Humarap ako sa salamin habang sinusukat ang bagong bili kong dress.
Perfect!
Bukas na ang paskuhan, syempre dapat maganda ako. Ako pa naman ang date ni Aziel.
"OMG!" I giggled. Tumalon ako sa kama ni Marga dahil sa sobrang kilig ko.
"Aray!"
"Ouch!"
Napaupo ako nang mauntog ako sa ulo ni Margarette.
"Aray ko! Ano bang ginagawa mo at tumatalon ka bigla bigla!?" Inis na tanong nito habang hinihimas ang ulo nito.
I smiled widely nang maalala ko ulit si Aziel.
"Paskuhan na kasi bukas!" Masayang sagot ko sa kanya.
"Naku, naku! Ayan ka nanaman sa Azielytis mo!" Sabi nito habang naniningkit ang mga mata.
"Eh bakit naman kasi nasa ilalim ka ng kumot mo? Malay ko bang andyan ka." I rolled my eyes. Kasalanan ko bang akala ko nasa galaan siya!
"Hindi raw kasi makakapunta si Raphael sa paskuhan bukas eh." Malungkot na sabi nito.
"Bakit daw?" I asked.
"May date daw kasi siya!" Naiiyak na sabi nito.
Tsk, tsk. Nakahanap nga ng katapat.
Niyakap ko na lamang siya habang umiiyak ito.
"Ngayon na nga lang ako magmamahal, ganito pa." Umiiyak na sabi niya.
That's how love works, its meant to teach us lessons in different ways.
Katatapos ko lang maligo nang pumasok ako sa loob ng kwarto namin.
Excited akong nag-ayos dahil ngayon ang celebration ng paskuhan.
I checked my phone first nang makaupo ako sa tapat ng vanity namin. Mayroon akong isang message mula kay Aziel.
Aziel❤️
I'm still on duty. See you later. Ingat ka.❤️
"Ahh!" Kinikilig na sigaw ko at tumalon sa kama habang pinapadyak ang mga paa ko. Bakit may pa-heart pa! Gosh!
"Mingming! Magde-date kami ng papa mo!" Parang tangang sabi ko sa stuffed toy na pusang binigay niya sa akin.
After a few moments of 'kilig' ay tumayo na ako at umupo sa tapat ng vanity mirror namin. Nagsimula na akong mag-ayos dahil kailangan maganda ako, syempre!
Naglagay ako ng very light pink na eyeshadow para kunwari soft girl. Charot! Pagkatapos ay nagmascara lang ako at cheektint at lipstick na light red. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko kasi pasko naman. Syempre walang connect yun.
Matapos ko mag-ayos ay muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon.
Mabuti na lang at bumagay ang turtle neck na puti na suot ko sa ilalim ng red fitted gingham dress. At syempre ang biniling white shoes sa akin ni Nikki. Casual look.
BINABASA MO ANG
Hug Me Tight
RomanceAshley is a graduating physical therapy student at University of Sto. Tomas. Her parents died when she was 15 years old by someone named 'Roque'. But after 6 years the culprit for the murder of her parents came back. This pushes Ashley to find justi...