D-48 (1)

1 0 0
                                    

Rain's POV

Matapos kinuha si Oliver ng mga pulis agad namang natigil ang ball namin at ininstruct kaming umuwi na dahil sa nangyari at ang bilis nagkaroon ng mga bulong-bulungan tungkol sa akin at kay Oliver. Pinulot ko na lang ang naiwan niyang white rose at letter sa may sahig na sana'y ibibigay niya ng personal.

"Rain! Ayos ka lang?" dinig kong tanong at tumingala naman ako para tignan kung sino ang nagsalita, si Ate Hannah pala at nakabihis siya ngayon.

"Uhmmm, wala namang nangyari sa akin na masama Ate Hannah." sagot ko sa kanya at nagsilapit din ang mga kaibigan ko para makialam kung anong nangyari.

"Bakit hinuli si Red? At bakit may baril pa siya?" tanong ni Mia sa akin at hindi ko din alam ang sagot sa tanong na 'yon.

"Umuwi muna kayo sa bahay niyo at iuupdate ko na lang kayo sa nangyari. Pupuntahan ko pa si Red sa presinto ngayon bilang abogado niya. Rain halika na ihahatid na muna kita sa bahay bago ko puntahan si Red." aya sa akin ni Ate Hannah at inabot naman sa akin ni Xander ang purse ko na naiwan sa table namin.

"Sasamahan ko muna si Rain sa bahay niyo Ate Hannah." volunteer ni Xander at maging si Gummy worm at Jace ay nagsabi na doon muna sila sa bahay namin habang inaasikaso ni Ate Hannah ang kaso ni Red.

"Sige, Rain may tao din sa bahay ngayon, doon muna siya tutuloy sa atin, pakisamahan niyo na lang siya." tugon ni Ate Hannah at naglakad na din kami palabas ng building at hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari.

***

Matapos akong ihatid ni Ate Hannah dito sa bahay, si Kenji muna ang sumama sa akin sa loob habang kumuha naman ng damit ang tatlo na sasama sa akin ngayon gabi at maging si Kenji at dito din muna habang hindi pa sigurado ang safety ko. Pagkadating ko sa may sala ng bahay namin, may nakita akong bulto ng tao at dalawang malalaking maleta sa may gilid ng sofa, naging pamilyar din sa akin ang naging mood niya sa loob ng bahay namin kaya nilapitan ko 'to.

"Dianne?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa may sofa ay napatingin naman siya sa akin at halatang umiyak ito dahil nasira ang make-up niya.

"Hindi ako pumunta dito para makipag-away. I need protection right now, lalo na't wala si Kuya sa bahay." matamlay niyang sagot niya sa akin at naupo naman ako sa kabilang sofa at napansin ko naman ang mga papers sa may glass table sa harapan namin ni Dianne at nakita ko ang pangalan ng mga magulang ko at mga sketches.

"Bakit 'to?" tanong ko kay Dianne at hinawakan ko din ang isang sketch kung saan nangyari ang accident ng parents ko malapit sa University. Inabotan naman ako ni Kenji ng isang basong tubig na kailangan ko ngayon dahil halos masira na ang utak ko kakaisip sa kung anong nangyayari sa paligid ko at nainvolve dito ang kaso ng parents ko.

"It's my Dad who told to the police na may baril si Kuya. But I and Ate Eunice reassured na peke ang baril na ibinigay namin sa kanya para sa costume niya sa ball pero nagulat na lang ako nang may pulis na dumating sa bahay namin at narinig ko na ipapahuli si Kuya so I ran to my Kuya's room to pick-up the evidences na ilalaban kay Daddy para sa case ng parents mo." paliwanag ni Dianne sa akin at halos mapahawak ako sa sintido ko sa pagkahilo, ang ibig bang sabihin nito sarili niyang Tatay ang nagpakulong sa anak niya.

"Are you sure na peke ang baril?" tanong ni Kenji kay Dianne at tumango naman siya bilang sagot at ipinakita naman niya ang phone niya kung saan nandoon ang sketch ng damit ni Oliver na suot niya kanina.

"And I think alam na ni Daddy ang ginagawa ni Kuya at Ate Eunice na pag-invistigate sa case ng parents mo kaya niya sinet-up sina Kuya para tumahimik sila sa pagkuha ng evidence against kay Daddy." dagdag ni Dianne sa akin at napabitaw naman ako sa hawak kong sketches.

100's Part III [Trilogy] 100 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon