"Oh, Gio.." gulat akong napatingin kay Gio nang pagbuksan ko ito ng pintuan.
Binigyan niya ako ng isang ngiti nito bago mag-abot ng isang paper bag.
"Ano to?" Tanong ko sa kanya. Nagkunwari itong nagulat at inilagay ang kanang kamay niya sa tapat ng bibig niya.
"Oh my! Wala ka na bang mata?" He said sarcastically. He plastered a grin on his face.
"Hay!" I hissed. I rolled my eyes. Binuksan ko ang paper bag na inabot niya para tingnan ang laman nito.
"Gio," nakangiting sabi ko at pabebeng sinuntok siya sa dibdib. May laman itong chocolates at card.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ko nang makakita ako ng tatlong tali ng sampaguita.
"Ano to?" Tanong ko sa kanya at inilabas ito mula sa paper bag para ipakita sa kanya.
"Sampaguita. Gusto mo na bang magpacheck up tayo?" Pilosopong sagot nito sa akin at yumuko para makatapat niya ang mukha ko. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita.
"Alam kong sampaguita to pero—" natigilan ako nang bigla niya akong halikan sa labi.
"Happy monthsary," nakangiting sabi nito sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Sorry, masyado akong busy noong nakaraang araw." Paliwanag nito sa akin.
Binigyan ko siya ng isang ngiti bago ko ito yakapin nang mahigpit.
Napahiyaw ako nang bigla niya akong buhatin papasok sa loob ng bahay namin. Umupo ito sa sofa namin habang ako ay nakaupo sa lap niya.
"I missed you," bulong nito sa akin bago halikan ang pisngi ko.
"I missed you too." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Nasaan sila?" Tanong niya nang mapansin niyang walang maingay sa loob ng bahay.
"Umuwi sila sa family nila eh," malungkot na sabi ko at pinaglaruan ang mga daliri ko para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. Christmas season nanaman kasi.
Napatingin ako sa mata niya nang hawakan niya ako sa baba at itinapat ang mukha ko sa kanya.
"Should we celebrate our Christmas together?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Mabilis akong napangiti at tumango sa kanya. Inilapit niya muli sa akin ang labi niya at hinalikan akong muli.
It was a passionate kiss.
OH MY GOD!
Agad kong natulak si Gio at tumayo papuntang kusina nang makaamoy ako ng sunog.
"Putangina." Bulong ko sa sarili ko nang makita kong nasunog na ang gilid ng sinaing ko.
"Ayan puro kasi kalandian." Natatawang sabi ni Gio habang naglalakad papalapit sa akin. Inirapan ko siya.
"Ikaw kaya ang nanglalandi sa akin!" Sagot ko sa kanya bago siya inirapan at nagsimulang maghain ng pagkakainan namin.
Tinawanan naman niya ako. Niyakap niya ako mula sa likod at ibinalot niya sa akin ang jacket niya.
BINABASA MO ANG
Hug Me Tight
RomanceAshley is a graduating physical therapy student at University of Sto. Tomas. Her parents died when she was 15 years old by someone named 'Roque'. But after 6 years the culprit for the murder of her parents came back. This pushes Ashley to find justi...