D-25

0 0 0
                                    

Rain’s POV

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin kasama si Maxine pagkatapos niyang ikwento kay Ate Hannah ang nalalaman niya sa aksidente ng mga magulang ko, mas lalo kong inisip ang mga taong magiging sangkot sa paglilitis sa Sabado.

“Sigurado ka ba talaga na magiging witness ka? Kasi pwede ko pang pakiusapan si Ate Hannah tungkol doon, alam mo kasi, delikado ang mga ginagawa niyo, ayoko naman may mapahamak sa inyo para lamang masolve yung case ng parents ko.” paliwanag ko kay Maxine at nginitian naman niya ako.

“Rain, ilang buwan mo nang inantay ang pagkakataon na ‘to na magkakaroon ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang mo kaya hayaan mo lang kami na gawin ang mga parte namin sa korte.” tugon sa akin ni Maxine at hindi ko naman mapigilan maging emosyonal dahil sa pagtulong nila sa akin.

“Tama nga ang kwento sayo ni Oliver na maalalahanin kang tao. Tsaka sabi niya sa akin, magiging Attorney ka din someday.” kwento ko kay Maxine na ikinabawi ng ngiti niya sa akin.

“Oliver? Mukhang inlove siya sayo ah.” puna ni Maxine sa pagbanggit ko sa second name ni Red, oo nga pala at naging ex ito ni Oliver kaya medyo natahimik din ako ng onti dahil sa sinabi ko kanina.

“Alam mo bang sa special na tao para kay Red ang nakakatawag lang sa kanya sa second name niya. Isa kasi ako sa mga taong gumamit ng Oliver sa pagtawag sa kanya, noong boyfriend ko pa siya.” dagdag na kwento ni Maxine sa akin at nagsisisi tuloy ako kung bakit ko inopen sa topic si Oliver.

“Ah, hindi naman siguro ako special sa kanya, sinabi ko kasi na tawagin niya ako sa second name ko kasi ayaw niya akong tawagin sa nickname ko at sa first name ko kaya niya din siguro pinagamit niya sa akin yung second name din niya.” todo effort kong explain kay Maxine at nginitian niya ulit ako, nakokonsensya na talaga ako sa ginawa ko.

“Paano pala kayo nagkakilala ni Red?” tanong ni Maxine sa akin at napansin ko na first name ang tawag niya kay Oliver.

“Ah ‘yon ba? Hahaha paano ko ba sasabihin sayo ng hindi korny na pakinggan?” pagtatanong ko sa sarili ko at natawa naman si Maxine sa akin.

“Ako, nakilala ko si Red noon 1st year high school, same class kami noon tapos palagi siyang nagpapapansin sa akin pero narecognize ko siya noon sa may Art class namin, sobrang dungis ko noon matapos na buhusan ako ng paint ng kaklasse kong bully tapos yung tennis uniform ni Red yung pinahiram niya sa akin para makapagpalit ako ng damit. Tapos ayon, naging magkaibigan na kami, hanggang sa niligawan at sinagot, umabot ng 4 na taon yung relationship namin hanggang sa nag-end noong last year dahil sa akin.” mahabang kwento ni Maxine sa akin walang-wala ang kwento ko kung paano kami nagkakilala ni Oliver.

“Kayo ni Red, paano kayo nagkakilala?” tanong ulit sa akin ni Maxine at umiling naman ako sa kanya nang hindi ko alam ang dahilan bakit parang tumatanggi ako.

“Nako Rain, huwag kang matakot sa akin dahil ex ako ni Red. I understand him kung maiinlove man siya ulit, kasi ganon naman talaga ang ikot ng mundo diba? May aalis, may dumarating. At ako din naman ang may kasalanan kung bakit umalis si Red sa akin.” paliwanag ulit ni Maxine sa akin na ngayon ay naawkward na ako na makatabi siya kasi mas kilala niya si Olliver kesa sa akin at nakasama na niya nang matagal.

“Uhmm Maxine. Pwede ko bang malaman kung bakit kayo nagbreak ni O-“ hindi ko na tinuloy pa ang pagbanggit sa pangalan ni Oliver at mukhang mali din na tanongin ang reason ng break-up nilang dalawa.

“Huwag mo nang sagotin, Sorry, iniivade ko ang privacy niyo.” agad ko din na bawi sa sinabi ko sa kanya at nginitian lang naman ako ni Maxine, bakit ba parati siyang ngumingiti sa akin, masyado siyang mabait kasi naman yung iba na ex-girlfriend nananampal pag nalaman nilang may bago yung ex-boyfriend nila.

100's Part III [Trilogy] 100 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon