Rain’s POV
Second week na ngayon ng February and for this week, may mga pakulo na naman ang University for Valentines Day na magaganap nga sa Wednesday at sa Friday naman ang Senior ball naming mga senior high school student na hiwalay sa prom ng mga junior high school.
“Dedication booth po with harana and rose for only 100 pesos!” aya sa amin ng college students bungad pa lang sa main gate, may mga booth kasi silang pina-patayo for hearts week or Valentines Week.
“Sino naman ang maghaharana?” tanong ni Jhay sa babaeg nagpapakita sa amin ng flyer sa dedication booth nila.
“Ah yung mga Rhythm Band, sa katunayan nga niyan ang dami nang nagpalista sa amin, ano mag-aavail din kayo? Sila na din ang magbibigay sa inyo ng rose, at kung gusto mong makadate ang isa sa kanila, per member isang libo!” magaling din itong magsales talk, business add siguro siya.
“Sige magpapalista ako, gusto ko kapag sa time ng klasse namin ha, uhmm harana na lang, gusto kong magpakipot eh. Ate alas dos ng hapon sa may second floor ng higshchool tabi ng locker area.” instruct ni Jhay sa college student at ibinigay na din niya ang 100 pesos niya, nagsasayang lang siya ng pera.
“Tara na Jhay! Naasiwa na ako sa mga nakikita ko, ang kokorny, hindi naman ganyan ang hugis ng puso ha, nasaan yung mga ugat niyan at yung tubo! Hays! Parang hindi sila nag-aral ng the parts of heart noong Grade 6!” reklamo ni Mia na siyang nangu-ngunang naglakad papasok sa University.
“Dati-dati gustong-gusto mo ang week na ‘to, anyare?” tanong ko kay Mia na nilingon ako at tinaasan ng kilay.
“It’s because wala siyang kadate this Valentines! Anong feeling ng single na walang kadate ano? Edi naintindihan mo din kami ni Jhay kung bakit kami bitter pagdating sa week na ‘to!” sagot sa akin ni Lala at hindi din nakaimik si Mia at nagsisigaw na lang siya sa daan na walang forever. Siniko ko naman si Kenji na nasa tabi ko at napatingin naman siya sa akin at tinuro ko naman si Lala gamit ang labi ko.
“Hindi mo ba siya yayayain?” bulong ko kay Kenji at nginitian lang niya ako at yumuko naman siya onti para maabot niya ang tenga ko.
“Papayag kaya siya?” tanong sa akin ni Kenji at napansin ko naman ang tingin ni Xander sa amin, ano na naman ba ang iniisip niya hindi naman si Red ang kausap ko.
“Oo papayag yun, ano itutuloy na ulit ba namin ni Jhay ang plano natin noon?” tanong ko kay Kenji at bigla na lang naputol ang usapan namin nang sumingit si Xander.
“Ano ba Xander nag-uusap kami.” irritableng sabi ko sa kanya at tinignan naman kami ng mga kaibigan namin.
“Easy lang pinsan! Hindi yan si Red.” pagtitigil ni Jace sa tinginan ni Xander at Kenji.
“What happened?” tanong naman ni Lala sa akin at napatingin na lang din ako kay Xander na unang umalis palayo sa amin.
“Pumasok na lang tayo, may announcement ang home room adviser natin ngayong umaga.” paalala sa amin ni Mika at naglakad na din kami papasok ng building at bumungad sa amin ang mga students na nagdedesign sa hallway para sa hearts week.
“Oi Lala anong sabi ni Tita Steph sa susuotin natin sa Senior ball? Kelan ang fitting day? Alam mo excited na tuloy akong maglakad sa red carpet, I’m sure pag-uusapan na naman nila ang design ng Mommy mo.” banggit naman ni Jhay sa mga gowns and tuxedo na susuotin namin sa Friday at paniguradong si Lala na naman ang makukuha para sa best gown.
“I know! And dumaan kanina ako sa boutique at nakita ko na ang mga damit natin at papunta na sila sa last touch! Yung mga damit ng lalaki baka matatapos na bukas but I told my Mom to had the last touch para perfect ang susuotin, I think sa Wednesday na lang kukunin after natin pumunta kina Tito.” paliwanag ni Lala sa amin at pumasok na din kami sa room at wala pa ang adviser namin ngayon. Naupo naman ako sa tabi ni Jhay at nakiupo din naman si Mia sa isang vacant seat sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
100's Part III [Trilogy] 100 Days With You
Teen FictionDumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang makita si kuneho sa personal at excited na ako sa mga susunod pang mga na araw makakabanggaan kami sa university. Another year, another story, another chapter and another ending. -Ulan Imposibleng mai...