D-85

0 1 0
                                    

Red’s POV

6, 828 days

January 15, 2018

Day 1 of weeklong celebration of Berge University

Nandito kaming lahat ngayon sa field ng Berge University from elementary to college para sa opening ng foundation day ng University namin at kung anu-ano na namang kaganapan ang mangyayari sa isang linggo. May mga booths din na tinayo ang mga college students at kasama din sana ang highschool kaso hindi pumayag ang principal dahil sa sunog na nangyari sa Arts club noong intrams baka daw mapabayaan ulit ng mga estudyante ang building dahil pagiging busy ng lahat. Mabuti na lang at walang ganap ang mga higschool ngayon para naman makasave kami ng pera at nakakapagod din kayang sumali sa cultural event na parating sinasalihan ng highschool tuwing foundation ng University. Nangangalay na ang paa ko na nakatayo dito sa field at kahit na tirik ang araw eh nilalamig pa din kaming mga estudyante at hinihintay na lang namin matapos ang napakahabang speech ng Chancellor at President ng University.

“And now I formally open the 64th foundation day of Berge University!” masiglang sabi ng President ng school at nagpalakpakan na lamang kaming mga estudyante at nagsialisan na din isa-isa ang mga estudyante para pumunta sa kani-kanilang classroom para sa announcement ng mg adviser namin patungkol sa mga ganap ngayong foundation.

Habang naglalakad ako dito sa field na natatagalan ang pag-usad ng mga estudyante, nakita ko si Rain na kausap ang mga kaibigan niya at tumatawa. Mas bagay niya pala talaga ang ngumiti at tumawa kesa sa noon na palagi ko siyang nakikitang umiiyak o di kaya nahihimatay. Napangiti naman ako ng sumingkit ang mga mata niya habang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya, ang ganda niya talaga.

“Hoy! Para kang timang sinong nginingitian mo diyaan?” biglang sulpot ni Vincent sa tabi ko at sinakal ko naman siya dahil nagiging epal siya pagtingin ko sa magandang tanawin.

“Aray naman Red!” reklamo niya sa akin at tinanggal naman niya ang kamay ko sa leeg niya.

“Panira ka talaga!” inis na sabi ko sa kanya at nilingon ko ulit ang pwesto ni Rain kaso wala na sila doon ng mga kaibigan niya at ang layo na din nila.

“Ano ba yun ha?” tanong sa akin ni Vincent at binatukan ko naman siya bilang sagot.

“Sumusobra ka na ah!” reklamo sa akin ni Vincent at inabot naman niya sa akin ang camera ng school.

“Shit!” sambit ko at kinuha ko na din ang camera sa kamay ni Vincent at tumakbo papunta sa building namin. Bakit ko ba nakakalimutan na parte ako ng School journalism at ang laki pa ng part ko school paper.

“Excuse me!” sabi ko sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway ng building namin at may naitulak pa akong isang estudyante.

“Sorry!” hingi ko ng paumanhin at nang lumingon ako sa naitulak ko, si Xander pala at ang sama na nang tingin niya sa akin pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa may office ni Ma’am Camero.

“Ma’am Sorry!” sabi ko kay Ma’am Camero na nakasulubong ko na papasok din sa office at inabot ko na sa kanya ang camera na ibinigay sa akin ni Vincent.

“Bakit nasira mo ba ang camera?” tanong sa akin ni Ma’am Camero at umiling naman ako sa kanya at binuksan na din niya ang camera na inabot ko sa kanya.

“Ma’am kasi po!” kinakabahang  sabi ko sa kanya at tinap naman niya ang balikat ko at ngumiti.

“Ang ganda talaga ng mga shoots mo! Sayang hindi tayo nakapagbroadcast kanina sa may field, late kasi akong pumasok. Sige ako na ang mag-eedit nito, pumasok ka na sa room niyo.” paliwanag sa akin ni Ma’am Camero at pumasok na din siya sa office at susundan ko sana siya para mag-explain kaso nakalock na ang pintuan.

100's Part III [Trilogy] 100 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon