Prologue

45 4 1
                                    


Tahimik kong niligpit ang gamit ko ng magpaalam na ang Prof namin. Tinignan ko ang relo ko. Dadaan na muna ako sa apartment bago ako tumuloy sa part time job ko ngayong hapon.

Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas. Nadaanan ko ang room ni Hanna, mamaya pa pala ang uwian nila. Gusto ko sana siyang kasabay. Nagpaalam ako sakanya na aalis na. Nag thumbs up lang siya saken at ngumiti.

Napag pasyahan ko nalang na maglakad pauwi. Hindi naman masyadong malayo ang apartment ko. Napatingin ako sa kanto ng makita ko ang ayokong makita. Napairap nalang ako ng makita ko ang lalaking kinaiinisan ko.

"Walang bang ibang ginagawa ang isang to."

Nagulat ako ng sumulpot siya sa harap ko.

"Ano ba?!! Bat kaba nang gugulat?!" Sigaw ko.

"Uuwi kana? Sabay na tayo." Di ko nalang siya pinansin at nagdire diretso sa paglalakad.

"Samahan mo ako."

"Hoy samahan mo ako." Hindi ko padin siya pinapansin.

"Bat ba di-----

Parehas kaming napatigil ng makarinig kami ng babaeng sumisigaw. Nagkatinginan kami at sabay kaming pumunta doon. Nang malapit na kami ay pinigilan niya akong magtungo doon.

"Ako na ang titingin don." Ani niya. Pinabayaan ko siyang magtungo doon mag isa.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi padin siya nakakalabas sa bahay na pinasukan niya. Napag pasyahan ko nalang na pumasok doon. Bago ako pumasok tinignan ko muna ang paligid.

Napatakip ang ng bibig ng makakita ako ng dugo. Mas lalo akong nagulat ng makita ko ang babaeng sumisigaw kanina na duguan. May laslas ang leeg niya. Muntik na akong masuka sa nakikita ko. Lalabas na sana ako ng makarinig ako ng ingay. Nagulat ako ng makakita ako ng lalaking tumalsik.

Hindi na ako nakapagtago kaya naman nakita niya ako. Napatingin ako sa mga mata niya. Kulay pula? Sinubukan niyang tumayo. Naudlot ang pagtayo niya ng may mabilis na taong sumakal sakanya. Kasunod naman non ay may dumating pang isang lalaki. Mabilis ang kilos ng lalaking yon. Kung hindi ako nagkakamali ang lalaking sumakal sa lalaking tumalsik ay ang kasabay ko sa paglalakad kanina ang isa namang dumating ay ang kaklase ko?

Tinakpan ko ang bibig ko dahil muntik na akong mapasigaw ng baliin ni Oliver ang ulo nito gamit lamang ang mga kamay niya. Bigla namang pinatalsik ni Lucas ang katawan ng lalaking binalian ni Oliver ng ulo.  Nasanggi ko ang paso ng muntik na akong matumba.

Nangangatog ang tuhod ko sa takot. Naiiyak ako sa kaba. Ano ba tong nakikita ko? Napatingin si Lucas at Oliver sa gawi ko. Pati ang mga mata nila ay kulay pula. Nawala lang ang pagkaka kulay pula ng mata nila ng makita nila ako. Lalapit sana sila sakin ng lumayo ako.

"W-wag kang lalapit..." Nauutal kong sabi. Hindi sila nakinig at onti onti padin silang lumapit.

"I know your scared but kailangan nating umalis dito, Kheira. Baka abutan tayo ng mga kasama ng lalaking yan. Baka abutan din tayo ng mga pulis." Sabi ni Lucas at mabilis na lumapit sakin. Hindi ko na nagawang pumiglas pa dahil naka rinig na ako ng ingay mula sa labas.

Binuhat niya ako at chaka mabilis na tumakbo. Ilang minuto lang ang tinakbo niya ng makarating kami sa isang bakanteng lote malayo sa subdivision na tinutuluyan ko.

"Anong gagawin mo sakin?! Bat dito niyo ako dinala ha?!" Kinakabahang tanong ko sakanila. Muli akong natakot ng maalala ko ang nangyari kanina.

Onti onti na akong lumayo sakanila.

"Khei----Wag kayong lalapit sakin!" Pigil ko sakanila ng akmang lalapit sila. Napa buga naman si Oliver ng hangin.

"Bakit mo kasi dinala si Kheira doon. See, natakot siya." Sabi ni Lucas kay Oliver.

"Pahamak talaga ang bwesit na yon. Natakot tuloy kita" bulong niya. Lalapit sana siya ng pigilan ko siyang muli.

"Sabing wag kang lalapit eh! Sino kaba talaga? Ano kaba talaga? Ano kayo?" Tanong ko sakanila.

"Sasagutin ko ang mga tanong mo kung hindi kana matatakot samin. Look Kheira, im not a bad person. Im not what you think. Oo, kakaiba ako pero hindi ako masamang tao.---Hindi kayo tao." Putol ko. Bigla namang natawa si Oliver sa sinabi ko.

"Ano kayo? Bampira? Nakita ko may pangil kayo kanina! Kakainin niyo din ba ako?! Omyghad! Gusto ko pa mabuhay. Kaya niyo ba ako nilalapitan kasi gusto niyo yung dugo ko?! Iba nalang please. Wag ako! Marami pa ako-----

Natigil ako ng malakas na tumawa si Oliver. Sinamaan siya ni Lucas ng tingin.

"She's crazy." Sabi ni Oliver at pinag patuloy ang pagtawa niya.

"Sige tumawa ka hindi na kita pagtatrabahuhin sa convenient store, sasabihin ko---Hoy! Nag bibiro lang ako. Walang tanggalan." Putol niya sa pagsasalita ko.

"Yes, we're vampires." Napalingon ako kay Lucas ng magsalita siya. Bampira nga sila!! Wtf. I can't believe this.

"Ba---Mababait kaming bampira. Kung masama kami matagal kana naming sinaktan. Yung nakalaban namin kanina yun yung masama. Siya ang may gawa non sa babae kanina." Paliwanag ni Lucas.

"Diba iniinom niyo yung dugo ng tao? Tapos di din kayo pwede sa araw. Tapos di kayo kumakain diba? Baki---

"May tinuturok kami sa katawan namin para kahit maarawan kami hindi kami masunog. Yes, we drink human's blood." Sagot ni Oliver.

"Matagal niyo na akong nakakasama, bakit hindi niyo iniinom ang dugo ko?" Tanong ko.

Ngumisi naman si Oliver. "Bakit gusto mo? alika---HOY!! TEKA! NAGTATANONG LANG AKO!" Mas lalong natawa sakin si Oliver.

"We drink human's blood but not all the time. Tuwing bilog ang buwan chaka lang kami umiinom ng dugo ng tao dahil pag umiinom kami ng dugo ng tao tuwing kabilugan ng buwan mas lalo kaming lumalakas. Hindi din kami kumakain ng pagkain ng mga tao." Paliwanag ni Lucas. Kaya pala pag inaaya ko si Oliver kumain tumatanggi siya.

"Dugo ng hayop lang ang iniinom namen araw araw." Dagdag ni Oliver. Mag rereact sana ako ng magsalita muli si Oliver. "Hoy hindi ko ininom yung dugo ng pusa sa tapat ng bahay mo." Dagdag ni Oliver.

Napatango tango naman ako.

"Mapagkakatiwalaan mo na ba kami?" Tanong ni Lucas. Napa isip ako saglit.

Kung masama nga sila dapat matagal na nga nila akong sinaktan o kaya matagal na nilang sinipsip ang dugo ko. Tinignan ko silang muli.

Pasalin salin ang tingin ko sa dalawa.

"Oo na. May tiwala na ako."

Napangiti naman si Oliver sa sinabi ko samantalang ayon si Lucas walang reaksyon. Kahit kelan napaka ng lalaking to.

Beautiful Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon