"Hala? Bakit hindi mabuksan?" Bulong habang pinipihit ang doorknob ng pintuan ng apartment namin.
"Nikki, Margarette!" I shouted while knocking the door.
Gumagana naman ang susi ko. Wala rin naman kaming lock sa loob pero ayaw mabuksan, ang pagkakaalam ko hindi kami nagpakabit ng lock sa loob eh.
"Huwag mong pagbubuksan yan!" Narinig kong sigaw ni Nikki mula sa loob.
"Nikki!" Sigaw ko at muling kinalampag ang pintuan. She's inside!
Bakit naman ayaw niya akong pagbuksan.
"Huwag ka nang umuwi kahit kailan! Sa kalsada ka na matulog!" Narinig ko pang sabi nito.
"Hehe, sorry na teh, buksan mo na 'to." Sabi ko pa sa kanya.
Narinig ko naman ang pagbukas ng lock mula sa loob.
"Saan ka galing nanaman ba?! Kita mo nang may gustong pumatay sayo tapos kung saan saan ka pa nagpupunta?!" Bulyaw nito sa akin.
Nginitian ko naman siya bago magsalita. She loves me so much.
"Nag-overnight lang ako dyan sa kapitbahay," I giggled.
"Kaya naman pala. Nako kung alam mo lang, ginising pa ako nang napakaaga ni Nikki para ipakabit yang lock ng pintuan niyo." Narinig kong sabi ni kuya Clayton.
"Hindi ba uso sayo ang magpaalam?! Kinakain mo ba yang cellphone mo at hindi ka manlang sumasagot sa mga text at tawag namin!" Patuloy na sermon nito.
Kumakain ng cellphone?
"Sorry na teh, may pasalubong ako," sabi ko sa kanya at inabot ang plastic bag ng mugo mugo.
Nakita ko siyang umirap sa akin bago ngumiti at kunin ang plastic bag sa kamay ko.
"Kamusta naman? Hindi ka na ba virgin?" She asked calmly. Uminom ito mula sa mugo mugo niya.
"Be, grabe ka naman hindi ba kami pwedeng matulog lang?" Tanong ko sa kanya bago umupo sa couch.
"Wow," comment ni kuya Clayton bago tumawa.
"Teh ano ka nasa 90's? Walang babae at lalaking nag i-stay sa iisang bahay nang walang nangyayari!" paliwanag ni Marga sa akin.
"Paano yung mga magkapatid?" Tanong ko sa kanila.
"Boba!" Sinabunutan ako ni Nikki.
"Aray teh," reklamo ko sa kanya.
"Malamang except sa ganon. Kung di ka ba namang gagong bata ka," stressed na sabi nito sa akin.
"Pero totoo nga?" Pagkumpirma ni Marga.
"Oo, actually we kissed, pero I felt uneasy kaya sabi ko sa kanya na matulog na lang kami." Paliwanag ko sa kanya. Marga gasped.
Natahimik sila nang ilang sandali.
"Mahal mo ba talaga si Aziel?" Nagulat ako sa tanong ni Marga sa akin.
"Oo!" walang pag-aalinlangang sagot ko sa kanya. There's a feeling I get whenever I see him parin naman!
BINABASA MO ANG
Hug Me Tight
RomanceAshley is a graduating physical therapy student at University of Sto. Tomas. Her parents died when she was 15 years old by someone named 'Roque'. But after 6 years the culprit for the murder of her parents came back. This pushes Ashley to find justi...