D-69

7 2 0
                                    

Red's POV

6,840 days

January 27, 2018

"Red!" sigaw ni Daddy nang makapasok ako ng bahay namin at dinig din yun ng mga bisitang nasa loob pero nilampasan ko lang si Daddy habang buhat ko si Rain paakyat ng hagdanan namin.

"Ako na ang kakausap sa kanya Tito!" dinig kong sabi ni Ate Eunice sa baba na siyang sumunod din sa akin at binuksan din niya ang kwarto ni Dianne na sobrang kalat sa loob at nandon pa ng ginamit nilang pang make-up sa kaniya.

"Anong nangyari? Huh? Late ka na nga sa party mo tapos may dala ka pang lasing." tanong sa akin ni Ate Eunice at nilapag ko na din sa kama si Rain at kinumutan ito.

"Wala akong pakialam sa party Ate Eunice! Alam mo namang hindi ngayon ang birthday ko." sagot ko sa kanya at pinulot ko naman ang mga nakalat na damit ni Dianne sa loob at tinambak ito sa closet niya.

"Kuya what happened?" sigaw na tanong ng kapatid ko at napatingin naman ako sa kanya sa may pintuan suot ang dress at mask niya.

"Whose this girl, bakit siya nandito sa kwarto ko?" tanong ni Dianne at lumapit naman siya sa kama niya para makita kung sino ang natutulog na agad ko din naman hinarangan dahil baka kung anong gawin niya kay Rain.

"Rain? Why? Bakit siya nandito? At amoy alak pa Kuya!" reklamo ni Dianne sa akin at pinat ko naman ang ulo niya at ngumiti.

"Sabihin mo sa handler mo na alisin na ang mga gamit nila dito sa loob and doon ka muna sa guest room matulog." ngiting bilin ko sa kapatid ko at pinahinaan ko din ang aircon sa kwarto niya at kumuha ako ng jacket at pajama sa loob ng closet ni Dianne.

"Pahiram muna ito Dianne, palitan ko na lang ng bago." paalam ko sa kapatid ko na humarang sa akin papunta kay Dianne.

"Gosh Kuya! Anong nangyayari sayo? Late ka na sa party tapos dinala mo pa sa kwarto ko si Rain! At papahiramin mo pa siya ng damit ko?" tanong sa akin ng kapatid ko at nginitian ko lang siya at tinulak pagilid sa daraanan ko.

"Ate Eunice, paki palitan naman ang damit niya, baka magkasakit siya. Kukuha lang ako ng basang bimpo sa baba." pakiusap ko kay Ate Eunice na inabot ang damit ni Dianne at tyaska ako lumabas ng kwarto ng kapatid ko para makakuha ako ng malinis na bimpo at naramdaman ko naman ang pagsunod ng kapatid ko.

"I'm sorry Dianne, I ruined your party." paghingi ko ng paumanhin sa kapatid ko at nakita ko naman sa kama ko ang sinukat naming damit ni Dianne kahapon.

"I thought galit si Rain sayo and hindi siya pupunta sa party natin, why she's here huh?" tanong ng kapatid ko at maging ako ay wala din akong kaide-ideya kung bakit nandito si Rain at hinatid pa siya ni Attorney Tolentino.

"I know she's drunk kaya siya pumunta dito, huwag ka ng umasa Kuya na may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit siya nandito. By the way the party will end at midnight, sinasabi ko lang baka may balak kang magpakita sa mga kaibigan mo sa baba." paalala sa akin ni Dianne at umalis na din siya sa kwarto ko. Siguro nga lasing talaga si Rain kaya siya nandito.

x-x

***

Rain's POV

"Ahh!" napahawak na lamang ako sa ulo ko nang mahulog ako sa kamang tinutulugan ko at ramdam ko na ang epekto ng sobrang pag-inom ng alak. Pinilit ko naman bumangon sa pagkakahulog at pikit matang bumalik sa higaan ko na napakalawak, teka hindi naman malawak ang kama ko ah. Minulat ko ang mata ko at ang nakatayong si Dianne agad ang nakita ko.

"Well mabuti naman at gising ka na." bungad niya sa akin at napahawak naman ulit ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.

"Wala ako sa mood ngayon Dianne, mamaya ka na lang bumalik." pikit matang sagot ko sa kanya at hindi naman ako nakarinig ng reklamo sa kanya, baka guni-guni ko lang 'yon at epekto ng alak na ininom ako kahapon. Minulat ko ulit ang mata ko at nandon pa din naman si Dianne at nakataas ngayon ang kilay niyang nakatingin sa akin, hindi ba siya nakakaintindi?

100's Part III [Trilogy] 100 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon