Punong puno ng tao at ingay sa loob ng club pagkapasok ko dito. Halos maduling ako kakahanap sa table nila.
Nang makita ko kung saan sila nakaupo ay naglakad na ako papalapit sa kanila.
"Wow." Nasabi ko sa sarili ko nang makita ko kung gaano kadaming alak ang inorder nila.
Gusto kong mahimatay dahil sobrang mahal dito.
"Tangina mo! Alam mo bang 30 thousand minimum order ang reservation ng table diba!?" Bulong ko kay Marga nang makaupo ako sa tabi niya.
"Duh, of course! Ako kaya ang nagpareserve dito."
Parang wala lang sa kanya ang perang ginastos niya sa paraan ng pagkakasabi nito. Kapag naubusan 'to ng allowance mabubuhay talaga kami nang walang kuryente!
"Chill Ash, hati naman kami ng gastusin dito ni Marga. Just enjoy your day it okay? Minsan lang naman eh." Dagdag naman ni kuya Clayton at binigyan ako ng isang tapik sa balikat.
"Shot ka muna!" Nagulat ako nang abutan ako ni Nikki ng isang baso ng alak.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Malamang makikicelebrate ikaw lang may karapatan maging masaya teh?" Pagtataray niya sa akin.
"Paano si Agatha?" Tanong ko sa kanya.
"Don't worry iniwan niya muna sa mommy niya," paliwanag ni Marga at binigyan ako ng 'okay' sign.
"Nasaan pala ang mga kaibigan mo?" Tanong ni kuya Clayton.
"Ashley!" Napatingin ako sa likod niya nang marinig ko ang boses ni Orion.
Magkakasabay silang lumakad papunta sa amin.
Napansin ko namang napatingin sa kanila ang ilang mga babae at baklang andito.
"Baka magpustahan nanaman kayo ha," natatawang sabi ko sa kanila nang makaupo sila.
"Syempre hindi mawawala yun," Nakangiting sabi ni Raphael at inakbayan si Orion.
"Pero may twist," dagdag pa niya.
"Kasama ng talo si Orion sa paggawa ng dare." Nakangiting sabi ni Prince.
"Game kami dyan!" Narinig kong sigaw ni Nikki habang hatak hatak si kuya Clayton.
"Me too!" Sagot naman ni Marg.
Napalingon naman kami kay Gio at Aziel.
"Ayos lang," sabi ni Aziel at ngumiti.
"Ayoko na nakakatamad." Sabi ni Gio bago uminom ng alak.
Ang KJ naman ng isang ito!
"Sumali ka na! Celebration ko naman eh!" Pagpupumilit ko kay Gio. Tiningnan naman ako nito bago tumango.
"Yown!" Sigaw ni Raphael nang makumpleto na kami.
"Ganto ang pustahan, kung ilang babae ang lalapit sa akin hanggang mamayang 1 am," paliwanag ni Prince sa amin.
"Kapag isa o dalawa lang ang difference sa exact na number ng babae, panalo na sa pustahan." Dugtong pa niya.
Tumango naman kami nang matapos niyang ibigay sa amin ang instruction at nagsimula nang magbigay ng bet naming number.
BINABASA MO ANG
Hug Me Tight
RomanceAshley is a graduating physical therapy student at University of Sto. Tomas. Her parents died when she was 15 years old by someone named 'Roque'. But after 6 years the culprit for the murder of her parents came back. This pushes Ashley to find justi...