From: ~.walang_forever.~
5:01 p.m, April 10, 2018
(Tuesday)"Teka saan mo ako dadalhin?" tanong ko kay Oliver matapos niya akong hilahin paalis sa mga kaibigan ko at napansin ko naman ang daan na papunta ito sa tamabayan ng mga kaibigan ko.
"Basta!" sagot lang sa akin ni Oliver at tinulungan naman niya akong makalusot sa alambre papunta sa likod ng University. At tanaw ko na sa may lilim ng manga ang picnic mat at mga gamit doon.
"May pasurprise ka pang nalalaman ha!" tukso ko sa kanya at hinawakan niya lang ang kamay ko at inalalayan ako papunta sa may burol.
"Ta da! Congrats Olivia!" banggit niya sa akin at nakita ko naman sa picnic mat ang mga pagkain na paborito ko at isang maliit na box pahaba ang dinampot ni Oliver sa may picnic mat at humarap naman siya sa akin. Ano ba yan! Ang lame naman ng graduation gift niya sa akin parang yung nakikita ko lang sa movie! Alam ko kwintas ang laman niyan.
"Buksan mo!" nakangiting sabi sa akin ni Oliver at inabot niya ang pahabang box na hawak niya sa akin, kahit hindi ko naman buksan alam kong kwintas yan eh!
"Nagustuhan mo?" tanong sa akin ni Oliver matapos kong buksan ang box at ang laman ay isang white crayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
"Only artist know how white color is important in arts. Kaya ko ibinigay yan sayo dahil ako lang ang may alam kung gaano ka kaimportante sa akin." paliwanag ni Oliver sa akin at hindi ko mapigilan ang mapangiti sa harapan niya. Simple but meaningful gift.
"Eh yung akin?" tanong niya sa akin at kinuha ko naman sa may bulsa ng toga namin ang isang maliit na bote na may mga lamang roll paper at inabot ko naman ito kay Oliver.
"Ito ba yung mga lyrics na nakabisado mo sa kantang pinatugtog ni Ma'am Martin tuwing may exam?" tuksong tanong niya sa akin at pinukpok ko naman ang noo niya gamit ang white color na ibinigay niya sa akin.
"97 papers yan. 97 reason kung bakit uhmm... gusto kita + more!" hindi diretsyong banggit ko kay Oliver yung salitang I love you, nakakahiya kaya! Ang korny!
"Ha? Hindi ba't 100 dapat 'to?" takang tanong sa akin ni Oliver.
"Asan yung tatlo?" dagdag niya at napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman ang 3 reasons na natitira para makompleto yung isang daang dahilan." pag-aamin ko sa kanya at tumingin naman ako sa kanya.
"First, I love you as walang forever. Second, I love you xBunnyx1227999. And lastly, I love you Oliver." nakangiting sambit ko sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Oliver.
I love him more than the 100 reasons I write or more than million reasons that will exist sooner while we are cherishing each other's love.
~.~
***
From: xBunnyx1227999
5:21 p.m, April 10, 2018
(Tuesday)"I love you too as Bunny. I love you too walang forever. And I love you too Olivia." sagot ko kay Olivia at napahawak naman ako sa pisngi niya at dahan-dahang lumapit sa mukha niya at napatingin naman ako sa likuran ni Olivia at nakita ang mga kaibigan niyang tumatakbo palapit sa amin.
"What?" takang tanong sa akin ni Olivia at napalingon naman siya sa tinitignan ko ngayon.
"Hoy Red! Huwag mong hahawakan si Ulan!"
"Manligaw ka muna!"
"Bakit ba umeepal sila palagi sa eksena. Hays!" reklamo ni Olivia at hinawakan ko naman ang kamay niya at inalalayan siyang makababa sa kabilang bahagi ng burol at nandoon ang bike ko na naghihintay sa mga emergency case gaya nito.
"Sinadya ko talagang dalhin ang bike ko dahil alam kong mangyayari ulit 'to." paliwanag ko kay Olivia at inangkas ko na din siya sa harapan ng bike ko.
"Tinatakas na niya si Ulan!"
"Red!"
"Ulan!"
Masaya ako na kasama siya mula sa hamon ng buhay ko at masaya ako na tinanggap niya ako sa buhay niya. Ako na naniniwala na may forever ay natagpuan ang isang bitter na babae na nagtatago sa pangalang ~.walang_forever.~ na mamahalin ko ng buong puso hanggang sa matumbasan ko ang mga naging rason ko na huwag siyang mahalin.
I love her with no reasons.
x-x
The End
BINABASA MO ANG
100's Part III [Trilogy] 100 Days With You
Teen FictionDumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang makita si kuneho sa personal at excited na ako sa mga susunod pang mga na araw makakabanggaan kami sa university. Another year, another story, another chapter and another ending. -Ulan Imposibleng mai...