Chapter 1

40 4 0
                                    

"They said, a good night out with good companions or sex could take my shits away, It didn't"

"Could somebody see me through my window?"

"Tears from the past made my feelings uncontrollable, FVCK"
______________________________________

Ynnah Villareal


"Ynnah? tingin mo kelan ko mami-meet yung the one ko?" Seryosong tanong ni Val habang nakasalumbaba at nakatukod ang magkabilang siko sa wooden table ng canteen.



"Siguro kung hindi mona iniisip kung kelan sya dadating?" sagot ko habang nagre-review sa Social Psychology. Ano ba 'tong babaeng to, parang walang exams na paparating.



"Eehhhhhh! Tigang na tigang nako, mag 3rd year college na tayo wala paring dumidilig sakin, gusto kona ng kayakap kahit hindi cuddle weather!" padabog nya. Natawa nalang ako sa sinabi nya habang focus sa nirereview. Palagi ka namang ganyan pero mamaya mag boy hunting kana naman.



"Mga lalaki kasi dito sa St. Claire College ang ga-gwapo nga may mga jowa naman tapos yung iba single nga puro palaka naman ang dina-disect, Ako nalang kasi, Search every part of my body! Ugh!" she added, may pa hawak pa sa bewang at ulo.

*Bzzz Bzzz* her phone snoozed.



"Ynnah!!!"

"Mag handa ka! diba tuesday na bukas? start na ng finals? tapos last day sa friday? Oh! sa sabado manlala-laki tayo" excited at may patalon-talon pa nyang sinabi.


"Whatever, basta ba tapos na finals" ewan koba kung bakit ako pumayag pero tapos nadin naman kasi final term exams that day, laban na para sa lalaki, Charot.

"Oh sasabihin kona sa mga kaibigan ko na may isasama ako sa party ha? wala nang bawian" Pinanlakihan ako ng mata at nilapit ang mukha sa akin.


"Oo nga! kelangan ko rin naman ng party life, basta uuwi tayo ng matino, diko pa nga alam kung papayag si mommy" pataray kong sinabi, wag ka muna mag saya Val, mahirap mabuhay sa conservative na family.


"Basta wag ka munang mag paalam, ako bahala" Sabay ngiti na parang may binabalak na masama.


"Hoy Valerie Fernandez, siguraduhin mong hindi ako mapapahamak sa gagawin mo ah?" Nag-aalala kong sinabi, 'tong babaeng to kakalbuhin kita kapag napagalitan ako ni mom at dad.


"Trust me, babe, I'll update you sa details" she pucker her lips sabay tayo sa pinag kakaupuan, kuha ng mga gamit at akmang aalis.


"Oh? sa'n ka?" Pagulat kong tanong habang nakatingala sa kanya, medyo matangkad din kasi tong babaeng to, maganda, morena beauty pero boy repellant.


"Sa may waiting shed near the gate aabangan ko si Bryle, yung senior nating papi?" sabay kagat sa lower lip at lunok ng laway at tumili.


Tumango nalang ako at itinuloy ang pagbabasa. Ang hirap namang ipasok sa utak netong mga to, pero wait retouch muna, kelangan maganda kahit pagod.


Habang nag lalagay ako ng liptint nag text si Val "Friend! ang yummy!" at hindi naman halatang takam na takam ka jan sa sa senior natin, ano?! well jowable naman talaga si Bryle pero ekis, jowable nga eh so may jowa na. After retouching, itinuloy kona ang kunwariang review.



*** Friday ***


Napag pasyahan kong pumasok ng maaga, mga alas singko ng umaga ganon tapos 8 am pa pasok ko. Last day of final term exams kasi, kailangan kong mag review.

The Perfect Guy's Secret - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon