"Ash,"
"Hmm?" I opened my eyes slightly.
"Favor, pabantay naman kay Agatha. Mag-aapply kasi ako." Tiningnan ko si Nikki. Nakaayos na ito ng mukha at nakapagbihis na.
Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Tumango ako sa kanya bilang sagot bago tumingin sa orasan. Alas otso palang pala ng umaga.
"Salamat, ikaw muna ang bahala sa kanya ah. Tulog pa naman yun ngayon. Sige na, aalis na ako." Paalam nito bago lumabas ng kwarto ko.
Nag-unat ako ng braso at muling humikab bago bumababa ng kama ko. Napuyat ako kagabi kakaisip kung sino ba talaga si Roque dahil baka may madamay nanamang kaibigan ko. Sinubukan kong hanapin lahat ng mga naging kaibigan ni mama noong nag-aaral pa ito dahil baka may nakakakilala kay Roque.
Inisip ko na rin lahat ng clues na binigay niya sa amin pero wala akong makitang lead dahil unang una ay hindi ko pa nakikita ang mukha nito at pangalawa ay childhood friend or sweetheart ata ito ni mama. Kung pwede lang ako magtime travel ay ginawa ko na.
"Ay putangina!" Muntik na akong madulas sa gulat nang maabutan kong nasa kusina namin si Gio at kumakain ng hotdog. I immediately arched my eyebrow and gave him an asking look.
"Anong ginagawa mo dito wala ka bang pasok?" Pagtataray ko sa kanya at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.
"Meron, pero mamaya pa naman. Nagutom kasi ako," sagot nito sa akin habang ngumunguya.
"Bakit itinakwil ka na ba ng mga magulang mo at naghihirap ka na? Wala ka na bang pangkain?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Tsk, ang aga aga ang sungit mo, meron ka ba?" Tanong nito sa akin.
"Bakit i-sponsoran mo ba ako ng napkin kung meron ako?"
"Hindi, pero at least alam ko kung kailan tayo pwede gumawa ng baby. BOOM! Biology!" Mayabang na sabi nito sa akin na akala niya ay ito na ang pinakamatalinong bagay na sinabi niya.
Pinukpok ko sa ulo niya ang kutsaritang ginamit ko sa kape bago umupo sa tabi niya.
"Aray naman!" Sigaw nito sa akin.
"Wag kang maingay baka magising si Agatha," saway ko sa kanya. Itinikom naman nito ang bibig nito at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
"Alam mo naisip ko lang bakit ang sarap lagi ng pagkain dito sa bahay niyo,"
"Kasi magaling kaming magluto." Sagot ko sa kanya bago kumagat sa tinapay.
"Magkarinderya kaya tayo? Tapos ang pangalan Ashley and Gio eatery!" He said enthusiastically. Tumingin pa ito sa itaas na parang naiimagine niya ang karinderyang naisip niya. I scoffed.
"Muntik nang maging creative yung pangalang naisip mo ah," sarkastikong sabi ko sa kanya.
Magsasalita pa sana ito nang mapatingin kami kay Agatha na kalalabas lang sa kwarto nito.
"Baby come here!" Tawag ko sa kanya. Agad naman itong lumapit sa akin. Binuhat ko ito at pinaupo sa hita ko.
Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ito ng itlog bago ibigay kay Agatha.
"Hey princess! Do you want to go out?" Napatingin ako kay Gio nang bigla nitong kausapin si Agatha. Excited siyang tiningnan nito bago tumango.
BINABASA MO ANG
Hug Me Tight
RomanceAshley is a graduating physical therapy student at University of Sto. Tomas. Her parents died when she was 15 years old by someone named 'Roque'. But after 6 years the culprit for the murder of her parents came back. This pushes Ashley to find justi...