Rain's POV
Hanggang ng naglalaro pa din sa tenga ko ang mga narinig ko mula kay Dianne at kitang-kita ko pa din sa ala-ala ko ang nangyari sa locker area. Hindi ko sukat akalain ang malalaman ko, ni hindi pumasok sa isipan ko na magkapatid sila and worst magkakambal pa. Kinumpare ko si Dianne at Red, tama hindi ko masasabi na magkakambal sila sa isang tingin lang dahil sa hindi sila magkamukha pero, yung mga mata ni Dianne at Red ay magkapareho. At kung ibabase ang ugali ng dalawang magkapatid, ang layo ng personalities nila sa isa't isa, kung ang isa sa kanila ang sumira sa akin at nagpahirap ang isa naman ang tumulong sa akin na bumangon. Kaya hindi ko lubos matanggap ang nalaman ko at maging ang mga kaibigan ko ay nadisappoint sa akin dahil nakipagkaibigan ako sa kakambal ng matagal na namin kaaway. Napatingin na lang ako sa cellphone kong nakapatong sa maliit kong table sa gilid kama ko at isang missed call na naman ang natanggap ko mula sa kaibigan ko at nakita ko naman ang invitation na inabot ni Dianne sa akin kahapon at ngayon ang birthday ni Red at ni Dianne.
"Rain!" dinig kong tawag sa may pintuan kung saan ako ngayon nakaharap at nakita ko naman si Ate Hannah na nakatayo sa gilid ng pintuan ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko at naupo naman si Ate Hannah sa gilid ng kama ko at inabot niya ang invitation na nakapatong sa table ko.
"Hindi ka ba pupunta? Wala ka pang damit and mask na gagamitin." tanong sa akin ni Ate Hannah at tahimik ko namang niyakap ang tuhod ko at niyuko ang ulo ko.
"Bakit dahil kapatid siya ng taong nang bully sayo sa school o dahil anak siya ng taong pumatay sa parents mo?" tanong ulit sa akin ni Ate Hannah at masakit iyon malaman at pakinggan, nanatili na lamang akong tahimik sa tabi niya at aalis din naman siya kapag hindi ko siya inimik.
"Paano kapag hindi siya anak ni Attorney Reyes at kapatid ni Dianne, pupunta ka ba sa birthday niya?" tanong sa akin ni Ate Hannah at tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Dahil gusto mo siya, tama ba?" tanong niya ulit sa akin at nanatilli lang akong nakayuko sa tanong na 'yon.
"Paano naman kapag anak siya ni Attorney Reyes at kapatid siya ni Dianne? Pupunta ka ba sa party niya?" tanong sa akin ni Ate Hannah at umiling naman ako sa kanya.
"Dahil anak siya ng pumatay sa parents mo at kakambal niya ang nagpahirap sayo tama ba?" tanong niya sa akin at tahimik naman akong tumango sa kanya.
"Magkaibang tanong syempre magkaiba din ang sagot. Pero alam kung anong pareho? Yun yung birthday ni Kuneho na matagal mo nang kaexchange letter na gusto mo. Bakit hindi ka pumunta sa birthday ni kuneho?" tanong sa akin ni Ate Hannah at nahiga na lang ako sa kama ko dahil nawawalan talaga ako ng gana ngayong araw.
"Magbreakfast ka muna bago ka mag-emote kung ayaw mong maubusan na naman ng ulam, nasa baba ang mga kaibigan mo at hindi mo daw sinasagot ang mga tawag nila kaya pumunta sila dito. Tsaka may balak ata silang magparty dito, ang dami nilang dala." banggit sa akin ni Ate Hannah sa mga kaibigan ko na ikina-irritable ko, bakit ba sila nandito ngayon, alam nilang wala ako sa mood dahil sa nangyari. Bumangod ulit ako sa kama ko at hinintay naman ako ni Ate Hannah sa labas ng pintuan ko para sabay na kaming bumaba.
"Rain, pumunta ka na sa birthday ni kuneho." nakangiting utos sa akin ni Ate Hannah pero hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lang siya at nauna nang maglakad sa hagdanan.
"Oh buti naman bumangod ka na Ulan!" pansin sa akin ni Jhay na nakasuot ngayon ng swimming trunks at si Mia naman ay may dalang beach ball, anong eksena ng mga 'to.
"Anong trip niyo?" tanong ko sa kanila at napatingin naman ako sa sala namin na sobrang gulo dahil sa mga dala nilang gamit at may balak pa ata silang mag-overnight na naman dito at uminom dahil may bitbit si Xander ng isang case alak.
BINABASA MO ANG
100's Part III [Trilogy] 100 Days With You
Novela JuvenilDumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang makita si kuneho sa personal at excited na ako sa mga susunod pang mga na araw makakabanggaan kami sa university. Another year, another story, another chapter and another ending. -Ulan Imposibleng mai...