found her.
"Ay Irish, kuha lang kami ng food ni Jacque. Balik kami ah." Hmm para di naman siya makahalata. "Ikaw? May gusto ka?" Pag dagdag ko. Baka kasi mahalata niya na may sasabihin ako kay Jacque.
"No thanks, I'm fine, Vicky. Balik kayo kagad, ha." Nagsmile ulit siya pero nakita ko nanamang peke yun. Pagkaalis namin nakita ko namang patuloy lang siyang nakikipag usap kay Tita Niña.
Sobrang worried pa rin ako habang kumukuha kami ng pagkain ni Jacque. "What's wrong?" tanong niya sakin habang nakatulala nagwowonder pa rin hanggang ngayon kung bakit ganon siya magsmile. "May nakikita ka bang mali kay Irish?"
Syempre, nagulat si Jacque sa tanong ko. Hindi naman kasi halata talaga kay Irish ang maging malungkot or aakto na may nagbobother sakanya. Malalaman nalang namin may iniinda pala siyang problema. Pero di niya pinapahalat palagi, ang galing mag tago.
"Pagkatapos ng graduation natin, nagkita kami sa C.R. nyang si Irish. I feel that something's up pero di ko siya kinausap about dun. Baka mabadtrip or ya know, maging awkward sakin."
Hala. Di naman nahalat talaga na may kung anong nangyayare sakanya?
Eh kasi parang okay naman siya?
Si Mika kaya? May alam?
"What's up?" Curious namang tanong ni Jacque sakin nung di ko sinagot.
Napaisip ako kung may karapatan ba akong magkwento pero kailangan namin ng sagot sa mga tanong namin bago namin kausapin si Irish. Ayoko kasing basta basta nalang kakausapin si Irish tapos wala naman kaming maitutulong.
"Babe. I don't know if I can tell you this cause its not my story but I think something's up."
Dumiretso kami kay Irish. Kahit wala si Mika kailangan naming malaman kung may mali ba. Halatang halata talaga kasi na hindi siya masaya.
"Ano meron? Bat ang seryoso nyo?"
Hindi ko alam kung kaya ba namin to ni Jacque pero kailangan na naming malaman.
"Masaya kaba, Irish?" Tanong ko.
Kinuha niya mga kamay namin at pinunta kami sa bakuran nila Mika.
"I'm glad you asked. I'm not fine, Jacque, Vicky. Gustong gusto ko ng magstart ang sem ngayong first year na tayo para makaalis na ako sa bahay. Oo nga, hindi lang ako ang anak, anjan pa si Steph at Aira. Pero feeling ko ako lang inaasahan nila. Hindi ako okay. Nappressure ako and every second na magstay ako sa bahay feeling ko kinukulong ako." Sunod sunod na pag kwento ni Irish.
Akala ko talaga magagalit siya. Kanina pa siguro niya saming sabihin, wala lang siyang makuhang tamang timing. Wala kaming masabi sa pinagdadaanan niya kaya yinakap nalang namin siya.
Naiyak naman na tuloy siya.
"Makeup ko!" Pag aarte niya nanaman. The Irish we know.
Umupo kami sa bench para naman maging comfortable siya. Kumuha naman ng tubig si Jacque sa loob habang pinapatahan ko si Irish.
"It's best to talk to your parents about this. Pero thankful ako, kami na samin mo muna sinabi." Bumuntong hininga ako. "I know it's hard to face your fears. Alam mo ba, pati si mommy nagwoworry na baka feeling niya hindi ka masaya?" Tiningnan ko siya. "Natatandaan mo yung lunch natin kasama parents mo?" Tumango naman siya.
"She knew something's up and she told me to look after you. I know I can't tell you what you have to say or do but think about what's best for yourself. Oo nga, makakaalis ka. Matatakasan mo yung problema mo. Pero, mawawala ba yun?"
Umiiyak nanaman siya.
Hinawakan ko naman ang likod niya. "Be strong girl. Unang kabanata pa lang to ng adulting life natin. Madami pang pagsubok."
Tumingin ulit siya sakin. "We are here for you in every path you take."
Hinug ko lang ulit siya. At nakita ko siyang pilit na ngumiti. "Ano ba yan, ang make up ko, sira na"
Tumawa kami at dumating na si Jacque dala dala yung tubig niya. "Nakita ko pakalat kalat kaya sinama ko na." At nasa likod niya si Mika.
"Omyg sis, anong nangyare sa make up mo? Sinong nagpaiyak sayo? Upakan namin."
"Mikaella Francisco, is that you? Mang uupak ka talaga ha? Pakita nga." Komento ko sa sinabi niya. Nagtawanan naman kami.
Ang sarap sarap pumunta sa beach, mag unwind at kalimutan muna mga problema sa buhay. Isipin mo yun? Pacollege pa lang kami pero parang ang dami na agad problema. Normal na mga tao na talaga kami.
"What if we go to the beach for a week and don't care how long we are staying?"
Bigla ko namang naisip ang pag aaya sakanila. Not bad naman siguro?
Nagtinginan naman sila, gulat sa sinabi ko.
"Omygod, Vicky" sabi ni Irish.
"Yes!" sabay sabay nilang sigaw.
After our heartfelt talk sa kung anong nafefeel talaga ni Irish. We decided to enjoy mika's party. May pa after party pa kasi siyang nalalaman sa rooftop nila. Wala ng parents na magbabawal kaya uminom na kami ng beer.
Hindi naman na kami nasobrahan sa lasing pero sobrang saya namin ng araw na yun.
Mahirap talaga sigurong maging tao pag katapos ng pag bababy sayo ng mga tao especially ng magulang mo. Tapos na kami sa chapter ng buhay namin na yun. Alam kong madami dami pang paparating na kung ano man jan sa palagid na problema pero kapag kasama ko sila. Alam kong makakaya ko, namin na lampasan lahat ng problema.
Magpapaalam kami sa susunod na araw para sa week long summer vacation namin. Napag desisyonan din naming sa boracay nalang pumunta kasi mas madali at may kakilala dun ang parents ko. Sila nalang ang magiging guardian namin habang walang parents o matatanda na magbabawal o titigilan ang mga gusto naming gawin.
Habang nagsasayaw, nakita kong nakaupo si Thomas. Halatang pinapanuod lang ang mga tao ang umiinom.
"O, Thomas. Kakarating mo lang?" Tanong ko naman ng makalapit ako sakanya.
"Hindi. Ang saya saya niya." Sabi niya bigla habang nakatingin kay Irish.
-
YOU ARE READING
I fell in love with a fuck boy
Teen FictionVictoria, a girl who's about to be surprised on how twisted her life can get when she finally open her heart to a stranger. While her best friends will be with her through thick and thin.